Mary Magdamag akong hindi nakatulog, kaya maaga pa lang ay nagayos na ako ng agahan ni liane, sakto ay dumating na si ate lita. " oh, mary ang aga mo ata magising ako na jan sa pag hahain, mag ayos kana." Wala ako sa sarili na umalis sa kusina at umupo sa sofa. Hindi ko kasi makalimutan ang nakita ko sa labas ng bintana, agad ako ginapangan ng takot. " may problema ba mary? May sakit kaba? Namumutla ka" hinawakan ni ate lita ang kamay at hinipo hipo ang noo at leeg ko. " nako may sinat ka magpahinga ka muna ineng " " okay lang ako ate lita, nasobrahan lang siguro ako sa trabaho, iinom ko lang to ng gamot " Agad ako nagayos ng sarili pati si liane, napagpasyahan ko na din na ako na muna ang maghatid kay liane. Binilinan ko na rin ito na isarado ang gate at wag basta basta magpapasok

