Part One

2989 Words
Life is a gamble, they said. Minsan, panalo. Minsan naman, talo. Walang kasiguraduhan kaya kailangang sumugal. Some people are reckless when it comes to this. They just go with the flow. Sugal nang sugal kahit ilang beses nang natalo. Siguro dahil hindi naman sila natatakot na may mawala sa kanila. Hindi natatakot kahit masaktan. While some people are guarded. They don’t gamble easily. May mga tao na tataya lang kapag malaki ang tiyansa ng panalo, pero kung kasinglabo ng tanawing tinutumbok ng mga mata sa hanging galing sa naglalagablab na apoy, they wouldn’t even think about it. They don’t gamble at all. And I fall at the first category. Iyong taya lang nang taya kahit hindi naman sigurado. Hindi dahil ayos lang sa akin na masaktan. Siguro dahil nasaan man ako, palaging may kulang sa akin na hindi ko mahanap-hanap. What am I gambling for, anyway? Happiness? Iniisip ko pa rin kung ano ba ‘yong kulang sa ‘kin. Bakit hindi ako masaya... bakit kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay hanggang dito na lang ako. “Mangungutang na naman? Wala na akong pera! Sabihin mo sa nanay at tatay mo na may binubuhay rin akong pamilya, Mila. Jusko naman! Aba, tatlo ang anak ko! ‘Yang pinsan mong si Alyza, papasok pa ‘yan ng kolehiyo kaya nag-iipon kami! Wala na akong mapapahiram. At hindi n’yo pa nabayaran iyong utang n’yo noong nakaraan!” lukot na lukot ang ekspresyon na saad ni Tita Glyssa. Nagsasampay siya sa labas lamang ng bahay nila. Napanguso naman ako at yumuko. “Sige na, Tita... emergency lang po. Gagawan ko po ng paraan sa linggo. Ibabalik ko po. Kahit tatlong libo, o kahit dalawa na lang, Tita,” pakiusap ko. Hindi ko alam kung kakasya ang tatlo o dalawang libo. Bibili pa ng gamot si Mama. Sumumpong na naman kasi ang highblood niya, at dahil sa kakulangan ng budget, wala rin siyang kaamor-amor na inumin ang maintenance niya. Kapag nakakalimot, lalong tumataas ang dugo niya. Kailangan niya na namang bumalik sa doktor dahil sa iba pang komplikasyon. “Wala na akong maipapahiram. Maghanap ka kasi ng totoong trabaho na may malaking kita nang magkapera ka! Tutal ‘yang tatay mong walang kwenta, kahit kumita ulit ang patahian n’yo, sasayangin niya lang ‘yan sa sugal at pambababae! Dapat ikaw na ang gumawa ng paraan, Mila! Dahil naman iyang nanay mo, pipili na lang ng lalaki, iyon pang hihilahin siya sa putikan!” Napapikit ako. Wala akong balak na sagutin ang kahit ano roon. “Tita, sige na naman po... pangako po, ibabalik ko sa Linggo,” pakiusap ko. “Wala nga sabi, eh! Aba, kung ipapahiram ko ‘yan, wala na akong maibibigay na baon kay Junjun! Alam mo namang tatlong daan ang baon niyan araw-araw!” pagtatalak ni Tita Glyssa at napakasama ng tingin. Kulang na lamang ay palayasin niya na ako gamit ang mga sinampay niya. Tatlong daan! Eh, nakita ko ‘yong binatilyo kong pinsan, naglalaro sa computer shop. Hindi naman ‘yon pumapasok at niloloko lang siya. Bigo akong umalis sa bahay nina Tita Glyssa. Bukas na iyon kailangan ni Mama at wala pa akong pambili. “Saan ka galing? Nakiusap ka na naman sa Tita Glyssa mo?” tanong ni Mama sa mahina niyang boses habang naupo sa hapag. Kaming dalawa lang ang laging naiiwan sa bahay. Si Papa ay madalas doon na sa patahian natutulog. Wala naman siyang ginagawa roon, pero nasa pahiwatig na nga ni Tita Glyssa na nagdadala ito ng babae roon at doon din nakikipag-inuman. Kaya siguro lalong naging matumal ang bentahan. Bukod sa bihira na lang din kaming makapagtahi lalo na si Mama dahil nananakit na rin ang mga kamay niya. “Oo, Ma! Naku, babalikan ko lang ‘yong si Tita mamaya. Papahiramin din ako niyon!” saad ko at dinaan sa tawa. Inahon ko na sa pinakuluang tubig ang mga nilagang itlog. Napaso pa ang daliri ko at mabilis ko iyong inihipan. “Huwag na, Mila. Lalait-laitin ka na naman ng tita mong iyan,” naiiling na sabi ni Mama. Ayaw niya na talaga akong pumupunta roon at nangungutang ng pera, pero wala naman akong magagawa. Wala naman kaming ibang mauutangan. At sa kabilang barangay pa ‘yon. Nilalakad ko lang din. ‘Yong ipapamasahe ko roon, para na lang kapag pumasok ako. “Hayaan mo, Ma. Gano’n lang talaga ‘yon, pero magpapahiram din naman ‘yon. O kaya ‘yong ibibigay niyang three hundred kay Junjun ang uutangin ko sa pinsan ko. Tutal pinapang-Dota niya lang ‘yon,” saad ko at ngumisi. “Mamaya aabangan ko ‘yon doon. Sasabihin kong isusumbong ko na one week na siyang ‘di pumapasok.” Napailing-iling si Mama. Tumawa lamang ako at nilagay na ang pagkain sa hapag. Nagluto rin ako ng tortang talong, pero bawal siya roon, kaya naman pinagbalat ko na lang siya ng nilagang itlog. “Ikaw talaga na bata ka,” natatawang sabi ni Mama. Ngumiti na lang ako. And when she does this, natatanggal lahat ng pagod sa sistema ko. It is her smile that makes me stronger each day. Basta makita ko lang siyang nakakangiti pa rin sa kabila ng lahat, nakakalimutan ko rin ang pagod ko. Nakakalimutan ko rin ang sarili kong lungkot. Nakakalimutan ko rin kung gaano kapait ang buhay. Kung gaano ito kadaya. Nakakalimutan ko rin ang mga tanong ko kung bakit iyong ibang tao, parang natural na meron sila ng mga bagay na pinaghihirapan ko. They have the things that I have to work hard for, the things I have to bleed for. Ang mga bagay na nasa mga palad na nila ay mga bagay pang kailangan kong paghirapan at pagsumikapan, para lang magkaroon din ako. May pera nga sila para magawa ang gusto nila. Eh, ako, kahit pera para magawa ang kailangan ko, hindi ko pa magawa-gawa. “Hayaan mo, Ma. Kapag nakapag-ipon ako, itutuloy ko iyong itatayo kong shop,” saad ko. But I’m thinking of a different place. Kung dito sa San Luciera, medyo imposibleng kumita ang gusto kong itayo. Marami na kasing established dito na talagang magaganda. Marami ring mayayaman sa San Luciera kaya siguradong doon na sila didiretso sa mga sikat, kilala, at may tatak na talaga sa industriya ng mga damit na gusto ko. I have been passionate in this field. Siguro dahil mananahi ang lola ko. Iyon ang nagpaaral sa akin kaya nakaabot ako ng kolehiyo. Kamamatay niya lamang ilang buwan ang nakakalipas, kaya siguro lalong bumagsak ang patahian. Malaking kawalan din dahil si Lola talaga ang nagtatahi. “Alam ko at naniniwala ako sa ‘yo,” sabi ni Mama. I smiled and nodded. Gagawin ko iyon. Alam kong darating din ang panahon na magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko. Na makikilala rin ako sa field na gusto ko. Noong hapon ay bumalik ulit ako sa bahay nina Tita Glyssa, kaso hindi na ako pinagbuksan. Nagtulog-tulugan na yata ito. Dumiretso na lang ako sa computer shop para abangan si Junjun. Sigurado akong dito papunta ‘yon, eh! Siguradong