Chapter 8
Mary
Buong tapang kong sinabi na mag re- resign na ako at ito ang napag usapan namin ni Krys bago ako magtungo dito. Mag re- resign ako dito at ipapasok niya as service crew sa kakilala nyang restaurant manager.
" Really ?? nakalimutan mo naba ang-- "
" Huwag ka mag alala di ko nakakalimutan yan. Babayaran kita. " napatayo siya at nilamukos ang resignation paper ko.
What the f***!!
Pagkatapos, tinapon lang ang kawawang papel kung saan
" No! " ma wtoridad nyang sambit.
" Anong no ? mag reresign ako sa ayaw at sa gusto mo. You're not my boss anymore " kitang kita kung paano maningkit ang mata nya na parang naasar na sa akin. Kinabahan ako nang papalapit sya sa akin dahilan para mapa atras ako, napayukom ang aking kamao dahil sa paninitig niya sa akin, madilim ang kanyang mata na parang may masama akong nagawa sa kanya.
" I'm still your boss until i say so " I laugh bitterly.
" Wow! Just wow! ibang klase ka talaga, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo "
" But I got you " his husky voice gives me shiver, parang may kung anong kuryente ang kumiliti sa pagkatao ko, di ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Bahala siya dyan! Wala akong alam!
" f**k you! " sabay talikod ko sa kanya, napipikon na talaga ako sa pinag gagawa niya.
"I will accept your resignation in one condition " nagpatigil ako at agad sya nilingon.
" Come with me " aniya habang nakaupo sa kanyang mesa habang nakahalukipkip
" In your dreams--"
" Just.. one night " napansin ko naman ang pagbabago ng mukha niya. Ang kaninang parang galit ay napalitan nang nagsusumamong mukha.
Pagdating sa bahay ay di ko naabutan si Kristel, hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang naging marupok kong desisyon, ay hindi... pinilit ako ng isang Liam Sebastian. Sino ba naman kasi hindi mapipilitan sa gusto niyang mangyari, kung hindi ako sumunod kakasuhan niya ako. Tss dahil lang sa damit nyang mamahalin na sinira ko at nasusukahan ko ay kaya nyang magpakulong ng tao?
Knowing that he is a Sebastian he can make it possible even without evidence and due process, mukhang talo na naman din ako kung makikipag laban pa ako sa korte.
Come with me just... one night. Parang sirang-plaka na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko
F*** his condition
Pagkatapos ko maligo, wala sa wisyo kong inaayos ang gamit ko, isang pang alis at isang pang tulog lang dala ko tutal isang gabi lang naman iyon kaya maliit na bag lang ang dala ko. Habang nag aayos ng sarili ay biglang tumunog ang telepono ko +639**********
" OUTSIDE " napakunot noo ako sa nabasa ko, bukod sa hindi ko kilala ang nagtext halatang tamad pa ito sa pagtipa. Agad naman ako sumilip sa bintana at nagulat nang makita kung sino ang nasa labas, nakasandal ito sa sasakyan niya na halatang pang mayaman. Ang mga kamay ay nakasuksok sa kahki short. Ineksamin ko ang kabuuan niya, black shirt na humahapit sa malapad nyang balikat at katawan, nakasuot din ito ng topsider.
Napabalikwas ako nang mag angat sya ang tingin sa akin sabay baba nya ng kanyang shade. Okay??? Natulala ako sa kanya dahil sa kasimplehan niya ngayon ,mukhang hindi masamang tao.
Paglabas ko ay isang Liam Sebastian angel version ang bumungad sakin, with a smile on his fac. For the first time, he smiled at me.
" new number ha ? " pagtataray ko, di naman niya ako sinagot at diretso sya sa kanyang ginagawa. Pinagbuksab niya ako ng pinto at agad na sumakay, na pakapit ako nang mahigpit sa strap ng bag ko nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Halos ga hibla lang ang aming pagitan kaya napapikit ako.
OMG!!! hahalikan niya ba ako?
" Seatbelt " then he chuckled, pagmulat ay sinamaan ko siya nang tingin at agad iniwas ang aking mukha.
" Disappointed ? Pangaasar nya pa, feeling ko na ngamatis ma ang aking mukha dahil sa kahihiyan, hindi ka nalang siya pinansin sa kanyang pang-aasar, tahimik lang ako sa biyahe. Tanging tunog ng radyo at aircon ang maririnig.
" Saan tayo pupunta ? " walang emosyon kong tanong habang nakatingin lang sa labas
" Just sleep, mahaba pa ang byahe " na patingin ako sa kanya kasi parang di naman niya sinagot ang tanong ko.
" Kinikidnap mo ba ako? " tinawanan lang naman niya ako samantalang ako ay naguguluhan
" What do you want to eat ? " muli nyang tanong habang nakatutok pa rin sa kalsada, napailing nalang ako at hindi makapaniwalang iniba niya ang usapan, muli na lang ako tumingin sa bintana. Mabuti pang matulog na lang, walang kwentang kausap ko kasama ko. Mula sa pagkukunwaring natutulog ay tuluyan na ako hinila ng antok.
Isang malakas na kulog ang nag pa gising sa akin, na pahawak pa ako sa aking bandang dibdib dahil sa bilis nang t***k ng puso ko.
" Hey, it's okay " naramdaman ko ang pag hawak ni Liam sa aking kamay, tinitigan ko ito at inalis niya rin agad. Ang malakas na ulan at may kasamang kulog at kidlat ang makikita sa labas, makalipas ang halos dalawang oras ay nakarating din kami kung saan man destinasyon ito
" We're here " tumigil kami sa isang malaking gate, hindi ko maaninag ang paligid dahil sa malakas na ulan, tanging ilaw lang sa poste at liwanag mula sa malayong bahay ang nakikita ko.
" s**t! " sabay palo nya sa manibela niya habang may tinatawagan
" Bakit ? tanong ko
" Hindi ko makontak si manong Jun " ilang beses nya ito tinatawagan ngunit bigo siya, maya-maya ay binuksan niya ang pintuan ng sasakyan, mas lalo kong naramdaman ang lakas ng ulan at ihip ng hangin na parang matatangay kana. Lumabas siya sa sasakyan at nagtungo sa malaking gate, di ko alam kung nag doorbell sya or what, maya-maya ang nagbukas din ito bumalik siya na basang basa ang buong katawan, gusto ko sana siyang punasan o pagalitan at bakit siya sumuong doon, naunahan nalang ako ng hiya saka paki alam ko sa kanya di ba ?
Pumasok na kami sa loob ng gate, tumapat kami sa malaking bahay, na una siyang bumaba at may kinuha na payong pinag buksan niya ako ng pinto at pinayungan hanggang makarating sa malaking pintong mukhang gawa sa matibay na kahoy, lumapit naman ang isang matandang lalaki at kinuha ang payong. Ito siguro ang caretaker dito.
" Pasensya na sir nawalan kasi ng signal ang telepono gawa ng bagyo " napansin ko pa ang panay tingin sa akin ng matanda na parang may gustong itanong.
" okay lang mang Jun, okay na ba ang lahat? " tumango naman ang matanda at saka nya pinauwi pero bago pa tumalima ang matanda ay muli ito tumingin sa akin na may kuryosidad sa kanyang mukha. Pinag walang bahala ko na lang ito at agad na pumasok sa loob ng bahay.
Sa labas ay mukhang lumang bahay ngunit pagpasok mo sa loob ay isang modern interior design ang makikita mo, mukha itong alaga dahil sa malinis at mabango sa loob, pinag halong white and gold ang kulay nito, may malalaking kurtina na abot hanggang sahig, sala set na parang pwedeng gawing higaan sa sobrang lawak at laki.
" You like it" " napalingon naman ako by Liam, pero imbes sa mukha ako tumingin ay rektang sa basa nyang katawan. Napako ang mata at lalong nakita ang basang basa nyang damit kaya bumakat ang kanyang malapad na dibdib. Napalunok ako.
Rinig ko ang pagtawa nya kaya umiwas ako dito ng tingin, sigurado ako na pula na ang mukha ko sa sobrang hiya.
" Come " umakyat na sya sa hagdanang gawa sa salamin, sumunod naman ako sa kanya. Pag-akyat ay tatlong pintuan ang bumungad, binuksan niya ang isang nasa gitnang bahagi.
