Pitong buwan na simula ng malaman namin ni Nathan na nag dadalang tao ako. Medyo maselan ang pang bubuntis ko na dumating sa punto na isang buwang akong nabedrest.
"mmiii gising ka na, maaga ang appointment mo kay dra." gising sakin ni Nathan kasabay ng isang halik sa pisngi ko at sa noo.
" pwede kayang si dra. na lang ang pumunta dito?" natamad na tamad kasi akong kumilos at panigurado maya maya lang ay iikot na naman ang sikmura ko.
" saglit lang naman tayo dun, di ka ba na eexcite first time natin makikita ang mukha ni baby malalaman pa natin kung junior ba sya o juniora" nakakunot bigla ang noo ko dahil sa sinabi nya
" seryoso ka sa juniora?" natawa sya bigla.
"maligo ka na at mag ayos tapos baba ka na para makapag almusal ka na, nag almusal ka ko kanina maaga kasi ako nagising kaya nakaligo na din ako" bumangon na ko saka nagpunta sa banyo para maligo. Sa totoo lang ito ang pinaka mahirap na part sa pag bubuntis ko ang pag pups. Yes tama ka sa naiisip mo dahil nga sa maselan ako mag buntis di ako pwedeng umuri habang nag pupups kaya madalas inaabot ako ng 30minutos hanggang isang oras sa banyo.
Nakatapis lang ako ng lumabas sa banyo habang sinusuklay ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin nagulat ako ng biglang sumulpot si Nathan sa likod ko. Kinuha nya ang suklay at sya na ang nagsuklay sakin.
"why?" napansin ko kasing natigilan sya at biglang umuling.
"bakit nga?" pangungulit ko dito.
"wala mamaya na lang siguro" sagot nito saka tuluyang hinto ang pagsuklay sa buhok ko.
Nag bihis ako agad saka bumaba para kumain saka kami sumakay ni Nathan sa kotse para makapunta agad sa OB ko.
Tahimik lang sya buong byahe kaya naninibago ko.
"dad, may problema ba?" tanong ko sakanya. umiling lang ito saka kinagat ang ibabang labi nito.
Tahimik lang sya hanggang makarating kami sa clinic ng OB ko. Pagpasok namin ako agad ang naka schedule na ichecheck up ni dra.
"kamusta mrs.? di na ba nasakit ang puson mo?" bungad nyang tanong sakin.
" okay na po ang pakiramdam ko dra. di na din po nasakit ang balakang ko kagaya ng dati na parang mababali ang buto ko" tungon ko.
"hingang malalim ha, ichecheck ko lang kung sumara na ulit ang cervix mo" pinahiga ako ni dra. saka sinimulang icheck ang p********e ko.
"mukhang okay na nag back to normal na ulit ang cervix mo, pwede na ulit si mister" natatawang sabi samin ni dra. Sumunod naman nyang ginawa ang ultrasound para makita si baby at ng gender nito.
" ang cute nya dad" naiiyak ako habang pinagmamasdan ang baby ko. abg taba ng pisngi nya naka side kasi sya kaya kitang kita sa ultrasound ang mukha nya. Medyo nahirapan lang si dra. na makita ang gender nya dahil nakadapa ito.
" mrs. babae ang anak nyo, congratulation!" masaya naman kaming mag asawa na lumabas sa clinic ni dra. Pag uwi namin natungo ako agad sa kwarto ko para maligo, init na init kasi ako sa suot kong dress. Dapat kasi medyo above the knee ang dress ko pero nakaupo ako habang kumakain pinaakyat ako ulit ni Nathan para pagpalitin ng dress na medyo mahaba. Ang weird nya ngayong araw pansin ko.
Pagtapos kong maligo nagulat ako ng bumungad sakin si Nathan na naka boxer short habang inaantay ako sa labas ng shower room. Nakangisi sya kaya nagtataka ko.
"para ka namang multo, maligo ka na sorry ang tagal ko ba?" bati ko dito saka lumabas ng banyo. Umupo ako sa kama saka nagsuklay ng buhok, sumunod naman ito sakin saka umupo sa tabi ko.
" okay ka lang?" parang may gusto kasi itong sabihin sakin, pero di ko mahulaan kung ano.
Ngumiti lang ito saka hinalikan ang labi ko.
" ang weird mo ngayon" habang nakatitig sakanya.
Di na ko nakaalma ng bigla nya kong halikan ulit,pero di kagaya kaninang halik nya sakin. Halik na may kasamang gigil ang ginagawa nya sakin. Napapikit ako saka pinulupot ang mga braso ko sa batok nya. Ramdam kong unti unti nya kong hiniga sa kama. Isang buwan ang lumipas ng huli naming make love dahil nga sa bedrest ako at bawal din dahil ang open ang cervix ko.
Bumaba sa leeg ko ang nga labi nya. Bawat halik nya may ibang kiliti akong nararamdaman. Ramdam kong papatong sya kaya sinaway ko to baka kasi maipit ang tyan ko. Nag sorry naman ito sakin
Nanlaki ang mata nya ng makita nya ang dibdib ko double kasi ang laki nito gawa na din ng gatas. Nilaro laro nya ito gamit ang dila nya na syang nag paangat ng likod ko. Natawa sya bigla ng sinisipsip nya to.
"golden milk mmi" binatukan ko lang ito saka nag patuloy sa ginagawa nya sa katawan ko hanggang sa marating namin ang aming destinasyon.
------------------------------------------------------------
"manang wala pa din po ba si Nathan?" 8:30 na kasi ng gabi di pa din umuuwi ang asawa ko.
"wala pa hija, kumain ka na nakakasama sa baby mo yan" ipinaghain naman ako ni manang rosa ng hapunan kakababa ko lang din kasi galing sa kwarto ko. Maghapon akong natulog dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.
" wala po bang nasabi si Nathan na gagabihin sya?" tanong ko kay manang ng makaupo sa dinner table.
"wala hija, di ba nasagot sa tawag mo?" naisipan kong tawagan si Nathan para itanong kung pauwi na sya para hintayin ko para sabay na kami kumaen.
" hello" napakunot ang noo ko ng babae ang sumagot ng cellphone ng asawa ko magsasalita palang ako ng bigla itong ibaba ng kabilang linya.
"ayan na pala asawa mo hija sakto ang dating nya sandali at kukuha ako ng isa pang plato" pagpasok ni manang rosa sa kusina ang syang dating naman ni Nathan sa dinning area.
"ginabi ka ata?" bungad ko ditong may halong pagdududa. Madalas na din kasi itong ginagabi ng uwi.
" dami lang inasikaso sa office, kumain ka na?" hinalikan naman ako nito bilang pagbati.
" cellphone mo?" tanong ko dito. kinapa kapa naman nya ang bawat bulsa ng damit nya ngunit wala syang naipakitang cellhphone sakin, napasapo naman sya sa noo nya.
"naiwan ko sa office, nagmamadali kasi akong umuwi kasi di ako nakapag paalam sayo na gagabihin ako" pag eexplain sakin.
Kumain kami ng maayos ni Nathan kinukwentuhan nya ko about sa opisina at sa kung ano ang napag usapan nila kanina sa meeting.
Iinum sana ko ng tubig ng mapansin kong ubos na ang laman ng pitsel. Akmang tatayo ako ng unahan ako ni Nathan.
"ako na kukuha ng tubig kumain ka lang dyan ayokong nagugutom ang baby ko" gumalaw naman si Nicole ng himasin ni Nathan ang tyan ko saka pumunta sa kusina.
Habang iniinum ko ang natirang tubig sa baso ko biglang tumunog ang cellphone ko. Nabitawan ko ang basong hawak ko ng makita ko kung ano ang laman ng mensahe.
" aahhhh! s**t!" sabi ng babae sa video. Hindi pamilyar ang mukha ng babae ngunti kilalang kilala ko ang lalaki sa video. Unti unting tumulo ang mga luha ko.
"f*ck! ang sarap mo sh*t" nanlambot ang mga tuhod ko ng marinig ko ang boses nito. Halos di ako makahinga sa sakit ng dibdib ko. Unti unti din akong nakaramdam ng p*******t ng tyan.
"mommy what happen? bat umiiyak ka?" hahawakan ako ni Nathan ng tapalin ko ang kamay nya.
Nakita ko ang takot sa mukha ni Nathan ng tignan ko ito ng masama.
" p*tang i*a! Nathan! ta*g in@!" bulyaw ko dito habang hawak ang tyan ko na tumitindi ang sakit kasabay ng matinding galit sa asawa ko.
" hon! please makinig ka muna please nag mamakawa ako pakinggan mo ko" tumayo ako sa kinauupuan ko para makalayo kay Nathan.
"please hon let me explain" pagmamakawa nya. Tanging iyak lang nag nasasagot ko sakanya dahil sa tumitinding sakit ng tyan ko.
"manang rosa!!!" napasigaw ako ng makakita ko ng dugo sa sahig. Takot kong inakyat ang tingin sa mga binti ko unti unti kong nakita ang dugo mula sa p********e ko.
Agad naman akong dinala ni Nathan sa ospital. Halos mabaliw si Nathan habang hinahatid ako papuntang operating room.
Nanlalabo na ang mata ko, dahil sa luhang lumalabas sa mata ko. Tanging dasal lang ang magagawa ko. Lord please iligtas nyo ang anak ko. Nag mamakawa ako, ito na lang ang meron ako. Saka ako unti unting pumikit.
------------------------------------------------------------
" masarap ba yung ice cream?" tanong ko kay Nikki nasa harapan ko na masayang kumakain ng favorite ube ice cream nya, tanging tango lang nag naisagot nya.
" uy bata ka dahan dahan ka sa pagkain nyan pangatlo mo na yan" saway sakanya ni Maris.
"ito naman minsan lang naman yan" pagtatanggol ko dito.
" sige kampihan mo ikaw din ang mahihirapan dyan" pagbabanta nya sakin.
"guys! andyan na si father mag sstart na ang misa" aya samin ni Harvey. inakay ko si Nikki papunta sa kung saan mag mimisa si father.
Nang matapos ang misa isa isang nag alay ng bulaklak ang mga bista para sa birthday celebrant.
"Happy Birthday ate Nicole" bati ni Nikki sa anak namin ni Nathan. Limang taon na ang lumipas ng kunin sya sakin ng may kapal. Halos dalawang taon akong nasa dilim dahil sa sakit ng nararamdaman ko sa pagkawala nya.
Nag celebrate kami ng ika 5th birthday ni Nicole dito kung sya nakahimlay. Pagkatapos ng mga nangyari di ko na kinausap si Nathan, ni anino nya ayokong makita.
Unti unti na ding nag alisan ang mga bista. Pati sila Harvey, ang asawa nyang si Maris ang ang anak nilang si Nikki na mag tatatlong taon palang.
" bes, mauna na kami. O gusto mo ipaiwan ko si Harvey para may maghahatid sayo?" offer ni Maris sakin umiling lang ako bilang sagot saka ngumiti para sabihin na okay lang ako.
" sigurado ka? ihahatid na lang kita" offer ulit ni Harvey.
"okay lang ako, mag iingat kayo ha! Kiss na ko sayo Nikki" kiniss naman ako ni Nikki saka sila tuluyang umalis. Tanging ako lang ang natira sa puntod ng anak ko.
Biglang sumagi sa isip ko si Nathan, kamusta na kaya sya? Naisip ko kung hinayaan ko kaya syang mag explain magiging okay ang lahat? Simula ng lumabas ako ng ospital sa condo ko na ako tumira. Pinaayos ko kay manang rosa lahat ng gamit ko para malipat sa condo ko. Kinausap din ng daddy si Nathan na hayaan na muna ko dahil matindi ang pinag dadaanan ko ng mga panahon na yun. Walang araw o gabing tuyo ang mata ko. Naisip ko na din sumama kay Nicole kaso ayaw pa ng tadhana. Umalis din si Nathan ng bansa dahil wala syang mukhang maiharap sakin. Sinisisi nya ang sarili nya dahil sa mga nangyari.
Di ko namalayan na pumapatak na naman ang mga luha ko.
" anak miss na miss na kita, kahit isang beses lang kita nakarga ramdam na ramdam pa din kita. Sorry kung hindi kita naipakita sa daddy mo, sorry kung naging selfish ako dahil sa galit ko sakanya pati ikaw di nya nakita" nang mabalitaan namin na wala na si Nicole sabi ng daddy ni Nathan umalis daw ito bigla ng ospital ilang araw daw itong di umuwi kung kelan naman daw umuwi nag paalam ito papuntang US para mag stay muna sa lola nya.
Inabot din sakin ng daddy ang annulment papers namin ni Nathan na pirmado na din nya.
Nakasakay na ko sa kotse ng mapansin kong naiwan ko pala dito ang regalo ni Nicole kaya naisipan kong bumalik para ilagay ito sa puntod nya.
Pabalik na ko sa puntod ni Nicole ng may napansin akong lalaki na naka luhod sa puntod ng anak ko. Halata sakanya ang labis na pag iyak dahil makikita mo ang pag alog ng balikat nya. May dala din itong bulaklak at malaking regalo para sa anak ko. Habang papalapit ako ng papalapit pabilis ng pabilis din ang kaba sa dibdib ko. Aaminin ko pamilyar ang likod ng lalaking nakahulod sa puntod ng anak ko.
Ang tatay ng anak ko, ang dati kong asawa.
" anong ginagawa mo dito?" mataray kong bungad sakanya ng makumpirma kong si Nathan nga ang lalaking nasa puntod ng anak ko. Halata sakanyang nataranta sya ng makita ako.
" binibisita ko ang anak ko" cold nyang sagot sakin.
" wow! after five years finally naisipan mo din kaming balikan, pagkatapos ng..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.
" im sorry, im really really sorry.. di ko ginusto na mangyari to Lesh" pag susumamo nya sakin. Bahagya akong tawa na may pag ka sarcastic.
"really? di mo ginusto? sana naisip mo yan bago mo hinubad yang brief mo at pumatong dun sa kung sinong babaeng yun!" galit na galit pa din ako sakanya. galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayong nakaharap ko sya.
"you left me Nai.. iniwan mo kong mag isa.. hinayaan mo kong harapin ang lahat ng mag isa" naiiyak kong sumbat sakanya.
" im sorry, alam ko five years is not enough to clear all the pain.. lahat ng nagawa ko sayo.. satin.. sakanya" napaluhod sya at yumakap sa mga binti ko. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya.
Nakakita ako ng malaking paro paro na paikot ikot na lumilipad samin ni Nathan, maya maya ay dumapo ito sa balikat ni Nathan na nakayakap pa din sa mga binti ko. Ilang sigundo lang ang tinagal nito saka lumipad at dumapo sa dibdib ko.
"Nicole" bulong ko. Ilang sigudo lang din ang tinagal saka lumipad ito papalayo samin ni Nathan.
"Tumayo ka dyan" utos ko sakanya. Dahan dahan namang inangat ni Nathan ang ulo nya ganun din ang mga tuhod nya upang makatayo. Lumipas ang minuto naging kalmado na din ako. Ngunit andito pa din kami sa puntod ng anak namin.
" yearly ako nandidito, ngayon mo lang ako naabutan palagi kasi kitang hinihintay umalis saka ko bibisita sakanya" pambasag nya sa katahimikan namin.
" after kong malaman na wala na sya di ko magawang magpakita sainyo. Galit na galit ako sa sarili ko." di ako umiimik, nakatitig lang ako sa puntod ni Nicole habang pinapakinggan sya.
" Yung video na nakita mo hindi ako yun. Gawa lang yun ni Mr. Gonzales para mapabagsak ako sa mga investors. Gusto nyang kunin yung mga investors ko para sa project namin ni Dad sa Dubai. Kaya ginawa nya yun para mag ka issue ko, masira ako sa mga investors masira tayong dalawa" napalingon ako bigla dahil sa sinabi nya.
"im sorry kung di ko nagawang sabihin sayo lahat, natakot ako na baka ano pa ang gawin nya sayo kaya pinili kong magpakalayo layo. Galit din sakin si Dad dahil sa biglaan kong pag withdraw ng contract sa mga investors dahilan kaya halos half ng income ng kumpanya nawala" tumutulo lang ang mga luha ko. Naguguluhan ako dahil sa nga sinasabi nya, alam kong gumagawa lang ito ng kwento para pagtakpan ang kasalanan nya sakin.
" kung napansin mo sa video may tattoo sa balikat yung lalaki sa video pero same kami ng katawan at halos kamuka ko. I don't know what make up or what ang ginawa nila sa lalaki para maging kamuka ko sya, but please believe me Lesh di ko magagawa sayo ang lokohin ka" this time hinawakan nya ang dalawang kamay ko to convince me na di sya ang nasa video. Agad ko naman itong inalis saka umiwas ng tingin sakanya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya, di ko alam kung papaniwalaan ko sya o gumagawa lang sya ng kwento para patawarin ko sya.
Bigla naman ang ring ang cellphone ko.
"hello?... yes andito pa ko.." tinignan ko saglit si Nathan saka umiwas ulit ng tingin.
"pauwi na din ako.. okay kita na lang tayo dun.." nakatingin pa din si Nathan sakin.
"iloveyoutoo" nag aalangan kong sagot sa kabilang linya.
"im happy for you" malungkot na ngiti sakin ni Nathan.
"una na ko. Ingat ka sa pag dridrive" di ko na nagawang sumagot sakanya, hinayaan ko na lang syang umalis sa harapan ko. Kung sinabi mo lang ang lahat Nathan sana maayos pa tayo. Sana naayos pa natin.
Buong araw akong di mapakali dahil sa mga sinabi ni Nathan sakin. Hinila ko ang drawer ko saka kinuha ang annulment papers namin ni Nathan.
*knock knock*
"Di mo pa din yan pinipirmahan?" pumasok naman si Harvey sa office ko saka umupo sa harapan ko.
"may problema ka ba?" tanong nito sakin.
"Nagkita kami ni Nathan kanina sa sementeryo" bungad ko dito.
"Nagkita na din kayo" nagtaka ko na alam ni Harvey na nag pupunta si Nathan sa puntod ni Nicole.
"alam mo?" tumango naman ito.
" Matagal na nyang ginagawa yun, birthday ni Nicole, Birthday nya, christmas.. even anniversary nyo nag pupunta sya to visit Nicole" dagdag nya.
" Bakit di mo sinabi sakin? kala ko Bestfriend kita?" medyo galit ang tono ko.
"yes Bestfriend kita, pero lalaki ako kausap. Bilin ni Nathan na wag kong sabihin sayo. Mahal mo pa ba? kaya di mo pinipirmahan?" balik na tanong nya sakin.
" alam mo din yung rason nya?" tanong ko dito, tanging tango lang ang sagot nya. Di ko napigilang umiyak kaya agad nya kong niyakap.
"shh... Masaya si Nathan sa kung anong meron sainyo ni Rico, sorry kung nasabi ko sakanya. Palagi ka kasi nyang tinatanong sakin." kaya pala di sya nagulat ng nag i love you ako kanina kay Rico sa phone kanina.
"anong gagawin ko?" tanong ko dito.Pinunasan nya muna ang mga luha ko saka ko sinagot.
"edi sundin mo yan, try mo munang patawarin yung tao saka mo balansehin kung ano ang mas matimbang kung sino ang mas matimbang" saka tuluyang nilisan ni Harvey ang office ko.