didiretso ‘yon dito pagtapos nilang tumambay ng mga kaklase niya sa kung saan sila lumalagi para magkunwari na pumapasok! “Parang nagbebenta lang ng katawan, Mila, ah!” sabay hagalpak ng lalaking dumaan na kakilala namin. “Masiyado kang maganda para diyan! Doon ka sa Pegasus!” Umirap ako dahil naghihintay ako sa labas ng computer shop. “Gago. Lumapit ka rito, at nang mabangasan ko ‘yang pagmumukha mo!” Umalis din ito at tumatawa pa. Bumuntonghininga ako at naiinitan na. Malas pa yata dahil totoong pumasok si Junjun ngayong araw. Sa lahat ng araw, ngayon pa talaga siya pumasok. Alam kong masama na mainis na pumasok ang pinsan ko, pero may mabibili na rin akong gamot sa three hundred na mahihiram ko! Hindi pa ako sumuko agad at naghintay. Nang nakarinig ng mga ingay ng estudyante, napaangat ako ng tingin. Kaso lang wala pala roon ang pinsan ko, at higit sa lahat, hindi ito mga dugyuting estudyante. They were college students. Matatangkad din sila at kasalukuyang nagtatawanan habang palapit dito sa computer shop. Ang puputi at ang babango tingnan. Maputi rin naman ako at sa totoo lang, hindi raw halatang mahirap ako. May lahi kasi ang lola ko sa mother side. Doon ko raw nakuha itong natural kong pagiging maputi. “Uy, parang kilala kita?” tanong ng isang lalaki roon. Agad akong nag-iwas ng tingin at kunwari ay walang narinig. Alam ko na lagi akong nagbibiro na sana ay may ma-in love sa akin na kaeskwela namin sa San Luciera College na mayaman at gwapo. Puro mayayaman ang nag-aaral doon, pero may mga nakakapasok din namang tulad ko. I got in through scholarship. Iyong head over heels para naman pakasalan ako. But of course, that was just a mere joke! “Ikaw nga! ‘Yong kaklase ni Tina, ‘di ba? Hi!” puna nito nang nakita ako. Inangat ko ang kilay ko lalo na nang nakitang grupo pala talaga iyon ng mga lalaki. Puro mga nakaputing polo at may bitbit pang mga bag. Ang aangas tingnan. “Ako ‘to, si Cole? Kaibigan ni Tina. Kaibigan ka rin niya, ‘di ba?” tanong nito at inalok pa ang kamay. Nakapambahay lang ako dahil wala naman akong pasok ngayon. Bakit napadpad ‘tong mga ‘to rito? “Oo. Bakit?” tanong ko. “Taga-rito ka pala,” sabi niya. Sumulyap iyong mga kagrupo niya, bago pumasok na ang ilan sa loob. Balak ko tuloy na umalis na. Nakakahiya naman kung narinig nilang kinukuha ko ang three hundred pesos ni Junjun. Nakilala ko ang isa sa kanila. Si Cyrus. Sikat kasi ‘yan sa buong San Luciera College. Mayaman din ang pamilya. Gwapo kaso parang may saltik. “Sean! Tara na. Tigilan mo na ‘yang hilig mo sa magaganda!” sabay ngisi ng isang lalaki na nauna sa loob at sumilip ulit dahil may hindi sumunod papasok sa computer shop. Nag-init ang mukha ko at naiinis na. Ito naman kasing si Cole, pinansin pa ako. Nagkunwari na nga akong ‘di ko siya narinig! “Gago,” komento ni Sean at matalim na tiningnan ang lalaking nagsabi niyon. Napangisi si Cole at inakbayan ito. I know some things about him. Sikat din kasi sa mga babae at isa sa mga player ng basketball team. Mayaman. Chinese raw ang mga lolo at lola sa side ng papa niya. He’s the tallest among them. Lahat sila ay para nang mga poste sa tangkad. “Si Marshiela nga pala, Sean. Kaibigan ni Tina at doon din ‘yan nag-aaral sa San Luciera College. Matalino raw ‘yan at pambato sa mga patimpalak,” sabi ni Cole at pinagsasabi ang mga naririnig