" this will be your room " pumasok ako sa isang kwarto na puro kulay pink, natawa pa ako dahil parang pang bata yung kwarto. Malaki ang kama na may disenyong disney princess, sa sulok nito ay meron din mga malalaking box. Pumasok ako ng banyo para maligo muna dahil nabasa na rin ako ng ulan, wala akong nakitang shampoo, nahihiya man ay nang hingi ako kay Liam.
Paglabas ko ay sakto palabas din siya ng kanyang kwarto. Sa isang kwarto na nasa kabilang dulo sya pumasok na sa tingin ko ay mas malaki ito kumpara sa dalawang kwarto. Mas malapad rin ang pinto nito. Maya-maya ay lumabas na siya at agad na sinara at nilock amg pinto.
Akala niya siguro nanakawan ko yung kwarto kung maka lock kulang na lang sangkaterbang padlock ang ilagay.
Pagkatapos iabot sa akin ang kailangan ko ay agad ako tumalikod pumasok sa loob ng kwarto. Nang matapos ay agad ako bumaba upang kumain, medyo nahihiya pa ako dahil sa suot kong maikling short at malaking damit na pantulog m, tumikhim na rinako at lumingon siya sa akin na bagong ligo din.
Nakaramdam ako ng ilang nang pasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa, nakita ko kung nakailang lunok siya bago umiwas nang tingin. Umupo ako sa harap niya.
" Sobrang dami naman nito, sino nag luto ? " tanong ko habang pinapasadahan nang tingin ang mga pagkaing nakahain.
" Si manang Fe " sagot niya na tuloy tuloy sya sa pagkain, mukhang gutom na gutom sya sa laki ng bawat subo nya.
" Nasaan pala tayo Sir Liam " napatingin naman siya sa akin
" Batangas " halos nanlaki naman ang mata ko dahil sa layo namin, from manila to batangas, bigla ko naalala si Krystel, panigurado nag-aalala na iyon, mamaya ko nalang siguro siya tawagan pagkatapos namin kumain. Ako na ang nag prisinta maghugas, nakita ko si Liam na nakahiga sa sala siguro ay nagpapahinga dala ng pagod Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko 1 p.m. pa lang pero parang gabi na sa labas dahil sa dilim ng langit. Nanlaki ang mata ko sa dami ng miss call at text ni Krys, agad agad ko siya tinawag ngunit di ko makontak dala siguro ng mahina ang signal at lakas ng ulan. Muli ako bumaba sa sala at nakitang nakabaluktot si Liam lalapitan ko sana siya nang sumagot na si Krys.
" Hello " bahagya ko pa na ilayo ang cellphone sa tenga ko sa lakas ng boses niya, di naman masyadong halatang galit, sunod-sunod na sermon lang naman ang inabot ko.
" S-sorry hindi ako agad nakapag paalam nawala sa isip ko, ang lakas ng ulan. Oo okay lang ako, wag ka mag alala text kita agad. Sige ikaw din mag ingat ka diyan " sunod-sunod kong sagot sa kanya. Nang binaba ko na ang tawag biglang may nagsalita sa aking likuran
" Who's that " nagitla naman ako sa pagkaka tayo nang marinig ko ang malaking boses ni Liam, napahawak pa ako sa aking dibdib.
Pag kaharap ko sakanya nakatayo siya at madilim ang mata na nakatitig sa akin, kinabahan ako dahil sa awra nya.
" I said who's that! " na paatras ako habang siya ay unti unting papalapit sa akin
" Si si Krys.. ang kausap ko " nauutal pa ako dahil sa kinakabahan ako sa kinikilos niya, lumapit pa siya sa akin hanggang sa maging gahibbla na lang ang pagitan namin, namumula ang kanyang mukha at mata
" Ayoko nang istorbo " halos naamoy ko ang kanyang mabangong hininga, nagtaka pa ako dahil sa init nang buga ng hangin na galing sa bibig nya, pagod na pagod din ang kanyang itsura, sa pag aalala ay hinawakan ko ang kanyang mukha na pulang pula. Laking gulat ko ng sobrang init niya
" Oh my God Liam, nilalagnat ka! " kasabay noon ay ang pag higa niya sa balikat ko at tuluyan nang nawalan ng malay.