4

2250 Words
Iniikot ikot ko lang sa baso ng wine ang index finger ko hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kung sino man ang nasa stage, daming gumugulo sa isip ko. Bat ngayon pa bumalik Nathan Daniel Falco. Napabungtong hininga na lang ako sa kinauupan ko. " babe, are you okay?" bumalik ang diwa ko ng bigla kong tanungin ni Rico. Tumango lang ako saka ngumiti bilang sagot ko sakanya. "may we call on Mr. Heraldo Gonzales our new CEO" nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang Gonzales, hindi kaya ito ang Mr. Gonzales na tinutukoy ni Nathan? Nakakabingi ang palakpak ng mga tao sa paligid ko. "kilala mo sya?" tanong ko kay Rico. "his my Tito babe" sagot nito sakin. Lumipas ang oras natapos din ang party. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Rico ng mapag usapan namin ang annulment papers namin ni Nathan. "bakit di na lang natin sya puntahan para mapirmahan na nya yung annulment nyo so that we can get married as soon as posible" palagi nya kong kinukulit sa annulment papers namin ni Nathan. Sa totoo lang hindi pa kasi ako sigurado sakanya kaya dinadahilan ko sakanya na di ko macontact si Nathan at di ko din alam kung nasan sya. "my private investigator said na nasa US daw si Nathan together with his lola, would you like me to book a flight immediately?" dagdag pa nya. "nasa Pilipinas na sya, nagkita kami kanina sa puntod ni Nicole, pero di namin napag usapan yung about sa annulment" kita sa mukha ni Rico ang pag ka selos at pag ka bahala dahil sa mga sinabi ko. " i love you babe" hinawakan nito ang kamay ko. Ngumiti ako dito. "wala kang dapat ikabahala" saka ko sya hinalikan. ------------------------------------------------------------ Alas otcho ng umaga ng magising ako dahil na din sa tawag mula sa di ko kilalang tao. "hello?" bungad ko sa kabilang linya. "Leslie? can we talk?" Si Nathan pala, di na ko magtataka kung paano nya nakuha ang number ko for sure nagkausap na sila ni Harvey. Napabalikwas ako ng bigla kong maalala na di ko pa pinipirmahan ang annulment papers namin. Di kaya ito ang gusto nyang pag usapan namin. "hello Leslie?" nakalimutan kong kausap ko pa pala si Nathan sa kabilang linya. Pumayag naman ako saka pinuntahan ang address na binigay nya kung san kami nag kikita. Pagdating ko sa lugar bumungad sakin ang malaking mansyon. Agad naman binuksan ang gate para makapasok ako. Sinabulong naman ako ni Nathan sa main entrance ng bahay. "bat dito tayo nagkita? anu bang meron?" di nagsalita si Nathan, pinag buksan lang nya ko ng pinto saka inayang pumasok sa loob. Pagpasok ko agad na bumungad ang malaking wedding picture namin katabi ng wedding picture ng parents ni Nathan. Napakamot naman sa ulo si Nathan na parang nahihiya dahil dito. "si lola kasi" pag eexplain nya. Nagtungo kami sa garden, nakita kong may nakahandang lamesa na puno ng pagkain kung saan nakaupo ang mga parents ni Nathan katabi ang isang matandang babae. "mabuti at nakarating ka hija" bati sakin ni mommy, bumeso naman ako kila mommy at daddy saka aakmang mag blebless sa matandang babae bilang pag galang. "ikaw na ba si Leslie?" tanong ng matanda sakin. "opo ako nga po" saka ko nag bigay ng matamis na ngiti sa matanda. Napag alaman ko din na sya pala ang lola ni Nathan na nasa US. kasabay nya pala itong umuwi. "ang gandang bata, swerte ng apo ko sayo" ngiti lang ang naisagot ko sakanya. "Tara kain na tayo baka lumamig ang pagkain" putol ni mommy sa usapan namin ng lola ni Nathan. Sa tabi ko naupo si Nathan, bakas sa mga kilos nya ang pag iingat na baka madikit sya sakin. Nginitian ko ito para maging komportable habang nasa harap kami ng lola nya at parents nya. " kamusta ka hija? balita ko kasama sa top 5 ang company nyo sa most poweful sa buong Pinas" panimula ng lola nya sa kwentuhan namin. " magaling kasi si Leslie ma.. lalo na pag nag prepresent yan ng deals to the investors, nako walang investors ang lalabas ng di pumipirma ng contract sakanya" payabang ni daddy sa lola ni Nathan. "daa.. Tito naman baka mapressure naman po ako kay Lola" nahihiya kong sambit sakanila. "Tama naman ang daddy mo anak, natatandaan mo yung halos ilang linggo si Nathan subsob sa trabaho para lang makapag present ng maganda sa harap ng mga investors" natatawa si mommy at daddy. " aayy yeah! i remember that, andun ako ng biglang pumasok si Leslie kasi akala nya tapos na yung presentation ni Nathan kaya ang ginawa ni Nathan pinakilala si Leslie sa mga investors, tapos dalawa na silang nag present ng presentation kaya napa oo nila yung mga investors." dagdag ni dad. " e paano ba naman ang laki ng ginawang share ni Mr. Tan kasi gusto nya si Leslie" pang aasar ni mommy kay Nathan lahat naman kami natatawa habang binabalikan namin yung mga nangyari. " one time nga si Mr. Go sabi ba naman sakin pag daw naghiwalay kami ni Leslie sabihan ko daw sya agad para daw liligawan nya si Leslie" napalingon ako bigla kay Nathan na natatawa habang nag kwekwento. " sabi ko sakanya never kaming mag hihiwalay. Mamumuti ang buhok nya kakahintay samin" bumulong naman ako kay Nathan. "Nai.. Go ang surname ni Rico" medyo naguguluhan ako. "yeah i know" napatulala ako sakanya ng sabihin nya yun. Mas dumami ang tanong sa utak ko. Hindi pinansin ni Nathan ang naging reaction ko at nagpatuloy lang ito sa pagkain. Masaya at maayos ang naging lunch together namin, nagpasalamat din si mommy at daddy specially Nathan kasi pinaunlakan ko si Lola to meet me. Naglalakad kami ni Nathan palabas ng mansyon para ihatid ako kung nasan ang kotse ko. "alam ba ni Rico?" tinutukoy nya ang pag punta ko dito sa mansyon umiling lang ako bilang sagot. " Baka mag away kayo, im sorry" napayuko naman ito. "i enjoyed our lunch, i hope maulit ulit to." sabi ko sakanya kaya napaangat ang ulo nya saka napatingin sakin. "friends?" pag aabot ko ng kamay ko sakanya. Tinignan nya ito bago hawakan. "thank you" kagaya ng dati malungkot na ngiti ang ibinigay nya sakin. Sumakay na ko ng kotse saka nag tungo sa bake shop ni Maris. "so naguguluhan ka?" inabutan naman ako ni Maris ng Iced Coffee saka umupo sa harap ko. " Feeling ko matagal ng magkakilala si Rico at Nathan" pag oopen ko sakanya. " girl may tanong ako ha, bakit di mo pa din pinipirmahan yung annulment papers nyo?" sa totoo lang hindi ko alam. Lalo pa't ang dami kong nalalaman mula kay Nathan. "mahal mo pa ba?" nag kipitbalikat ako bilang sagot "mahal mo si Rico?" nag isip ako bago sumagot. Nag flashback sakin kung paano kami nag kita ni Rico, 3rd birthday ni Nicole nun nagkataon naman na death anniversary ng Lola ni Rico. Umiiyak ako sa puntod ni Nicole ng biglang umulan pero hinayaan ko lang mabasa ako, napansin ko na lang na walang pumapatak na ulan sa katawan ko kaya napaangat ng ulo ko. " baka mag kasakit ka nyan, pero okay lang andito ko para alagaan ka" Pinapayungan ako ni Rico. Madali kaming nag kapalagayan ng loob ni Rico, Madalas nya kong sinusundo saka kami pupunta sa puntod ni Nicole, sya halos ang nag pawala ng sakit na nararamdaman ko that time. Hanggang sa di ko namalayan unti unti ko na syang minamahal. "Leslie?" napabalik ang diwa ko ng tapikin ako ni Maris. " si Rico ang tumulong sakin para makabalik ulit sa dati" yun ang nasagot ko pero mas mahal ko ba sya kesa kay Nathan na dati kong asawa? " tara inum tayo" pag aaya ko dito. Pumayag naman ito sabi nya sa bahay na lang daw nila kami mag inum dahil aalis yung nag aalaga kay Nikki. Binilin lang nya yung shop sa mga staff nya kaya agad din kaming nakaalis. Nag pasama muna si Maris sa grocery para makapag luto din daw sya ng dinner namin. Pumayag naman ako para makapag libang libang din at mawala yung kung ano man ang gumugulo sa isipan ko. Mag gagabi na ng makalabas kami sa supermaket sabi naman ni Maris nasa bahay na daw si Harvey kaya di namin kailangan mag madali. Pag pasok namin sa bakuran ng bahay nila Maris napansin kong nakapark ng isang pamilyar sakin na sasakyan. Pumasok kami ni Maris ng madatnan kong nakikipag laro si Nathan kay Nikki. "ay bes di ko alam to" pag didipensa ni Maris sakin, tumango lang ako bilang sagot. " hi mommy hi tita ninang" niyakap naman ako ni Nikki. "tito ninong is here come on play with us tita ninang" inakay naman ako ni Nikki papunta sa sala kung san sila nag lalaro. Natawa naman ako ng makita kong pabulong na pinapagalitan ni Maris si Harvey dahil siguro sa di pag sabi sakanya na andito si Nathan. Nakipaglaro ako kila Nathan ng doctor doctoran kunwari may sakit kami ni Nathan at gagamutin kami ni Nikki. Nawala naman ang ilangan namin ni Nathan dahil na din sa naaaliw kami parehas kay Nikki. Inabutan naman kami ni Harvey ng tig isang lata ng beer. "inum muna kayo malapit na matapos yung niluluto ko" sabi samin ni Harvey. "thanks pre" saka binuksan ni Nathan yung isang lata saka inabot sakin. "thank you" pag papasalamat ko dito lumagok ako ng bigla kong mabuga ang iniinum ko. "tita ninang dapat kasi may baby na kayo ni tito ninong para may kalaro ako" nakapamewang pang sabi nya sakin. nabuga ko ang beer na iniinum ko saka naubo dahil sa narinig ko. Hinagod hagod naman ni Nathan ang likod ko saka ako inabutang ng tissue. "okay ka lang?" tinaas ko lang ang kamay ko bilang pag sagot. "tara lets eat" aya ni Maris. Kumain kami at nag inuman buong gabi. Namiss namin ang isa't isa. "grabe di ko akalain na kayo din ang mag kakatuluyan" sabi ko sa dalawa. "magaling ka kasi mag partner e" natatawang sagot ni Harvey. " sus! ang sabihin mo type mo talaga ko noon pa!" pang aasar ni Maris. " yeah.. oo na oo na.." sagot ni Harvey kay Maris. " kung di ka lang kinausap ni Nathan kasi pinag seselosan ka nya di mo pa sasabihin na gusto mo ko hahahah" dagdag ni Maris. Napalingon ako kay Nathan, pinisil lang nito ang kamay ko saka binitawan din. Napansin ni Nathan na medyo naiilang ako sa topic kaya iniba nito ang topic. Lumipas ang mga oras ng puno ng tawanan at kwentuhan hanggang sa di ko namalayan na naparami na pala ko ng inum kaya nakaramdam na ko ng pag kahilo. "iinum inum kasi di pala kaya" pag aalala na may halos inis ang boses ni Nathan. "pasundo na kay Rico?" napalingon kaming tatlo sa sinabi ni Nathan, nakaramdam din ako ng konting kirot. Parang okay lang sakanya na makita nya kong nasa iba na. " nasa korea sya may business matter dun" sagot ko habang naka yuko sa lamesa. "hatid na kita?" pag ooffer ni Harvey. Umiling ako. " Konting pahinga lang maya maya okay na ko" nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Nathan. "oy san mo ko dadalhin?" pumapalag ako para ibaba nya ko. "ibaba mo ko anu ba!" pag pupumilit ko dito. agad naman nya kong sinunod. " pag nakaya mong mag lakad hanggang pintuan hahayaan kitang umuwi mag isa" medyo galit ang tono ng boses nito. Unang hakbang ko palang muntik na kong matumba dahil sa mabilis na ikot ng paningin ko mabuti na lang at nasalo din nya ko. Di na din ako nagsalita pa, hinayaan ko na lang si Nathan na alalayan ako papunta sa kotse nya. Dahan dahan naman nya kong inupo sa passenger seat. Saka sya pumasok sa sasakyan. Napapikit ako ng biglang ilapit ni Nathan yung mukha nya sakin, ikakabit lang pala nya yung seatbelt ko akala ko hahalikan na nya ko, oo umaasa ko na baka magbago pa ang isip ko. Nag maneho na sya minsan sinisilip silip nya ko ako naman nakapikit lang ako buong byahe dahil sa umiikot pa din ang paningin ko. Inalalayan nya ko hanggang sa makaupo ako sa sofa sa loob ng condo ko. Agad naman nya kong binigyan ng tubig at pinag timpla ng kape kaya medyo nawala na ang pagkahilo ko. Napansin kong nakatitig si Nathan sa isang painting na naka display sa wall ko. "ang ganda nya, sayang di ko sya nahawakan" naguilty ako ng marinig ko yun. Si Nicole ang tinutukoy nya. Nag pagawa ako ng painting ni Nicole mabuti at nakuha ang mukha ni Nicole kahit na diniscribe ko lang ito sa nag sketch. "pwede ba ko makakuha ng kopya nito?" tanong nya sakin. Agad naman ako pumasok sa kwarto ko saka lumabas ng may bitbit na regalo na kasing laki ng painting na pinagawa ko. " dalawa talaga pinagawa ko para pag nagkita tayo ibibigay ko sayo to" di maipinta ang saya sa mukha nya. Niyakap nya ito ng mahigpit. Napansin ko ulit ang pagalog ng braso nya. Nilapitan ko ito at niyakap mula sa likod. Napakalas lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Rico ang tumatawag. Nag paalam din si Nathan at nag pasalamat para sa painting na binigay ko. Sa sofa ko naisipang humiga bago ko ipikit ang mata ko tinitigan ko muna ang mukha ni Nicole. "anak, give me a sign" saka ko ipinikit ang mata ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD