CHAPTER 19 Mary Halos mapasinghap ako sa sinabi ni liam, kita ko ang pagtiim bagang ni mr. morris pero etong liam ay halos cool na cool lang na parang makukuha nya kung ano man ang gustuhin nya. " I think that is too much mr. Sebastian, one night you mean---" " just a dinner date mr. morris that's it and after that I will sign this thing " sabay lapag nya sa lamesa ng folder. " well im so sorry mr. Sebastian ms. Santos is not avail—" agad nanaman pinutol ni liam ang sasabihin ni mr. morris. " why? do you have a thing with her?" halos lahat ng empleyado ay nakatingin na sa kanila, sa kanilang porma ay parang handa na sila magsuntukan, s akanilang tindig na parang nanghahamon at titigan na handang patayin ang isat isa. " yes, I mean just one dinner date " singit ko, kita ko ang pagtata

