Chapter 9

1473 Words
Chapter 9 Mary Halos matumba ako sa pagsalo sa mabigat na katawan ni Liam. Inalalayan ko sya papunta sa sofa at doon ay dahan dahan sya pinahiga. Halos mataranta ako sa sobrang init nya. " Sir Liam! Sir Liam "saad ko habang tapik- tapik sa kanyang pisngi. Asan kaya ang mga gamot nito ? Tatayo na sana ako nang pigilan nya ako. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa aking braso. Laking gulat ko ng bigla nya ako hatakin papunta sakanya, kaya nawalan ako ng balanse at napadapa sakanya. Namilog ang mata ko ng halos maglalapat na ang aming mga labi sa sobrang lapit. Nakakabinging t***k ng puso ko ang tanging naririnig ko. Piling ko nararamdaman nya rin ang mabilis na pintig nito dahil sa magkadikit naming mga dibdib. Halos maduling ako sa palipat lipat kong titig sa kulay bughaw nyang mga mata. " S-sir kailangan nyo uminom ng gamot saan ba nakalagay kukunin ko " lakas loob kong salita kahit kabang kaba na ako. Tatayo na sana ako nang hilahin nya ulit ako papalapit sakanya. Ang kaninang muntikan ay natuluyan. This time, nagkadikit na ang aming mga labi. Ang kaninang mabilis na pag pintig ay sinamahan nang pagkarambola ng kung ano sa aking tiyan. Pilit ako kumakawala pero sadya syang malakas at mas lalong kinulong sa kanyang malaking bisig. Ang kaninang mapungay na mata ay marahan na pumikit at dinama ang kung ano mang nagaganap. Unti unti kong nararamdaman ang pagkilos ng kanyang labi, damang dama ko ang init nang buga ng hangin na galing sa kanyang matangos na ilong. Ang init ng kanyang labi at katawan ay hindi ko ininda. Kasabay nito ang pagkalusaw ng galit ko. Pawang nabura sa isipan ko ang dahilan nito. Katulad ng unang halik nya sa akin ay nadala ako. Pumikit ako at tinugon ang kanyang mapusok na halik. Nagising ako na mag-isa sa sofa. Agad ako bumangon. Nakakapagtaka pa na may kumot na nakabalot sakin. Bahagya pa ako nagitla ng may nagsalita sa likuran ko. Hindi ako kinalibutan dahil sa malalim nyang boses kundi sa hininga nya na dumampi sa aking batok. Ramdam ko ang awra nya sa aking likod. Paatras akong lumingon sa kanya. Tumikhim muna ako bago magsalita. " O-okay kanaba?, asan ang gamot mo kailangan mong uminom " lumapit sya akin at yumakap. Ayan nanaman ang puso kong gustong kumawala. Ano ba! Bakit nya ba ito ginagawa!! " I'm okay,uminom na ako kaya you don't have to worry " pumikit ako at dinadama ang bawat salitang binibigkas nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinatak papuntang dining table. Katulad kagabi parang pyesta nanaman sa sobrang dami ng pagkain kahit dalawa lang naman kami. " A-anong oras tayo uuwi " tanong ko habang nakatutok sa aking pagkain. " why? ayaw mo na ba ako kasama " napatingin ako sakanya. " H-hindi naman sa ganun sir, pero usapan natin isang gabi lang " this time tumingin na sya akin. Cold stare " May bagyo" napatingin naman ako sa labas. Madilim ang kalangitan pero hindi na umuulan. " let's stay here hanggang umayos ang panahon " hindi na ako nakipagtalo hindi rin naman ako mananalo kaya pinagpatuloy na lang ang pagkain. Umakyat ako sa kwarto para maligo. Dahil isa na lang naman ang malinis kong damit. Sinuot ko na ang pang alis ko.  Napatingin sakin si Liam na nanood sakanyang mala sineng t.v " Where are you going? " kunot noo nyang tanong " Wala, wala na kasi akong damit pamalit kaya sinuot ko na tong pang alis. May sabon kaba panlaba? Lalabhan ko na lang yung iba kong damit para may masuot ako " direstyo kong sagot. Napakunot noo naman ako ng tanging pag ngiti lang ang sagot nya. May nakakatawa ba? " You're so cute, wait me here maliligo lang ako " diretsyo naman sya taas, di nya nanaman sinagot ang tanong ko Pinagkibit balikat ko na lang ito at nanood na lang ng t.v. Bumaba sya ng nakaayos at bagong ligo.  " let's go " sabay kuha nya ng susi. Napabalikwas ako nang tayo dahil uuwi na pala kami. Agad ako nagtungo sa hagdan, paakyat na ako ng bigla sya nagsalita. " Saan ka pupunta? " " Kukunin mga gamit ko, uuwi na pala tayo di mo naman sinabi, di ko pa naayos gamit ko " " What? No we're not. Mamimili tayo ng damit mo " hindi naman na ako tumutol pa dahil agad syang lumabas. Pagdating sa mall ay dumiretsyo na kami sa mga branded na stall, desisyon nya yon at ayoko nang tumutol pa. Hinayaan ko na rin na sya ang pumili ng mga damit. Ayoko naman sabihing ako na nga nilibre choosy pa ako. Pero syempre ako na sa mga underwear. May napansin lang pala akong kakaiba. Simula nang pumasok kami sa mall ay nakahawak sya sa aking kamay. Para kaming magkasintahan. Hinayaan ko na lang ito kasi pakiramdam ko pinagmamalaki nya na parang ako ang fiance nya. Sa aming paglalakad ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay nya sa akin. " Stay here " tumango lamang ako. Tumungo sya sa direksyon ng isang lalaki may kausap sa telepono. Kita ko sakanila na parang matagal na silang magkaibigan na matagal na hindi nagkita. Matagal silang nag kwentuhan habang nag ta tawanan. Hindi ko marinig ang pinaguusapan nila dahil sa medyo ito malayo. Napadako naman ang tingin nila sa akin at agad din umiwas. After 30 minutes na pagaantay ay natapos na din sila. At umuwi din agad kami. Mukha kasi syang nagmamadali. Nilapag ko sa ibabaw ng kama ko ang mga pinamili nya. May kumatok sa pinto at bumungad ang matandang babae. " Magandang gabi po mam, nakahain na po ang hapunan " banayad naman syang ngumiti sa akin  " Si Liam po? I mean si Sir Liam? "  " Mamaya na daw po sya, may tatapusin lang daw syang trabaho " tumango naman ako at saka sya nya sinarado ang pinto. Agad ako nagbihis ng pambahay at kumain. " Kain po tayo nay " alok ko sa matanda habang naglalapag ng pagkain.  " Manang Fe na lang iha, ikaw ba ano pangalan mo?" hmm hindi nya pala alam pangalan ko? " Mary po " nakangiti kong sagot. " Gandang bata mo iha, para ka ding si mam Ingrid palagi kang nakangiti " natigilan ako sa huling sinabi ng matanda. Parang may naka bara sa aking lalamunan. Nahihirapan ako lunukin ang pagkaing nasa bibig ko. " May problema ba iha? " batid sa kanyang mukha ang pagaalala. umiling naman ako at nginitian ito.  " Ano po pala manang yung nasa karton sa kwartong tinutulugan ko? " " Ah yun ba? Wala yun. Mga dating laman sa kwarto. Hindi ko alam bakit pinatago bigla ni Sir Liam. Siguro ay dahil dadating ka at para maluwag ang kwarto mo " tumango lamang ako at hindi na muli nagtanong. Inayos ko na ang mga bagong biling damit ko. Pagkatapos maligo ay napagpasyahan kong ilagay ito sa drawer.  Pagbukas, punong puno ito ng laruang pang babae, mostly mga manika. Iniisip ko tuloy kung kanino ang mga ito. Pinatong ko na lang ang mga damit sa ibabaw ng malaking karton. Paalis na sana ako nang mapansin ko ang isang karton na nakauwang. Dala ng kuryosidad ay binuksan ko ito. Tumambad dito ang mga baru baruan ng bata, halos lahat ay kulay pink. Binalik ko sa pagkakasalansan at sinarado ulit ang kahon. Napaupo ako sa kama ng puno ng tanong. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwartong tinulugan ko. Tama, saktong sakto ito para sa batang babae. Hindi kaya?? Napabalikwas ako nang tayo nang marinig ko sa labas ang malakas na pagsigaw ni Liam. Galit sya. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan ko sapat na para makita ko ang labas. Nakita ko naman lumabas si Liam sa isang kwarto kung saan sya natutulog. May kausap sya telepono kung kaya hindi ito masyado nasarado. Nang napansin ko na wala na si Liam ay dahan dahan ako nagtungo sa kwarto nya. Tiningnan ko ulit ang hagdanan baka may makakita sa akin. Dahan dahan ako pumasok sa loob. Binuksan ko ang ilaw. Tumambad sa akin ang kulay asul na kwarto ang kama ay may design na pang car race. May laruan na pambatang lalaki. Mostly ay mga sasakyan. Ang kaibahan nga lang ang gamit dito ay nanatili sa pagkakaayos. Sakto ang kwarto na ito para sa anak na lalaki. Hindi na ako nagtagal doon sapat na yon para malaman kung para kanino ang kwarto. Siguro nga tama ang hinala ko. May anak si Liam. At ang mga kwarto na ito ay para sa anak nya, ang bahay na ito ay marahil sa kanyang pamilya. Pero malaking katanungan sa akin nasaan ang mga ito at bakit dito nya ako pinatuloy?. Lumabas ako ng kwarto na puno nang katanungan. Pilit na binubura sa isipan ang mga nakita. Dapat na ba akong umalis dito? Paano kung maabutan ako ni Ingrid dito? Muli ko nilingon ang pinto, at tiningnan ang isang pang kwarto, lalo akong nakaramdam ng kaba. Kailangan ko iwasan ang hindi dapat. Tigilan ang nagsisimulang ugnayan sa aming dalawa, at hindi dapat umasa. Ayoko makasira ng pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD