Chapter 5

1685 Words
Chapter 5 Mary Nanginginig pa ang kamay ko nang abutin ko ang tubig na binigay ni Jeff. Tahimik ang lahat at walang balak magsalita pagkatapos nang nangyaring gulo, tanging pag aayos ng mga lamesa at paglilinis ng mga nabasag na bote ang tanging maririnig. " Are you okay? " tanong ni sandy habang hinahagod ang likod ko. Tipid akong ngumiti pero bakas pa rin ang takot sa akin. " Ngayon ko lang ulit nakita siyang magalit ng ganun " sabay hilamos ng mukha ni Mike na parang alalang alala. " Well yeah! the last time I saw that cold blooded man when he caught..." " Shut the f*** up Fred! "  pagtutol sa kaibigan ni Philip. " Alam niyo umuwi na kayo! Ako na lang maghahatid sayo Mary " sabay tayo ni Sir Philip, pero agad ko sya pinigilan. " Sandali lang, kailangan ko po makausap si Sir Liam. Nag-aalala kasi ako"  nangingilid na ang luha ko at garalgal na boses ang lumalabas sa akin. " He's okay Mary, you don't need to worry and besides,  hindi mo siya makakausap lalo na't galit siya " sa takot ay napalunok ako sa sinabi niya na parang binabalaan akong huwag ko nang subukan kung ano man ang aking pinaplano " H-hindi kasi ako mapalagay Sir Philip. Please ... magpapasalamat lang ako at hihingi ng tawad dahil kasi sa akin kaya nagkagulo " pabulong kong sabi, tinitigan ko siya sa kanyang mata and he just sighed. " Sige sige, pero pag hindi ka niya pinag buksan huwag mo nang ipilit kailangan niya muna magpalamig ng ulo " sabay gulo nya sa buhok ko. Nakaramdam naman ako nang ginhawa dahil sa ginawa niya, so i smiled at him Nagpaalam na sina Mike sabay hatak nya kay sandy, sumabay na rin si Fred sa kanila at nagpaalam na rin sa amin. Naglakad na kami papunta sa elevator, kapwa kami tahimik hanggang sa makarating sa pinto nang tinutuluyan ni Liam. Bigla naman kami nagulat nang makarinig ng mga nabasag sa loob, nag katitigan naman kaming dalawa at pawang pinapakiramdaman ang bawat isa. " Are you sure about this Mary?  You can talk to him some other time " sabay hawak niya sa kamay ko, napa iwas naman ako nang tingin at bumitaw sa pagkaka hawak niya sa akin. " Hmmmm okay " then he knock two times " What!! "  galit na sigaw mula sa loob ng kwarto. Na pahawak naman ako nang mahigpit sa braso ko nang marinig ang galit nyang boses. Mukhang tama si Philip, hindi ito ang tamang oras. " Mary's here, she wants to talk to you  " tugon ni Philip. Nag antay kaming sumagot ang nasa loob ng kwarto pero ilang segundo na ang nakakalipas tahimik pa rin, tiningnan ako ni Philip at tumango na lamang ako, siguro nga ayaw niya ng may kausap. Gusto niya lang mapag isa, nagsimula na akong humakbang nang may marinig kaming pagpihit ng door knob kaya napalingon kami doon " Sa baba lang ako "  si Philip saka umalis, nakatitig lang ako sa pintuan dahil sa kaba.  Bumuntong hininga ako atsaka unti-unti binuksan ang pinto. Wala akong makita dahil sa madilim sa loob, pagpasok ko ay naaninag ko ang taong nasa terrace may hawak na baso na  mukhang may lamang alak. Nagsimula na ako humakbang at agad ding napatigil dahil sa may nasipaa akong bagay kaya naman napatingin sya akin " What do you want " sabay lagok nya ng alak.  Napalunok naman ako at mahigpit na nakahawak sa mga kamay " Gusto ko lang po magpasalamat at humingi ng pasensya dahil sa akin ay nagkagulo sa bar " pilit ko pinatatag ang boses at sarili ko kahit punong puno na ako ng kaba. Napayuko ako at napapikit habang inaantay ang sermon niya sa akin pero ilang segundo na ang nakalipas nanatiling tahimik lang ang paligid. Pagmulat ko ay nakaramdam ako ng takot dahil papunta siya sa direction ko, na paatras ako dahil sa madilim na awra nya, papalapit sya nang papalapit habang ako naman ay paatras nang patras. Naramdaman ko nalang ang matigas at malamig sa likod ko. Tinungkod niya ang kanyang kamay sa gilid ng mukha ko at napapikit ako sa maaaring gawin nya sa akin. Pagmulat ng mata ko ay isang perpektong mukha ang bumungad, sa sobrang lapit ay halos naamoy ko ang pinaghalong alak at mabangong hininga nya. s**t! " Don't you... don't you remember? "  Ghad!  Lalo ko na amoy ang hininga, pero napa kunot  naman ako ng noo sa tanong niya . " That Night! tsk! "  ramdam ko ang pagkainis niya, kahit madilim na naaaninag ko ang ilang bahagi ng kanyang perpektong labi dahil sa papaliwanag na langit. " Ah! Opo " sa takot ko ay hindi ko alam ang sinagot ko oo dahil naaalala ko yung gabing iyon o oo dahil wala akong maalala. Namilog ang aking mata nang maramdaman ko ang malambot nyang labi, ang sistema ko ay nagkakagulo na hanggang sa ang kaninang nakalapat lang ay naging mapusok, nabingi ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko  at parang gusto nang kumawala.  Hindi ko na namalayan ang sarili at napatugon na rin,  naging malalim pa ito hinawakan niya ang batok ko at lalong diniin ang sarili sa akin, na pahawak naman ako sa kanyang dibdib na matigas. Napamulat ako nang naramdaman ko ang paghaplos at pag masa niya sa aking dibdib, may pagdadalawang isip ako kung pipigilan ko  ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng dibdib ko at bahagya ko syang naitulak " Ouch! f*** "  sabi nya habang tinitingnan ang kamao niya " Ang kamay mo  " dali dali naman ako nagtungo sa switch ng ilaw at binuksan ko ito. oo nga pala galing siya sa suntukan kaya may sugat ang kamay niya " May first aid kit ka ba dito sir liam " tinuro nya kung nasaan ito at agad naman ako nagtungo doon, nang makita tumabi ako sa kanya sa sofa, kinuha ang malaking ang kamay at pinatong ko ito sa aking tuhod. Wala naman masyadong dugo dito pero kitang-kita ang laki ng sugat at pamamaga ng kanyang kamao. Ramdam na ramdam ko ang paninitig nya sa akin, napalunok nalang ako at umiwas nang tingin. Kapag nag tatama ang aming mata tinutuon ko na lang ang aking atensyon sa paglilinis ng kanyang sugat. " Thank you "  napatingin naman ako nang tingin sa kanya " Wala iyon Sir, nahihiya nga po ako sa inyo kasi  kung hindi dahil sa akin--- " " It's nothing, I will kill whoever touch you " napa titig naman ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa kamay niyang naka benda. Ano ba!  seryoso ba siya? bakit ganyan siya magsalita ( bulong ko sa sarili ) Napabalikwas naman ako ng tayo ng biglang bumukas ang pinto si Philip. " s**t! akala ko kung ano na nangyari sa'yo Mary " sabay takbo nya papalapit sa amin. Oo nga pala nag aantay nga pala si Sir Philip sa baba nakalimutan ko,  binati niya ang kanyang kaibigan sabay tapik niya sa balikat nito. " Magpahinga ka na, ako nang maghahatid kay Mary " aniya  " Ako na, okay lang ako. Maliit lang naman to "  sabay tayo niya at tumitig sa akin. " No! you need to rest and Ingrid.. kanina pa daw siya tumatawag sayo pero di mo sinasagot,  she's worried " para naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahil sa narinig ko, Ingrid? Siya ba yung mapapangasawa niya? Naramdaman ko na lang ang pag hila sa kamay ko ni Sir Philip sa palapulsuhan ko at sumunod na lang ako sa kanya para kasi akong biglang nawalan ng gana, hindi ko alam. bago ma isarado ang pinto ay napatingin ako sa loob, nakakunot ang kanyang noo, salubong ang kilay habang masamang nakatitig sa akin. Sa biyahe tahimik lang kami ni Sir Philip, hindi na ako tumanggi sa alok niyang paghatid dahil sa pagod narin ako. Stress ang inabot ko, unang araw ko palang sa trabaho ang dami na agad nang yari. Nang makarating kami sa bahay,  bababa na sana si Sir Philip, siguro ay para pag buksan ako pero inunahan ko na siya at lumabas agad ng sasakyan. " Thank you po Sir Philip pasensya na po sa abala "  sumilip naman siya sa bintana ng sasakyan niya at tiningnan ang tinutuluyan ko. " Anything for you Mary " sabay kindat niya sa akin. tsk! galawang babaero. Sinarado niya na ang bintana at pina tunog muna ang sasakyan bago umalis, mabigat ang katawan nang umakyat papasok sa boarding house, pagbukas ko palang ng pinto ay agad ako sinalubong ni Krys. " naku! Mary, san ka nag pupunta pinag alala mo ako "  kitang kita sa mukha niya ang pag aalala napatingin naman ako sa orasan, alas otso na pala yumakap naman ako sa kanya at napakapit nang mahigpit,  naramdaman ko nalang ang paghaplos niya sa likod ko. " May problema ba? "  umiling lang ako, di ko alam parang nakakawalang gana at nakakapagod naging araw ko ngayon " Gusto ko muna magpahinga Krys, mamaya nalang ako nagkukwento sayo "  di ko na inantay sumagot at nagtungo agad sa higaan, nakatingin lang siya sa akin hanggang sa makahiga ako. " Sige, pero promise mo na sasabihan mo ako pag may problema ka, andito lang ako " ngiti lamang ang naisagot ko " Sige lalabas lang ako para mag grocery may pagkain diyan kung nagugutom ka, aalis lang muna ako " nakatitig lang ako sa pinto hanggang sa maisara niya na ito, agad ko naman kinuha ang cellphone ko para mag alarm baka kasi magtuloy tuloy ang tulog ko at baka hindi na ako magising este baka ma late ako Nagtaka naman ako dahil may nag text sa akin na hindi pamilyar na numero. " Are you home safe?? " " Reply asap! " " Hey! MARY! "  sino ba to kung maka text akala mo jowa, inis kong bulong sa sarili,  sa pagpasada ko muli nang mga text ay halos manlaki ang mata ko dahil sa huling nabasa ko " Get rest huwag ka muna pumasok ngayon and don't worry, bayad pa rin ang araw mo. Take care!...  Liam. " Paano niya nakuha ang number ko? Yeah of course siya ang owner Mary!  malamang. Napa talukbong na lang ako ng kumot sa hindi malamang pag halukay na gumgambala sa tiyan ko, hindi ko alam mararamdaman ko kakaisip sa kanya, hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD