Pag gising ko halos di ko maigalaw dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ibabang bahagi ng katawan ko.
"good morning" bati nya sakin.
" anong gusto mong breakfast? Pagluluto kita, sorry kung nasaktan kita" nagtataka ko sakanya.
"sorry for what?" tanong ko dito
"kagabi" navirginan nya ko, yun pala ang ibig nyang sabihin.
" you're my husband now. Im all yours. Ibibigay ko lahat mapasaya lang kita" lambing ko dito.
"Parang mas gusto kitang ialmusal" malandi kong sagot sa tanong nya kung anong gusto kong breakfast.
------------------------------------------------------------
Nag aayos na ko para pumasok sa trabaho, hinatid naman ako ni Nathan sa Office.
"congrats Mrs. Falco" bati ng bestfriend kong si Harvey. Oo lalaki ang bestfriend ko.Pero bestfriend ko din si Maris. Kababata ko si Harvey, at bestfriend ko naman ng highschool si Maris.
" salamat, nga pala si Maris yung nakakuha ng bulaklak ko. Anung balak mo?" pinupush ko kasi silang dalawa, patay na patay kasi si Maris kay Harvey. Sino ba naman kasi ang di maiinlove kay Harvey, matangkad, maputi, anak ng nagmamay ari ng Office na pinag tratrabahuhan ko.
"at talagang napush mo pa yun ha!" natatawa lang sya sakin.
" alam mo par, bat di mo subukan. I mean try mo naman yung iba. Mabaet si Maris.."
" alam mo naman isasagot ko"
"yup! you like her but you still love your ex" sagot ko dito.
------------------------------------------------------------
Lumipas ang buwan naging maayos naman ang pag sasama namin ni Nathan hanggang sa isang araw napansin kong mabilis mag bago ang mood ko.
"hon, may lakad pala kami ng barkada mamaya" paalam nya sakin
" bat biglaan? di na muna ko uuwi. Kila Maris muna ko dederetso" cold kong sagot sakanya saka sumakay ng sasakyan.
" hon, birthday kasi ni Robi. You know Robi right?" pinaandar nya nya yung sasakyan.
" yea! I know him very well. Yung kaibigan mong f@ck boy, na kung magpalit ng girlfriend e mas madalas pa ata kesa magpalit ng brief. Ikaw pag nalaman laman ko talaga na..... sandali gusto ko yun hinto mo kotse!" bigla naman nyang hininto yung sasakyan kaya dali dali akong bumaba para bumili ng pinya sakto naman na may tindang mangga si manang kaya nakahingi ako ng bagoong. Pag sakay ko ng kotse dali dali kong sinawsaw sa bagoong yung pinya saka kinain. syet! heave ang feeling talaga..
" okay hon, basta mag iingat ka saka kung di mo kaya mag drive pauwi mag taxi ka na lang" nakangiti kong sagot sakanya. Nakatitig lang si Nathan saka napangiti sakin.
"I loveyou, mahal na mahal kita" hahalikan nya ko kaso umiwas ako sakanya.
"why?" inis ang mukha nya.
" mabaho yung bagoong" sagot ko dito.
Dahil sa sarap ng pinya't bagoong di ko nalamayan na nasa destinasyon na kami ni Nathan. Nagulat na lang ako sa pag bukas nya ng pinto.
" tara" nag tataka ko bakit kami nasa ospital.
" uy! may nararamdaman ka ba? bat tayo nandito" tanong ko sakanya.
"ako wala, pero ikaw mukhang meron. pasok" pumasok kami sa isang room. Ilang minuto lang lumipas dumating na din ang doktor.
"good afternoon doc" bati ni Nathan
"good afternoon Mr. Falco, mukhang good news na aa" bati din sakanya.
"so Mrs. Falcon we need your urine test, sa left side yung cr" saka nya inabot sakin yung urine cup. Nagtataka kong humarap kay Nathan, nag sign lang sya sakin na pumasok na ko sa cr at sayang ang oras namin. After nun ininterview naman ako ng doctor.
" Mrs. Falco kailan ang huling menstration mo?"
" hmmm.. last mon po pero iregular po kasi ako, so paiba iba po talaga"
" okay, wala naman sumasakit sayo? or nakakaramdam ka ba ng mabilis na mood swing?"
" always doc" this time si Nathan ang sumagot.
Pumasok naman yun nurse dala yung result ng urine test ko.
" hmm.. its a negative Mr. Falco" nakaramdam ako mg kirot sa dibdib ko ng marinig ko yun. Ineexpect ni Nathan na buntis na ko. Tinignan ko si Nathan ng may lungkot sa mukha ko. Lumapit naman ito sakin saka hinalikan ang noo ko..
" I love you" nakangiting sabi naman nya sakin para mawala ang lungkot ko.
Pag pasok namin sa sasakyan.
" Im sorry" yung lang ang tanging nasabi ko.
" shhh.. ako dapat mag sorry, dinala kita dito without your permission" hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.
" parang mas gusto ko may date tayo kesa pumunta kila Robi. San mo gustong pumunta" Agad naman nyang hininto yung sasakyan. Di ko na kasi napigilan na di maiyak dahil sakanya.
"bat ka umiiyak? may nasabi ba ko?" umiling lang ako sakanya. Niyakap naman nya ko ng mahigpit.
" In gods perfect time okay?"
" feeling ko kasi na disappoint kita" niyakap lang nya ko ulit ng mahigpit.
"punta na lang tayo kila mama baka namimiss ka na din nila dun na din tayo mag dinner" aya nya sakin sa bahay ng parents ko.
Pagpasok palang namin bumungad na samin yung dalawa kong pamangkin anak ni ate Leshi ko. Si Nathan naman nag bless sa parents ko.
" sakto dating nyo kakatapos lang mag luto ni Leshi" bati samin ni mama. Pinuntahan ko agad si ate para tulungan mag handa ng dinner.
" uy! kakarating nyo lang?" abala si ate Leshi sa pag hahalo ng salad.
" yup. medyo disappoint lang, galing kaming OB dinala ko ni Nathan dun akala nya ata buntis ako" kwento ko sakanya.
" bakit?" tanong ni ate sakin
"siguro kasi madalas na ko mag moodswing, tapos gusto ko lagi ko sya nakikita" sagot ko sakanya
" mood swing? e topakin ka naman talaga hahaha.. hala ka! baka ibabalik ka na ni Nathan dito samin haha" binato ko nga sya ng carrot ang epal kasi.
"bruha patignan nga yung kanin kung okay na?" sinunod ko si ate. Pagbukas ko ng takip ng kaldero bigla kong naduwal sa amoy.
" huy bakit? panis ba?" agad na lumapit si ate sakin at inamoy yung kanin.
" di naman panis aa! teka baka naman buntis ka nga. try mo next week mag PT ka" saka lumabas si ate ng kusina.
------------------------------------------------------------
Lumipas ang isang linggo after namin pumunta sa OB napag disisyunan kong mag PT. nasa loob ako ng cr habang inaantay yung result ng PT ko ng biglang kumatok si Nathan agad ko naman binulsa yung PT. Saka binuksan yung pinto.
" Dinners is ready, kainin na kita? este kain na tayo" pang aasar nito sakin. Bumaba na kami sa para kumain. Kwentuhan lang kami habang kumakain ng biglang tumunog ang cellphone ni Nathan.
" excuse me lang hon" saka nya sinagot yung tawag.
" yes, dotora" nagtaka ko si doc ang kausap nya kaya agad kong naisipang silipin ang PT sa bulsa ko nakita kong dalawa na yung line.
"s**t!" napatayo ako sa pagkakaupo ko agad naman nagulat si Nathan kaya binaba nya yung tawag.
" what happen hon? kausap ko si doc. and nag sosorry sya kaso di ko maintindihan kasi nagulat ako sayo. saka medyo chappy yung line nya" lumapit sya sakin
" hon! 2 lines!" sigaw ko sakanya.
"IM PREGNANT!"