2:|Her past's & impostor's secret|

2187 Words
- Earhart Aiken's POV' -   "I'm sorry but we can't do anything to make this stop, Mrs. Collins."    "'Omayghad, p-please d-doc Maui. That's not true r-right? I'm begging you! Please do everything to her! Alam kong may paraan pa para malunasan ang sakit nya!"   "I'm very sorry, ginawa na po namin ang lahat. There's only one thing that we can do in order to prevent her sickness."   "W-What do you mean?"   "Hindi na maaalis pa ang kanyang sakit. But luckily, hindi rin ito lalala if she will do the treatment that'll do for 2 years. After the treatment, she has to stay away under the moonlight. That's the least thing we can do for her to survive."   I panted when I opened my eyes. Hinihingal ako at nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa panaginip na iyun.  Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung anong oras na.   5:30 A.M.   Napabuntung-hininga ako at bumalik sa pagkakahiga. Pilit kong ipinikit ang aking mata upang bumalik sa pagtulog ngunit naaalala ko na naman ang nangyari noon.    Isang pangyayari na hindi ko kayang lubayan at takasan, hanggang ngayon, kahit lumipas na ang dalawang taon.    Here's the catch, I'm sick.    May sakit ako noon. Pero naagapan naman na dahil sa ginawang treatment. Pagkatapos nun ay merong kapalit, at 'yun nga, bawal akong lumabas pagsapit ng gabi dahil hindi ako pwedeng maliwanagan ng buwan.   Merong substance na inilagay sa katawan ko during the treatment at kapag naliwanagan ako sa buwan na kahit konting konti lang ay mamamatay ako!    Allergy ang substance na yun sa moonlight.    Nakakatawang isipin na dinaig ko pa ang mga wolf blood na mag-iibang anyo mula sa tao at maging were wolf pagsapit ng gabi. Nakakatawa pero yun ang totoo. Ang katotohanang nakapagpabago sa buong buhay ko.    Kaya ganon na lang din ang nangyari sakin. Nagbago ang lahat simula sa araw na iyun, nung nalaman kong may sakit na pala ako. Kaya ganon na lamang ang ugali ko ngayon. Malayong malayo sa ugali ko noon. Defense mechanism ko ito para hindi magmukhang mahina sa iba at matabunan ang sikreto ko.    Walang gana akong bumangon at tinungo ang CR para maligo. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na agad ako para mag-breakfast.    "Morning ma," bati ko kay Mama.    "How was the first day of school, sweetheart?" tanong niya habang naghahanda ng mga pagkain sa hapag kainan.    "Okay lang," tango-tango kong sabi.   "Mmm, you sure?" sagot niya habang nagsasandok ng napakaraming kanin at gulay sa plate ko. Ganyan na si mama. Over protective na sakin at napaka-strict when it comes to food dahil kailangan kong maging malusog para hindi na bumalik pa ang sakit ko.    "Yes. More on introducing yourself lang at---"   "Kumanta ka sa harap ng lahat ng tao?" putol nya sa sinabi ko. Nagtatakang tinignan ko naman sya dahil paano niya iyun nalaman.   "I saw the video in the internet."    Hindi ko sya sinagot at mas lalong sumalubong ang kilay ko.    "And guess what? You're viral! Sumikat yung video mo na kumakanta!" pumapalakpak pang dagdag nya at naiwan naman akong nakanganga.    "Ano?!"   "Yes, I'm pretty sure nakahakot ka ng atensyon dahil dito. You will gain a lot of friends. Okay lang naman yan sweetheart, eh, basta don't forget the doctor's precautions----"   "Ma!" saway ko sa kanya at agad namang napawi ang malaki nyang ngiti sa labi.    "What?"    "Nahihibang ka na ba?"    Natigilan sya sandali at pilit na ngumiti. "Why don't you try? This is your second life, Earhart. Wala namang mawawala kung i-enjoy mo di ba?"   "I'm enjoying. Can't you see? I have a beautiful and caring mother and that's you as my bestfriend. Kaya bakit kailangan ko pang magkaroon ng mga kaibigan. I have a shelter. I have my books and stuffs. I have it all, my needs! This is my life and I'm enjoying it!"    "But, that's not what I mean. It's still lacking, sweetheart," sabi niya at tinanong ko naman siya kung ano.    "Teenager's life," usal ni mama na nakatingin diretso sa mata ko. Alam ko ang ibig sabihan nya. Gusto nyang maranasan ko ang normal na buhay bilang isang teenager.    The dramas. Highschool sweethearts. Crushes. Boyfriends. Bestfriends. School. Teachers. The teenage drama.    But I can't take the risks.    I'm afraid to take the risks.    That maybe one day, in the end, I will suffer because of my disease.    "I'm sorry, ma. Hindi ko hahayaang masayang ang 2 taon na treatment sa states pag dumating sa puntong may mangyaring masama sakin. A-Ayoko munang i-attach ang sarili ko sa mga taong hindi ko pa kilala. Kasi pag d-dumating yung oras na aatake yung sakit ko, hindi ko kayang panoorin silang nasasaktan nang d-dahil s-sakin habang nilalabanan a-ang sakit ko."   "Pero---"   "Please," putol ko sa kanya habang nakahawak na sa tinidor at kutsara at nagsimulang kumain. Hindi na sya kumibo pa at nagsimula na ring kumain. Inubos ko kaagad ang kinain ko at pinunasan ang aking bibig at kinuha ang bag sa sofa.    "Aalis na ako," sabi ko kay mama. Kinuha ko ang kamay nya at nagmano. Hinalikan nya naman ako sa noo at bahagyang ngumiti.   "I hope that someday, you'll appreciate the world again sweetheart without any hesitations by a man who knows your worth," makahulugan nyang sabi. Natigilan pa ako sandali tsaka ako tumalikod sa kanya para pumasok sa paaralan.    + + +    Habang naglalakad papunta sa faculty room ay dinig na dinig ko ang bulungan ng mga tao sa gilid ko. Lunch time na ngayon at kamalas malasang ako pa ang nautusan ng teacher namin. Sinabi din kasi nyang nando'n na ang uniform at id ko.    'Hanep, libre lang pala uniform at id nila dito, kaya ganon na lang pala umusok ang tenga nung mamang guard kahapon. Daig pa private eh.'    Marigondon National High School is a public school. Nakakapagtaka kung bakit andaming mayayamang estudyante na nag-aaral dito.    Bakit kaya dito pa nila napiling pumasok instead of private schools kung mapepera naman sila?    "Oh my. Sya yun di ba?"   "Sheez. She's cool!"   "Ano pangalan nya? Diba sya yung kumanta at nag viral?"   "Yes, balita ko wala pa syang kaibigan. Tara lapitan natin! Baka maging sikat din tayo!"   "Gaga! Pektusan ka sana nya sa pagiging famewhore mo!"   Napapailing na lang ako sa kanila at huminto nang matanaw ko ang faculty room. Agad akong kumatok at pumasok. Nakita ko si Ma'am Igar, adviser namin, sa kanyang table habang kausap si Kylie.    "Free ka ba ngayong lunch?" dinig kong tanong ni Ma'am.   "Yes ma'am. Bakit nyo po pala ako pinatawag?"    "Gusto ko sanang ipabili sayo to," sabay abot ng white paper. "Kailangan na kailangan ko kasi eh para sa decoration ng room natin. Malapit lang naman ang Grandmall dito. And you have a car right? Pwede ka ba? Busy kasi ako ngayon," dagdag pa ni Ma'am.    "Excuse me ma'am," sabi ko at lumingon naman silang dalawa. Bahagya pang nanlaki ang mata ni Kylie.    "Oh, yes Ms. Collins?"   "Pinapabigay po ni Ma'am Espina sa'yo," inabot ko sa kanya ang folder na dala ko. "Thank you. May kailangan ka pa ba?" tanong nya habang nakatingin sa laman ng folder.    "Yes."   "Ano yun?" tanong uli nya.    "Yung folder," natigilan naman sya at binigyan ako ng nagtatakang tingin.   "Sa akin yung folder. Yung sheets of papers lang ang sa iyo. Ang dami kasi eh kaya ko inilagay sa folder para hindi ako mahirapan," walang modo kong sagot.    Sa patakaran kasi ng school na 'to ay kailangan mong mag-'Maam or Madam' kung kakausapin mo ang iyong guro.    Nagulat silang dalawa ni Kylie at nanlalaki pa ang mata na nakatingin sa'kin.    Napapahiyang napatungo si Ma'am Igar at ibinigay sakin ang folder. Kinuha ko ito at isinara ang pinto ngunit kamalas-malasang nakalimutan ko na kukunin ko din pala ang uniform at id ko.    "Wait!" dinig kong sigaw ni Kylie. Nasisiguro kong sya 'yun dahil sa boses nyang parang kumakanta.    Tumigil ako sa paglalakad habang nakatalikod pa rin sa kanya.   "Bakit mo ginawa yun?!"    Hindi ko sya sinagot.   "Myghad Aiken! Alam mo ba kung paano mo ipinahiya si Ma'am Igar sa harapan natin? Ano bang problema mo ngayon?"    Hindi ko pa rin sya sinagot at napabuntung-hininga na lang.   "Humarap ka sakin!" nawawalan ng pasensyang sigaw nya at hinablot ang braso ko papaharap sa kanya.    "Oh?"    "Hindi mo ba ako sasagutin?"   "Nanligaw ka ba?"   "What nonsense are you talking about? You're unbelievable."   "May gagawin pa ako. May sasabihin ka pa ba?" paglilihis ko sa topic. Napabuntung-hininga naman sya at iniwas ang paningin.    "Excuse me, mauuna na ako, sabi ko nang di siya sumagot sa'kin.   "Wait---"   "Ano na naman?!" inis kong sigaw sa kanya. Napangiwi siya dahil sa ginawa ko, "Yung uniform at id mo na sakin na. It's on my car."   "Oh, ganon?"   "Samahan mo ako."   "Saan?"   "Sa kotse ko! Malamang! Kukunin natin yun para hindi ka na naman palalayasin ni Sir 'Camz'!"   Napabuntung-hininga ako at sumunod sa kanya. Nakita ko pa syang napailing sa inasta ko.    Pumunta kami sa parking lot. Isa itong basement sa senior high building ng campus kung saan nakaparada ang magagarang sasakyan ng estudyanteng kagaya ni Kylie.    "Pumasok ka muna sa loob," utos ni Kylie habang binubuksan ang compartment ng kanyang kotse.   "Hindi na---"   "Dali na, baka dyan ko nailagay yung kinakailangan mo."   Parang utusan ay sumunod na lang din ako sa kanya para makaalis na pag nakita ko yung uniform at id ko.    "You take me places that tear up my reputation... manipulate my decisions…  there's nothing holding me back…  Oh-O-Ohhh O-Ohhh... There's nothing holding me back."   I almost shrieked.    Biglang may tumunog at may sumilaw na ilaw sa loob ng kanyang kotse.    I think it's her phone.   Madilim sa loob ng kanyang sasakyan kasi tinted ito. Pilit kong nilakihan ang malalaki kong mata at kinapa ang upuan ng sasakyan para makita ang phone. Ang dilim kasi dito at wala rin akong dalang flashlight. Bale gagamitin ko iyun para maliwanagan naman ang sasakyan na to at hanapin ang kailangang hanapin.   'Nasan na ba 'yun?'   Kinuha ko ang kanyang phone at agad natigilan nang makita ko ang pangalan ko sa notifications bar.    You have a new message in Messenger:   Ashton: DEAL, @Earhart Aiken Collins  Ashton: Psst. Ashton: Hoyy, r u there?   "Sino naman tong Ashton na to?" bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganitong klaseng kaba. Bakit pinag-uusapan nila akong dalawa ni Kylie?    'Sana mali ang kutob ko.'   Without knowing, kusang pinindot ng daliri ko ang notification at tinignan ang whole convo.   What kind of girl who's not putting a password on her phone? It's only her. Luck is my side this time.   I gasp the phone when I saw my  name in the messenger. It was me! How dare them gossip behind my back?    'Damn it! Damn it! Damn it! Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang makuha ang atensyon ng ibang tao! Pero sa sitwasyong ito, peste, ano tong ginagawa mo, Kylie?'    Pero nagkakamali ako, they were't talking bad about me. It was Kylie and she used my profile, my identity, my name, and pretend all the way in the internet!    I scroll up kung saan ko makikita ang una nilang chat convo. This is absurd.    •1:09 PM•   Earhart: Hi, since nag-comment ka sa post ko ng Red. Profile me for 3 days.   Seen   Earhart: Ahmmm, ano na?   Seen   Earhart: psst, hoy!   Seen   Earhart: Ayy, seener mo naman..   •9:30 PM•   Earhart: Hi   Ashton: Who the hell are you?   Earhart: Ganern? Hindi nakita ang pangalan ko?   Seen   Earhart: You're lucky.    Seen   Earhart: Kasi nagawa kitang kausapin sa dami ng mga taong may interes sakin.   Seen   Ashton: Sila kausapin mo. Don't me.   Earhart: Did you know?   Earhart: Mukhang hindi mo pala alam.   Earhart: Ako yung nag viral na kumakanta.    Ashton: So?   Earhart: Skl. Hehe   •10:15 PM•   Earhart: Sikat ka din pala. We are mean2be!   Ashton: This is too much! What do you need??   Earhart: Chill. Highblood masyado.   Ashton: K.   Earhart: May judge mint ako dito, gusto mo??   Seen   Earhart: Mukhang hindi mo gusto ang judge mint. V-fresh na lang kaya?   Seen.   Earhart: Ayy, seen na naman.   Ashton: Bullshittt! Can't you stop chatting me?   Earhart: Halah, sorry po. Naabala ba kita masyado?   Ashton: Definitely!   Earhart: Sml?   Earhart: Malapit nang matapos ang araw ohh! Hindi mo pa nagagawa.   Ashton: Abgkylitr mo.   Ashton: Shitsureaang kulit yan!   Earhart: Don't mura me. Bad u!   Ashton: Arghhhhh, Pwede bah?   Earhart: Pwede ba na ano?    Ashton: VOVO ka talaga.   Earhart: Nope, 1'st kaya ako dito sa school namin.   Seen   Earhart: 2 lang kasi kami estudyante. BWAHAHAHAHA! Jk.   Ashton: Your mom! SHUT TF UP PLS!   Earhart: Ohh... baby! I'm falling in love with you more!    Ashton: Tsk.   Earhart: Gawin mo na kasi...   Ashton: Ang ano ba kasi yan?   Earhart: Ikaw pala ang VOVO ehh. Yung post ko. Dahil red ang kinoment mo. Profile me for 3 days!   Ashton: I. AM. NOT. DUMB!   Ashton: Don't mind my comment.   Earhart: Wala ng atrasan tol!   Earhart: Ayaw mo non? Magiging sikat ka pa nang dahil sakin?   Ashton: May girlfriend na ako.   Earhart: Sml? Idgaf.   Ashton: What a w***e!   Earhart: This is your fault. Nag-comment ka na eh. And plus, you look hot. No time for backing out, baby.   Ashton: You're a loquacious b***h. Stop pestering my Messenger. I'm not interested in you! May ginagawa ako miss.   Earhart: Titigil ako pag ginawa mo na yung dare. That's so simple. Why can't you do that?   Seen   •11:15 AM•   Ashton: DEAL, @Earhart Aiken Collins    Ashton: Psst.   Ashton: Hoyy, r u there?   "What the f**k?" naiusal ko na lang sa sarili. Para akong malalagutan ng hininga dahil sa nabasa ko. Hindi ko aakalaing magagawa sakin to ni Kylie!    Nasapo ko na lang ang noo ko due to frustration at pilit na kinalma ang kabuuan ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak pa rin sa phone.   In-on ko ang flashlight ng kanyang phone para makita kaagad ang id at uniform ko, pagkatapos ay inayos ko muna ang sarili ko at lumabas ng sasakyan na para bang wala akong alam at normal lang ang lahat.    'Palalampasin ko muna 'to, Kylie dahil sinabi mo namang titigilan mo na ang pag-chat sa Ashton na yun kapag ginawa na nya ang dare. Eh, mukhang gagawin na nya ang dare ngayon so sana, sana talaga ititigil mo na  pero pag nagkataon na malalaman kong may gagawin ka pang kababalaghan, hinding-hindi kita mapapatawad.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD