Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos ng pisngi ko nagulat ako at bahagyang napabalikwas dahil sa gulat ko kay Rico.
"sorry nagulat ba kita?" ibinagsak ko ulit ang katawan ko sa kama ng mapagtanto kong si Rico lang pala, alam nya ang password ng condo ko kaya malaya syang nakakalabas pasok dito. Binigyan ko naman ito ng mabilis na halik bilang pagbati.
"kanina ka pa?" inaya ko itong tumabi sakin saka niyakap.
"kanina pa kong madaling araw, hmm.. around 4am i guess?" mukhang galing sya ng airport saka tumuloy sakin nakita ko kasi yung maleta nya sa gilid ng pinto. Napahawak naman ako sa sintido ko dahil parang binibiyak ang ulo ko.
"hangover? lakas nga ng hilik mo mukhang naparami inum mo aa.. alak pa" natatawang asar nito sakin. Kinurot ko naman ito ng mahina sa kagiliran.
" i loveyou... i love you.. i love you.. i love you.." paulit ulit na bulong nito sakin. Habang yakap yakap ko.
"ayaw mong sumagot ha!" parang nakuryente naman ako dahil sa walang tigil nitong pangingiliti sakin. Kakaiwas at kakahabol nya sakin di namin maiwasan na nagpatong ang mga katawan namin, inayos naman nito ang iilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko. Napangiti lang ako dito saka pinulupot ang mga braso sa batok nito, pumikit lang ako ng maglapat ang mga labi namin. Bumaba ang mga halik nya sa leeg ko papunta sa dibdib ko. Maya maya bigla kong nakita ang imahe ng mukha ni Nathan sa diwa ko kaya bigla kong napabalikwas.
"im sorry" alam kasi ni Rico na tangging dating ko lang asawa ang nakakita ng katawan ko at nakagamit nito kaya ramdam kong iniingatan nya din ako.
"its okay, so..rryy" nahalata naman ni Rico ang pagkailang ko kaya hinalikan lang ako nito bilang sagot saka ngumit.
" anung gusto mong breakfast? pagluluto kita" tumayo naman ako at inayos ang sarili saka pumunta sa kusina naramdaman ko naman ang pag sunod nito.
Pagkakain namin naligo na ako at nag ayos ng sarili para pumasok. Hinatid naman ako ni Rico saka umuwi sa bahay nya.
Pag pasok ko naman sa office napansin kong nag kukumpulan ang ilang empleyado namin. Napagpasyahan namin ni Harvey na mag tayo ng kumpanya at sa awa ng diyos mag tatatlong taon ng namamayagpag at kasama sa top 5 na powerful sa buong pinas.
"aga aga nag kukumpulan kayo" pag sisita ko kay Girly at sa dalawa nitong kasama.
"good morning po ma'am Leslie, andyan po kasi sa loob yung bestfriend ni sir Harvey grabe ang gwapo po" pag mamalaki nito, napaisip ako kung sino ang tinutukoy nya sa pag kakaalam ko kasi ako ng bestfriend nya at ang pinsan nyang si Jhaypee pero kilala naman nila si Jhaypee.
"grabe nga po ma'am ambango bango pa po nya" sabat ng isang nag oojt na sinamaan ko naman ito ng tingin. Bata bata pa pa ambango ambango pang nalalaman. Nag peace sign lang ito. Lumapit naman sakin si Lea ang secretary ko saka may binulong.
"ma'am nasa conference room po si sir Harvey pati na din po ang board members, ipapakilala daw po kasi yung bagong share holder ng company, si.. sir Nathan po yung nasa loob" nagtataka naman ako kaya tinignan ko ang cellphone ko para kumpirmahin kung may text o tawag si Harvey about dito pero wala naman akong nakitang miscall o message.
"sige punta na lang ako dun, can you give me a coffee without sugar please." tumango naman ito at nag paalam muna saglit. Dumiretso ko sa conference room bago ko pumasok sumilip muna ko sa bintana agad naman akong nakita ni Harvey at sumenyas na pumasok ako.
Kumatok muna ko bago ko binuksan ang pintuan. Napakunot ang noo ko ng tumambad sakin ang pagmumukha ni Nathan. The f*ck anung ginagawa nya dito. Di na lang ako nag pahalata sa mga board member na kilala ko sya.
" Hi Ms. Velasco sorry kung di kita nasabihan, sabi kasi ni Mr. Go na you're not feeling well kaya alam ko na di ka makakapunta" yes Velasco na ang gamit kong surname ng pumasok ako sa kumpanya namin ni Harvey.
"good morning Ms. Velasco" bati sakin ni Nathan ngumiti lang ako dito saka umupo sa upuan ko.
Tumagal din ng isang oras ang meeting namin dahil diniscuss din nila yung mga bagong projects at partnership meeting sa iba pang investors sa cebu this coming weekends. Pagkatapos ng meeting lumabas na ang board pero ako nanatili pa ding nakaupo sa upuan ko.
" bakit di mo ko sinabihan?" cold kong maktol kay Harvey. Napakamot naman ito sa batok nya.
" Lesh.. nakiu..." di na natuloy ni Harvey ang sasabihin nya ng biglang sumabat si Nathan.
"ako ang nakiusap kay Harvey, i want to join. since Mr. Natividad withdraw his investment, ako ang bumili ng share nya" napabuntong hininga ko saka ko sumagot.
" bakit ka ba andito? kung nasaan ako andun ka din? Bakit di ka na lang bumalik ng America?" medyo naiinis na kasi ako sakanya paano ko ipapaliwanag kay Rico na nasa iisang company kami ng ex husband ko.
"business is business Ms. Velasco, wag mo sanang gawing personal" nagulat ako sa astang cold at seryoso ni Nathan.
"wow, ako pa talaga ang nag bibigay ng issue? FYI Mr. Falco maayos ang company kahit wala ka pa, at di namin kailangan ng katulad mo dito" inis kong sagot dito.
"really? kaya pala napapirma ko si Mrs. Dy kahapon, balita ko isang linggo mo nag nililigawan yun para pirmahan yung contract?" maangas naman nyang sagot pabalik sakin, tinaasan ko naman ng kilay si Harvey dahil dito. Itinaas lang ni Harvey ang dalawang kamay nito saka lumabas ng conference room, tanging ako at si Nathan na lang ang tao sa buong kwarto.
"Di na ko mag tataka dun for sure may ginawa kang kababalaghan kaya napa oo mo yun. bakit nakailang rounds kayo?" Kilala si Mrs. Dy na pumapatol basta gwapo ang lalaki, kahit na alam pa yun ng asawa nya di na sya pinapakielaman nito.
"excuse me" nag iba ang aura ni Nathan, bakas nito ang pagkainis dahil sa sinabi ko.
"bakit di ba? expect ka nga dyan e.. pumatol kung kani kanino" mataray kong sagot dito.
" Hindi kita niloko, sinabi ko na sayo yung dahilan naipit lang ako!" madilim na ang aura ni Nathan medyo tumataas na din ang boses nito sakin.
"naipit? san? sa dalawang hita ng babaeng yon! yun ang sabihin mo!" galit na paratang ko sakanya.
"F*CK!" nagulat ako sa pag hampas nya ng malakas sa lamesa pero di ko ito pinakita sakanya na natakot ako bigla sa aura nya. Parang ngayon ko lang ito makikitang magalit. Napahilamos naman ito sa mukha nya.
" Pwede ba! Ilang beses ko bang sasabihin sayo di kita niloko! wala akong niloko! at , hindi ako yun!" pag didiin nya sakin. Lumalakas na ang boses namin parehas ni Nathan. Dahan dahan naman itong lumapit sakin, kada hakbang nya papalapit sakin ay syang hakbang ko paatras hanggang marating ko ang pader ng kwarto. Unti unti din itong lumapit sakin hanggang sa halos magpalit na kami ng mukha. Kinulong naman nya ko sa mga braso nya saka ngumisi.
"alam mo naman na ikaw ang hinahanap hanap ng katawan ko" kinilabutan naman ako ng binulong ito sakin.
"namimiss na nga kita" hasky ang boses nito na parang nang inaakit ako, konti na lang mag lalapat na ang mga labi namin. Di ko magawang umalis sa harapan nya parang inaantay ng katawan ko kung ano ang susunod nitong gagawin sakin. Papalapit ng papalapit ang labi nito ng biglang bumukas ang pinto dun ko lang nagawang itulak si Nathan.
"sorry mam, coffee nyo po" nahihiyang inilapag ng secretary ko ang kapeng kanina ko pa hingi.
"dalhin mo na lang sa office ko" di ko na nilingon si Nathan, naglakad na ko papalabas sa conference room dahil alam kong pulang pula ang mukha ko at ayokong makita nyang may dating pa din sya sakin.
Hapon na ng puntahan ako ni Harvey sa office ko. Kumatok muna ito saka pumasok.
"coffee, peace offering" inirapan ko lang ito saka ibinalik ang mata ko sa monitor ng computer ko.
"nakiusap sya sakin, saka binenta sakanya ni Mrs. Dy yung share nya dito kay Nathan." ramdam kong umupo ito pero patuloy pa din ako sa ginagawa ko si Harvey naman patuloy sa pag sasalita.
"parang may something nga sa asawa mo e" napatingin naman ako dito saka initaas ang kilay.
"bakit? asawa mo pa din sya hanggat di mo pinipirmahan yung annulment papers nyo" pang aasar nito.
"napirmahan ko na, pinoprocess na ng lawyer ko" cold kong sagot saka itinuloy ang ginagawa ko sa computer.
"sure ka? pag na process na yun wala ng bawian" tumayo ito saka naglakad papalabas may binulong sya kaso di ko ito maintindihan kaya pinaulit ko.
"babawiin "(@$£=,×*@ nya" di ko talaga ito naintindihan hanggang sa makalabas sya ng office ko.
Mag aalasyete na ng gabi ng matapos ko na lahat ng gawain ko kaya nag paalam na ko sa mga empleyadong nag ot at nag bilin din sa secretary ko, na nag aayos na din para makauwi. Pag katapos nun agad naman akong ang tungo sa elevator para makarating agad sa parking lot kung san naka park si Rico, tumawag din kasi sya kanina na susunduin nya ko dahil wala din akong dalang kotse. Pasara na sana ang pinto ng elevator ng biglang bumukas ito ulit. Di ko tinginan kung sino ang sumakay dahil nakatulala lang ako sa sahig.
Pagdating sa 5th floor muling bumukas ang elevator at unti unting napuno ng tao ang loob ng elevator dahil kaya napunta ako sa gilid katabi ang lalaking kasundo kong sumakay kanina. Pagdating sa ground floor lumabas din yung mga taong sumakay sa 5th floor at gaya kanina kami na lang ng lalaki ang natira sa elevator. Pipindutin ko na sana ang basement ng pagdikit ang daliri namin dahil pipindutin din ito ng lalaki.
Si Nathan pala ang kasakay ko di ko to pinansin ngunit kinausap pa din nya ko.
" condo ka uuwi? o kila momm... tita?" sinagot ko ito ng di inaalis ang tingin sa pinto ng elevator inaalala ko kasi si Rico for sure magagalit to sakin pag nakita nyang kasama ko si Nathan.
"condo" cold kong sagot.
"hatid na kita?" pag ooffer nya.Kapal din ng mukha nitong lalaking to parang walang nangyari samin, i mean parang di kami nag karoon ng sama ng loob sa isat isa.
" susunduin ako ni Rico actually andyan na sya" sakto namang bukas ng elevator kaya nauna na kong lumabas dito. Isang kotse lang ang pagitan ni Nathan at Rico kaya parehas kami ng tinatahak ni Nathan at natatanaw ko na din si Rico na nakasandal sa pinto ng kotse nya. Agad akong lumapit dito saka binigyan ng halik.
" Long time no see Mr. Falco" bati ni Rico kay Nathan. Nakipag kamay naman si Nathan kay Rico bilang respeto dito. Di na ko magtataka kung magkakilala ang dalawa dahil di nagkakalayo ang Nature of business ng dalawa. Minsan na din naging competitors nila Nathan ang kumpanya nila Rico. Yun ay sabi ng source ko, minsan ko na din kasing itinanong yun kay Rico pero iniwasan nya ang mga tanong ko at halatang ayaw nyang pag usapan ito, dahilan nya ay nagseselos daw sya kay Nathan at ayaw nya daw ng pinag uusapan namin si Nathan.
" Dito ka din pala sa company ng girlfriend ko?" maangas na tanong nito kay Nathan.
" hmm.. yeah.. well after ng mga nangyari gusto ko lang bumangon ulit and kunin kung ano yung mga nawala sakin" napatingin saglit si Nathan sakin saka ibinalik ang tingin kay Rico.
" woah.. well we will see kung magiging top1 na ang company mo.. baka ipagbili mo ulit yan tsk" pang aasar ni Rico, medyo nakakaramdam na din ako ng tension sa usapan ng dalawang ito kaya hinawakan ko ang kamay ni Rico saka pinisil kaya napatingin ito sakin. Tiningnan ko naman ito na parang inaaya ng umalis. Mabuti naman at naramdam din ito kaya nag paalam na ito.
" Don't worry Rico Sebastian Go, babawiin ko din yung mga pinahiram ko sayo." tinignan naman ako ni Nathan saka ibinalik kay Rico ang tingin.
" so.. una na ko, ingat kayo ng ex wife ko haha just kidding.. ingat kayo" di na inantay pa ni Nathan kung anong isasagot ni Rico sumakay agad ito ng sasakyan nya saka pinaharurut ito paalis. Binalik ko ang tingin kay Rico na halatang naiinis. Sumakay na din kami ng kotse bago iistart ni Rico ang makina bigla itong nagsalita.
" when we get home send a resignation to Harvey, di mo na kailangang pumasok pa dyan sa walang kwentang kumpanyan na yan!" bakas sa mukha ni Rico ang galit ng malaman nyang kasama ko sa trabaho si Nathan.
" no, i won't" dahan dahan nya kong nilingon.
"what?" inis na sagot nito sakin.
"look Ric wala na kami ni Nathan, there's nothing to worry about. Saka Aim Empire was my first very own company. Sariling sikap ko to. I hope you understand" pag eexplain ko dito habang hawak ang dalawang kamay nya to convince him. But the thing is gusto kong makuha ang lahat ng properties ni Nathan. After matransfer sa pangalan ko ang lahat saka ko lang pinirmahan ang annulment papers namin. Gusto kong maramdaman nya yung pakiramdam ng nawalan.
Kila mommy muna ko nag stay dahil na mimiss ko na din sila. Sakto naman na andun si ate pati mga pamangkin ko, dun din pala sila nagstay dahil wala si kuya Rob may business eme daw sa Davao for 3days.
" are you sure di ka muna papasok?" tanong kay Rico.
"hindi na Babe, maaga din ako bukas saka para makapag pahinga ka na" binigyan muna ko ni Rico ng isang halik bago ko bumaba ng sasakyan nya. Inantay ko din muna syang makaalis bago pumasok sa bahay namin.
"Nay Tess, ang mommy?" bungad ko sa kasambahay nila mommy.
"nasa garden po kasama and daddy nyo" ngumiti lang ako dito bilang sagot. Pumunta ako agad sa garden kung nasaan ang parents ko. Sila ate mukhang nasa kwarto nila dahil di ko nakita sa sala.
"hi mom, hi dad" bati ko sa parents ko saka ko nag bless.
"oh, nagawi ka ata dito? may problema ba?" tanong ni dad, umupo muna ko sa gitna nila saka kumuha ng cheesecake na kinakain nila.
"wala naman po, gusto ko lang kayo makita" sabay subo ko sa cheesecake.
"kamusta ang kumpanya hija?" pagtatanong naman sakin ni mommy.
"we're good mom, but Nathan is one of the member na" inis kong sagot kila mommy.
" hmmm that's good to hear" napatingin naman ako ng masama kay dad.
"anong good dun dad? feeling ko naiipit ako sa dalawang malaking bato" pag cleclear ko kay dad. I know mas boto pa din si Daddy kay Nathan kaysa kay Rico.
" uy andito ka pala?" bati sakin ni Ate Yasmin ng makita ako, ngumuso lang ako dito kaya kiniss ako sa noo. Tumabi din ito sakin.
"anong agenda natin lil sis?" sumandok din ito ng cheesecake at kumain.
" mukhang may nagbabalik from the past" pang aasar ni daddy sakin.
"woah, bumabalik si Nathan?" mabilis na sagot ni ate. Nag smirk lang ako dito saka umirap. Natawa naman sila dahil alam nilang napipikon na ko sa biro nila.
"walang bumabalik, bagong member lang sya ng kumpanya yung lang" pag cleclear ko ulit.
"kala ko bumabalik sayo e haha sa iba pala bumalik" saka pinakita ni ate yung post ni Nathan, mukhang reunion nila mag claclassmate nung college. Nakita ko din na katabi ni Nathan yung ex nya si Elise, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng selos ng makita ko silang magkatabi sa picture kahit na may mga kasama sila.
Naalala ko dati na yan ang palagi kong pinagseselosan dahil alam kong sya ang pinaka minahal ni Nathan sa mga ex girlfriend nya.
"hija baka matunaw naman yung cellphone ng ate mo" pang aasar ni mommy. Agad kong binaling yung sarili ko sa pagkain ng cheesecake.
"mesheket ghurl?" pang aasar ni ate sakin. Di ko na lang ito pinansin.
After namin mag dinner at konting kwentuhan umakyat na ko sa kwarto ko para makapag pahinga.
Sinilip ko ang cellphone ko, may text si Harvey inopen ko naman ito agad.
" Les, we have a meeting at 10am tomorrow. Okay? and sorry kanina, i don't know how to cut your convo with Nathan and sorry kung di kita nasabihan.." napangiti naman ako sa message ni Harvey, alam ko naman na di nya magagawang magalit sakin at ganun din ako sakanya. Since college super close na kami nyan to the point na napagkamalan akong third party kaya nag break si Harvey saka yung girlfriend nya that time.
Napabalikwas naman ako sa pagkakahiga saka pumunta sa study table ko, binuksan ko ang drawer nito saka kinuha ang dati kong cellphone. Lowbat ito kaya chinarge ko muna. Nagtungo muna ko sa banyo para maligo habang inaantay kong mag open yung cellphone.
Pagkalipas ng mahigit 30minutos chineck ko yung nakacharge na cellphone nasa 30 percent na ito kaya buksan ko na din ito. Iniwan ko muna ito saka nag bihis, sunod sunod ang tunong ng cellphone kaya nilapitan ko to.
halos nasa 100 messages galing kay Nathan 5 years ago. Pili lang ang binasa ko dahil sobrang dami nito, habang nag sscroll ako aa inbox ko aksidente kong nakita ulit yung message na naging dahilan ng paghihiwalay namin mag asawa.
Humugot muna ko ng malalim na hinga saka binuksan ito habang nag loloading yung video pakaba ng kaba naman ang dibdib ko, naka mute din ito dahil ayokong marinig ang kamanyakan nilang dalawa. Lakas loob kong pinag masdan ang lalaki sa video. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ko ang sinasabi ni Nathan na tattoo sa lalaki sa bandang balikat nito. Walang tattoo si Nathan. Sa unang tingin din mapapansin mong si Nathan ang lalaking nasa video ngunit kung tititigan mo ito ng matagal hindi si Nathan ang lalaki sa video, may nunal ito sa sindito na wala naman sa mukha ni Nathan. Di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, nakaramdam ako ng sakit at pag sisisi.
Mas naguluhan ang utak ko dahil sa mga nalaman ko.
------------------------------------------------------------
Sa kabilang banda..
Nakatayo si Rico mula sa balcony ng kanyang kwarto ng makarinig ito ng katok, hindi na nahintay na pag buksan nya ito dahil pumasok na din ito sa kanyang kwarto.
"anong ginagawa mo dito!" bakas sa mukha ni Rico galit sa lalaking kaharap nya, ngumisi lang ang lalaki saka sumagot.
"sabi ko naman sayo di ba? maniningil ako" napahawak naman ito sa panga habang umiiling.
"what do you want now!" galit na sambit ni Rico.
"hmm.. naubos ko na kasi yung 20million na allowance na binigay mo para tumahimik ako" umupo naman ito sa sofa saka itinaas ang mga paa sa coffee table.
" magkano ba gusto mo para tuluyan ka ng manahimik" bunuksan naman ni Rico ang drawer saka nag sulat sa check book nito.
"200 million" sumama ang mukha ni Rico pagkarinig ng demand ng lalaki.
"kapal din ng mukha mo, after mong kunin ang asawa ko, pagtaksilan nyo ko saka ka mag dedemand sakin" inis na si Rico sa lalaki.
" masisisi mo ba ang pinakamamahal mong pinsan kung mapagnasahan ng asawa mo? ow.. correction ex wife pala" ngumisi ito na lalong nag pagalit kay Rico.
"by the way itong hinihingi ko bayad to sa pakinabang mo sa s*x video ko, at ng asawa mo, sumalangit nawa hahaha" tumawa ito ng mala demonyo kaya agad na lumapit si Rico at kinuwelyohan ito. Saktong dating naman ng kaibigan ni Rico na si James kaya naawat nito ang dalawa.
"umalis ka na dito Rex" pagtataboy naman ni James sa pinsan ni Rico na si Rex.
Nakangisi namang lumabas si Rex ng kwarto, bago sya makalabas nag banta ito kay Rico.
"sisiguraduhin kong di ka magiging masaya" pabalibag naman nitong inisra ang pinto.
"ayos ka lang bro?" tapik ni James sa balikat ni Rico tumango lang ito bilang sagot.
"dude, i think Lesh need to know about this mas maganda na sayo nya malaman to" pag kukumbinsi ni James kay Rico.
Ininuman muna ni Rico ang hawak nitong baso ng alak bago sumagot kay James.
"sasabihin ko na wala talagang kasalanan yung asawa nyang si Nathan? tapos magagalit sya sakin? iiwan nya ko. Madali lang naman patahimikin si Nathan. Hawak ko sa leeg ang isang yun" pagmamalaki nito kay James.
"dude tapos na ang contract nyo ng daddy nya, in a 1 month o 2 months makakawala na sila sa pagkakautang nila sa family mo" nagkaroon ng matinding utang ang pamilya Falco dahil sa biglaang pag withdraw ng mga investors nila dahilan ng pag kritikal na estado ng kumpanya ng pamilya Falco. Ito din ang isang dahilan kaya nagawa ni Rico na paghiwalayin ang mag asawa. Para tuluyang bumagsak ang kumpanya nila Nathan dahil numero uno itong kakumpitensya ng kumpany nila Rico.
" napirmahan naman na ni Leslie yung annulment papers nila ni Nathan tuluyan ko ng makukuha ang pinakainiingatan ni Nathan, kasabay ng mga ari arian nya" naging demonyo ang aura ni Rico. Hindi naman mahanap ni James ang ugat ng labis na galit ni Rico kay Nathan para magawa ni Rico ang lahat ng to kay Nathan.
"dude, mabait si Leslie at alam kong alam mong totoong mahal ka nung tao. Wag mo sanang sayangin yun" tinapik ni James ang balikat ni Rico bago lumabas ng kwarto ni Rico.
Umupo si Rico sa harap ng table nya habang nakatitig sa picture ni Leslie mapapansing matagal na ang picture dahil nasa labing anim na taon palang si Leslie ng kunan dito.
"you're mine Leslie Anne Romualdez Velasco. all mine" parang baliw na sambit ni Rico sabay ang pag tungga nito sa bote ng alak.