❀⊱Mary's POV⊰❀ Maaga akong nagpaalam sa boss ko na kailangan ko ng umuwi. Nuong una, panay ang tanong niya kung bakit, pero hindi ko masabi na may sakit si Trenz. Pero pinayagan naman niya ako. Mabait naman kasi si Ace. Hindi siya katulad ng ibang boss na kapag nagpaalam ka... kahit na ano pa ang reason mo ay hindi ka papayagan. Kahit naman siguro ako, magiging mahigpit din ako. Pero si Ace, ewan ko ba kung bakit agad akong pinayagan. Pero okay 'yon, at least ay maaasikaso ko si Trenz. Kapatid naman siya ni Celestina kaya walang problema sa akin. Wala din ang dalawang kapatid ni Trenz, hanggang ngayon ay nanduon pa rin ang mga ito sa England dahil sa malaking event nila na paparating, kaya wala siyang kasama, at mukhang busy ang mga galamay niya kaya wala akong magagawa kung hindi ang i

