Chapter 4

1695 Words
Chapter 4 Mary Kanina pa ako di mapakali sa kwarto, lakad doon lakad dito. Takte naman kasi kakarating ko lang ng bahay nang may matanggap akong tawag mula kay mamu. Simula na daw ako mamayang gabi at agad-agad talaga. Jusko! hindi pa nga ako nakaka move on sa pag-uusap namin kanina at heto na agad. Umidlip muna ako para may lakas mamaya tutal 7:00 p.m. pa naman ang start ko. Nagising ako ng 4:00 p.m,. Haiisttt!  baka ma ma late ako nito, mabilis lang ako naligo at nagayos sa sarili, sa taxi na ako ng suklay at nag ayos ng mukha. Pagkababa ko ay agad namangha sa aking  nakita,  entertainment club ba talaga ito?  parang Five star hotel, katulad nang pinuntahan ko kanina. Maya-maya ay may lumabas na dalawang babae sa pinto, mula sa labas ay rinig na rinig ko na ang tunog na nanggagaling sa loob pagka sarado ay nawala ulit ang maingay na tunog. Pumunta ako sa nakabantay na nasa labas, sinabi ko lang ang pangalan ko at agad na pinapasok. Yun kasi ang sinabi ni mamu. Wow! Just wow! yun lang ang nasabi ko, napaka elegant naman ng lugar na ito pero naka nakakapagtaka, dalawang palapag lang ang nakikita ko pero sa labas ay napakataas na building ito. Pagpasok ay bubungad ang dalawang malawak na loob, mula sa taas ay may chandelier ito na malaki, may dj at my live band. Sa likod naman ng bartender ay may nakadisplay na iba't ibang klase ng alak. May nakita akong magandang waitress na papalapit sa akin. " Hi Ma'am! You are Mary right? "  mahinhin nyang tanong, teka? Paano nya nalaman pangalan ko? " Y-yes " naguguluhan akong sagot " This way please "  sabay mwestra nya ng kamay na dadaanan namin at agad ko naman siya sinundan. Huminto kami sa elevator. Ok... now I know.  Pinindot niya ang 20th floor, sinundan ko lang siya hanggang sa makarating sa malaking dalawang pinto at may nakasulat na chairman, kumatok muna ito ng dalawang beses atsaka kami pumasok sa loob. Nakakita naman ako ng penthouse na parang sinasabing napakahirap ko, halatang mamahalin ang mga gamit mula sa receiving area ay nag lakad ulit kami sa isa pang kwarto,  kumatok ulit siya ng dalawang beses. Pag bukas, isang malaking opisina ang bumungad.  Pumasok ako sa loob at naiwan sa labas ang kasama ko, tumikhim ako upang ipahiwatig sa taong nakaupo sa swivel chair habang nakatalikod sa akin na ... hello andito na ako, may tao!!. Maya-maya lang ay humarap na ito. Laking gulat ko na malamang siya... siya ang boss ko. Sakanya pa rin ba ito? pagmamay ari niya rin ba ito?.  Grabe, ang yaman niya pala talaga. Ilang segundo kaming nagkatitigan pero ako ang unang umiwas nang tingin, paano ba naman kasi kitang kita ko kung paano niya kagatin at basahin ang ibabang labi nya. " Sit " maawtoridad nyang utos. Umupo ako sa harap niya habang kurot-kurot ang mga kamay ko sa sobrang kaba ko, namamawis na ako kahit napaka lamig naman dito sa loob. " How old are you? "  pormal niyang tanong. Yun ba agad ang tanong?  hindi full name? " 25 Sir "  " Full name " " Mary Jane Santos "  " Birthday " muli nyang tanong " August 29  " Status " " Single po " napansin ko naman na napaayos sya nang upo. " Didn't you have a boyfriend...ever? " napakunot naman ako ng noo sa tanong niya saka umiling. Ganito ba talaga mga tanong pag nag aaplay ng trabaho? " I see... " maikling nyang sagot sabay haplos sa baba nya na parang tama ang mga naging sagot ko. " Anyway, where is your parents?"  napahinto naman ako sa tinatanong niya, kinurot kulot muli ang aking kamay para mapigilan ang nagbabadyang pag-iyak. " Pa... patay na po ang daddy ko, ang mommy ko naman ay wala " parehas kami na tahimik walang nagsasalita at parang pinapakiramdaman ang mga sarili, magsasalita pa sana siya nang biglang may pumasok. Omg isipang hulog ng langit " Hey hey hey Liam, what's up! Uyyyy...  who is this beautiful Lady? " sabay titig sa akin ng lalaki. " Don't you know how to knock first Philip? "  inis niyang sambit dito. " Hindi mo naman sinabi na may maganda ka pa lang bisita, by the way i'm Phillip "  sabay kuha ng kamay ko at hinalikan, nabigla naman ako sa kanyang ginawa at agad ko binawi ang aking kamay. " Get f*cking out here Philip before i kill you! " napatingin ako sa kanya na seryosong seryoso ang mukha. " All right.. all right aantayin kita sa baba... see you around beautiful " sabay kindat niya sa akin, may narinig naman akong mahinang mura at napatingin sa kaninang kausap ko. " Bahala na si sandy sa iyo, sya na ang magtuturo kung ano ang gagawin mo " bigla syang tumayo at iniwan ako magisa. Ano na naman problema niya? Tinawag naman ako ng sandy at sumama sa kanya, tinuruan niya ako kung anong gagawin ko. Magaan lang naman katulad nang pag entertain ng mga customer at paghatid sa kanilang order. " Heto susuotin mo, Mary "  binigay niya sa akin ang damit sa akin, ang amo ng mukha niya. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.  naka skirt ako ng medyo maiksi, blouse na kita ang pusod, may kulay puti ito at may disenyong dalawang linya sa gilid na kulay asul. Pinusod ko ang aking mahabang buhok at nilagay ang maliit na puting sumbrero na parang pang navy, light makeup lang ang nilagay ko pagkatapos ay sinuot ko ang boots ko na puti rin at lumabas na. Handa na ako sa aking magiging trabaho. " Are you ready ? " nakangiting tanong niya sa akin, tumango naman ako at ngumiti rin.  Nakakahawa kasi yung awra ng mukha nya, paglabas namin ay sumalubong agad ang ingay at iba't-ibang nakakahilong kulay ng ilaw na bumabalot sa lugar, nagsisimula na din dumami ang tao,  maging ang mga kapwa ko trabahador ay nagiging busy na rin. Dumiretsyo naman kami ni sandy sa  bartending area. Pinakilala nya sa akin ang bartender na si Jeff. Nag taas lang ako ng kamay at nginitian sya, buti hindi masyado maingay banda dito samin at nagkakaririnigan kami kahit papaano.  Ang lawak naman kasi ng bar na ito. " Mukhang lalong dadagsain itong bar, ang ganda naman kasi ng bagong waitress " aniya. Napakagat ako sa ibabang labi para mapigilan ang kilig ko, kasi naman ang gwapong nilalang ni Jeff. Parang koreano sa kinis ng mukha at sabayan ng magkabilaang dimple " Two bucket please "  napatingin naman kami sa nag salita na may baritonong boses. Si Liam, tumitig naman siya sa akin ng masama na akala mo may nagawa na naman akong mali sa kanya. " Dalhin mo sa table namin " malamig na utos sabay alis nya habang ako ay takang taka. " Hayaan mo na yan si Sir, ganyan lang talaga yan " si Jeff habang inaayos ang mga alak, nagpaalam sya na huwag muna ako umalis at ihahatid nya lang ang mga alak sa table nila Liam. " Ako na lang Jeff, mukhang ako yung inutusan niya kanina eh " sabay kuha ng dalawang bucket na may laman ng mga bote ng alak. " Sigurado ka Mary?  mabigat yan  " di na ako nag patigil at kinuha na rin parin ito. oo nga mabigat nga Dumiretso na ako kung nasaan ang table nila Sir Liam. Madaling ko lang nakita dahil bukod sa malapit lang sila dito, sila rin ang may pinakamalaking space na okupado sa may malaking pabilog na couch and syempre may mga kasamang babae. Tumingin naman sila sa akin paglapag ko ng alak. " Hey! Mary, right ? "  tanong ng lalaking may nakapulupot na babae si Fred, tumango naman ako nang pilit. " Well I'm Fred " sabay tayo nya at naglahad ng kamay inabot ko naman ito, nagulat ako ng ilang beses nya pinisil ang kamay ko. " Papakilala ko lang sa'yo mga kaibigan ko dahil mukhang wala namang balak ipakilala ka samin ni Liam " sabay tingin nya kay liam maging ako ay napatingin na din. Nakatitig lamang sya sa hawak na bote, tinuro ni Fred isa isa ang kaibigan niya. Si Mike, Zion at si Philip na parang ikinakahiya nya ipakilala, sabay-sabay naman sila nag tawanan dahil busying-busy ito sa kalandian niya. " Mind to join us? My treat "  tanong ulit nito. Sasagot na sana ako nang may biglang may tumutol. Nagsasalita pala to? " No! go back to your work Mary Jane "  bigla naman ako napalunok ng malaki sa aking narinig, binanggit niya ng buo ang pangalan ko. Na patingin naman ako kay Liam na ngayon ay masamang nakatitig sa akin , ginapangann ako ng kilabot sa buong katawan kaya agad ako umalis. Feeling ko pag nanatili ako doon parang may bulkang sasabog. Dumaan ang ilang oras na smooth ang unang araw ng trabaho, bukod sa pagse serve ng alak at pag entertain sa guess parang may mabigat na matang nakatingin sa akin. Ilang oras na lang ay malapit na kami mag closing kumonti na din ang customers at may ngilan ngilang lasing na natira. " Miss! "  napalingon ako sa matandang tumawag sa akin na may kasamang mukhang tauhan nya na nasa gilid niya. Mabilis ako na lumapit sa kanya habang nilista ko ang kanyang order ay biglang niya hinawakan ang pwet ko. Sa gulat ko ay nasampal ko siya. " Bastos! " bulyaw ko dito, na paatras naman ako nang makita kong mag igting ang kanyang panga, matalim itong tumitig sa akin. Humakbang na rin sya papalapit sa akin maging ang mga bantay niya. Bigla niya akong hinawakan sa braso at pilit na hinahalikan sa takot ay nabitawan ko na ang mga hawak ko at pilit ko tinatakpan ang aking mukha hanggang sa makarinig nalang ako nang malakas na kalabog at nag laglagang mga bote. Bigla nalang may humila sa akin palayo sa nagkakagulo. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid,  ang mata ko ay napako na lang sa lalaking naka ibabaw na sa taong nang bastos sa akin. Kitang-kita ko kung paano niya sunod sunurin nang suntok ang lalaking naka higa, kahit na ang mga tauhan nito ay pinipigilan siya. Yung mata niyang parang nag aapoy na sa sobrang galit, ayaw niya mag paawat kahit puno na ng dugo ang kanyang mga kamay. Wala na akong magawa kundi titigan ang lalaking nagtanggol sa akin. Si Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD