Her face is worried. Wala na akong ibang mabanaag kundi guhit ng takot, pag-aalala, at pangamba. I’ve seen her blissful at kung may pagkakataong malungkot, hindi naman ganito kalala. Marahan ko na lang inihakbang ang mga paa ko upang daluhan ang paglapit niya. “Si Jeonrick? N-nandito ba?” utal-utal niyang tanong sa akin. When I looked down her legs, I saw her knees trembling. She’s wearing a plain circle skirt kaya kitang kita ko. Sa boses pa lang ay mahahalata nang hindi siya mapakali. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil wala namang binilin kung dapat ko bang ipaalam na narito si Jeonrick. All I know is that he’s still coping from hang-over. Idagdag pa ang muntik nang mangyari sa kanila ni Alea kung hindi ko pinigilan. “U-uh… o-oo, dito na siya nagpalipas ng kagabi—”

