◄Trenz's POV► Pagkarating namin sa aking malaking mansyon, hinayaan na nila akong umakyat mag-isa sa aking silid. Parang kay bigat ng bawat hakbang ko paakyat sa grand staircase. The air felt heavy, at ang utak ko ay puno ng mga tanong na walang sagot, at ang tahimik na paligid ay parang nag-e-echo ng aking sariling heartbeat. Una kong pinuntahan ang mini office ko sa loob ng malaking master bedroom ko, 'yung isang maliit na silid opisina sa loob mismo ng malaking bedroom ko na puno ng high-tech gadgets at mga larawan ng babae sa nakaraan ko. Naupo ako sa swivel chair, at binuksan ko ang computer. My hands were trembling slightly habang hinahanap ko ang footage mula two years ago, specifically nuong gabi mismo ng aking kaarawan. That fateful night na akala ko ay ordinary party lang na

