βββββ¦β’β©β’β¦ββββ Kaarawan ngayon ni Trenz, at gaya ng nakasanayan ay isa lamang itong private at exclusive na selebrasyon. Walang outsiders, walang media, walang gatecrashers, at walang magarbong party... tanging ang mga high-ranking members lang ng kanyang organisasyon at ang dalawa niyang kapatid na sina Joyce at Celestina ang kasama niya ngayon. Dapat kasama din si Hugo at si Josh, pero dahil may mga misyon ang mga ito ay hindi sila makakapunta. Maraming mga pagkain ang nakahain sa mahabang table at maraming mamahaling alak na pagsasalo-salohan nila mamaya pagkatapos nilang kumain at magpahinga. Magpapakalunod sila sa alak mamayang gabi, at taon-taon ay ganuon ang ginagawa nila tuwing kaarawan ni Trenz. "Kuya..." Mahinang tawag ni Celestina habang nakaupo si Trenz sa dulo ng lamesa, nak