tungkol sa akin. “Marshiela, si Sean... mabuting tao lang.” “f**k you, man.” Bumusangot ito habang humagalpak si Cole. Pati ako ay hindi maiwasang matawa. Sira ulo talaga ‘tong lalaki na ‘to. Kaso lang nabura din ang tawa ko nang napatingin doon sa lalaki at nakitang nakatingin sa akin. Muntik na akong tumakbo palayo sa sobrang titig niya. Nagkatinginan kami at mabilis akong nagpanggap na tumingin sa oras. Nasaan na si Junjun? Narinig ko na ang tunog ng door chime. Siguro pumasok na roon sina Cole. Akala ko lahat sila kaya naman noong nag-angat ako ng tingin at nakitang naiwan pa sa labas ng pinto iyong si Sean, medyo natigilan ako. “What are you doing there?” tanong niya. Suminghap ako. Letse, English! Ang sakit na ng ulo ko. Wala akong planong gamitin ‘tong natitira kong braincells sa kaniya. Mas kailangan ko itong ilaan sa pangungutang ko ng pera. “Nakaupo,” sagot ko. He pursed his lips. Bigla tuloy akong na-conscious dahil nakadekwatro ako at naka-shorts lang. Nakapambahay lang ako dahil wala nga akong klase. “Pilosopo,” pabulong na sabi nito at nangunot ang noo. Pumasok na rin siya sa loob kaya nag-make face na lang ako. Pakialam ba nila kung anong ginagawa ko rito. Paano kung gusto ko ring mag-Dota, ‘di ba? Aalis na sana ako at babalik na lang kay Tita Glyssa. Baka nagising na ‘yon sa pagtutulog-tulugan. Iyon nga lang, mahirap talagang gisingin ang gising. Kaso bago pa ako makaalis sa pinaghihintayan, nakita ko na ang pinsan kong si Junjun. Senior high school pa ito at nagsasayang ng pera. Minsan nga naaawa ako kay Tita Glyssa dahil nasasayang ang binibigay niya rito. Halata na hindi ito pumasok. Parang wala ring laman ang bag kundi ilang notebook lang. Sobrang gaang tingnan. Nakikipagtawanan pa ito sa mga tropa niyang tambay rin at katulad niyang mahilig mag-cutting class. Agad napatigil ang hagalpak nito. Papasok na sila sa pintuan nang napansin ako. Natakot agad nang nakita ako dahil alam niyang nahuli ko ang ginagawa niyang pagbulakbol noong nakaraan. “A-Ate Mila!” gulat niyang sinabi at agad umilag nang kinuha ko ang tsinelas ko. “Aba, ‘di ka na naman pumasok!” saad ko. Balak niya pang tumakbo palayo kaya hinuli ko ang bag niya. Napakamot siya sa batok. “Hinahanap ka ni Tita Glyssa!” Umilag-ilag siya sa pingot ko. “Ate!” “Bakit hindi ka pumapasok? Ayaw akong pautangin ni Tita Gly dahil baon mo raw, tapos hindi ka na naman pumasok. ‘Di ba nakita kita last week?” Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Isusumbong kita kay Tita Gly, Jun!” “Ate naman! Papasok na ako sa Monday!” pakiusap niya. “Ipangko-computer mo lang ‘yang pera mo, eh!” Lalo ko siyang tinakot. “Akin na ‘yan. Ipautang mo na lang muna ‘yan sa akin! Isusumbong talaga kita!” Pumalatak siya. Hindi naman ito ang unang beses na inutang ko ang pera niya. Saka binabalik ko naman! “Eh, maglalaro kami!” reklamo niya. “Isusumbong—” “Sige na! Oh, ‘yan! Pahingi na lang akong bente!” “Anak ng teteng naman, Jun! Humirit ka pa talaga ng bente!” Binigay niya rin sa akin ang tatlong daan. Binilang ko pa para siguraduhin. “Three hundred fifty ko itong ibabalik. May kasama pang halo-halo,” pang-uuto ko at binulsa na ‘yon. “Talaga? Sabi mo ‘yan, ah!” saad niya. Tumango ako. Napakamot na lang din sa ulo ang mga tropa niyang tinaasan ko ng kilay. Ang magreklamo, lagot din sa ‘kin. Pumasok din sila roon sa computer shop. Siguro ililibre na lang ang pinsan ko. Kung hindi, edi makinood na lang siya. Ako naman ay dumiretso na sa malapit lang din ng pharmacy para makabili ng gamot. I was tapping my fingers on the counter. Nahagip ng paningin ko ang lalaking lumabas sa computer shop para bumili sa dumaang vendor. Umabot pa yata mula sa aking pandinig ang door chime. I saw that guy, Sean, again. Bumili sa dumaang ice cream. As far as I know, hindi ‘yan allowed doon sa computer shop, pero mukhang mga hari-harian naman sila. Mula sa hindi kalayuan, nagulat pa ako nang nahanap ako ng mga mata niya. Akala ko ay namalikmata lang ako. In his clean and white polo, he looked very presentable. Halata talagang anak-mayaman ito. Halatang may ibubuga pagdating sa katayuan sa buhay. Hanggang sa tinanggap nila ang ice cream na binili at umalis, halos hindi natigkal ang kaniyang tingin. Curious yata siya kung anong ginagawa ko rito. Napailing na lamang ako at binalik ang tingin sa pharmacist. Napangiti ako dahil maitatawid din ang gamot ni Mama para sa ilang araw. Saka ko na poproblemahin ang para sa mga susunod pang araw. “Salamat po!” sambit ko at bumalik na sa bahay. Nalaman ni Tita Glyssa na inutang ko ang pera ni Junjun. Pinagalitan niya ako. Hindi naman nagsumbong ang pinsan ko. Sadyang nahuli niya lang noong binalik ko ang pera at nagtanong siya. Kaya ayun, pareho kaming lagot. “Ikaw, Marshiela, ah! Pati ba naman ang pinsan mo uutangan mo! Sabihan mo ‘yang nanay mo na kung gusto niya ng pera, magtrabaho siya!” sigaw ni Tita Glyssa. Ganito talaga siya kapag galit, parang armalite ang bibig niya at kung ano-ano na ang nasabi. “Lagi na pong nananakit ang mga kamay—” “Eh, ‘di ikaw! Maghanap ka ng trabahong mas malaking kita! Huwag ka nang babalik dito! Hinding-hindi na ako magbibigay ni piso!” “Pero, Tita—” “Wala na akong pakialam, Marshiela! Naiirita na ako sa inyo. Hala, sige, doon ko sa club! Maganda ka naman at sexy kaya ‘yan ang pakinabangan mo, hindi ‘yong lagi n’yo akong hinuhuthutan ng pera! Kahit mayayaman papatulan ka naman basta landiin mo! Siguradong limpak ‘yang pera mo!” Nangunot ang aking noo. Kumuyom ang kamay ko at nagpigil ng matinding emosyon. “Huwag kang tutulad sa ina mo. Maghanap ka ng mayamang lalaki! Sayang ‘yang ganda at katawan mo kung mapunta ka lang sa batugang lalaki at aanakan ka lang! Maghanap ka ng aahon sa inyong mag-ina sa putikan!” “Hindi po ako katulad ng iniisip n’yo,” mariin kong sinabi kahit pakiramdam ko ay nanikip ang dibdib ko. Napailing-iling si Tita Glyssa habang nagpipiga ng nilalabhan. “Aba’y huwag mo akong dramahan, Marshiela! Nagsasabi lang ako nang totoo! Ngayon pa lang dapat maghanap ka ng lalaking madatong! Nang maranasan mo naman ang buhay mayaman!” Oo, gusto kong yumaman. Oo, kailangan ko ng pera. Pero hinding-hindi ako kakapit sa isang lalaki para lang marating ko ‘yan. Magsisikap ako sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng lalaki para lang diyan! Inalisan ko na rin si Tita Glyssa. Ang dami-dami niya pang sinasabi at baka kung ano pang maisagot ko kung hindi pa ako aalis. Para na rin akong lutang dahil sa kaniyang mga salita. Tumatak iyon sa isipan ko. Na hinding-hindi ako papayag na apihin ako o kami ni Mama ng kahit sino para lang sa pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD