┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Bro, okay ka na ba? Ang taas ng lagnat mo kahapon. Buti dumating kami dito kagabi ng tinawagan kami ng kasambahay mo." Sabi ni Cairo. Nakaupo ito sa sofa sa loob ng silid ni Trenz. "Matinding pagod lang kaya ako trinangkaso. Kamusta naman ang pinatrabaho ko sa inyo?" Tumayo si Cairo at nilapitan niya ang matalik na kaibigan at sinalat ang noo nito. Hindi na ito sobrang init kaya napatango-tango si Cairo. "Kainin mo muna 'yang soup na niluto ni Manang, para makainom ka na ng gamot para tuluyan ka ng gumaling." Tinignan naman ni Trenz ang table na nasa gilid ng kanyang kama na may nakapatong na isang bowl at umuusok pa ito. Umiling soya. Mapait ang panlasa niya at parang babaligtad ang kaniyang sikmura. Iniisip din niya kung ano ang nangyari kay Mary. Ang alam niya ay in

