bc

13 Days Falling

book_age16+
701
FOLLOW
2.8K
READ
family
brave
sporty
drama
tragedy
childhood crush
enimies to lovers
friendship
illness
like
intro-logo
Blurb

Earhart Aiken suffered an unknowned-illness in which she couldn't go outside during nighttime because of the moonlight. Her life will be at stake if the moonlit hits her bare skin. However, as bold and stubborn as she is, she continued her teenage life taking all the risks.

Ashton Greg also suffered an illness called osteosarcoma, he was once a candidate for cancer kids, but later on months of fighting, he was finally cancer-free until he met a girl, Earhart Aiken, that caused him to open up the scars that was once healed.

Are 13 days enough to fall? How can love take over their sacrifices? Will they survive?

●●●

note: this is my first story so bare with the clícheic scenes and lines. also, i apologize for the grammatical errors and loopholes if you find any in the story.

chap-preview
Free preview
1:|The Sweet Mutation |
- Earhart Aiken's POV' -   Pagkababa ko pa lang ng tricycle ay halos nakatingin na sakin ang lahat ng students. Palibhasa'y may kani-kaniyang kotse sila at hindi nila inaasahan siguro na may mapapadpad na tricycle dito. Hindi ko na lang yun pinansin at agad nagbayad sa driver. Dumiretso ako sa gate habang nakasalpak ang dalawang kamay sa bulsa. Ngunit hinarangan kaagad ako ng guard.    "Pasensya na bata. Nasaan ang id mo? At aba aba." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang lakas ng loob mong magsuot ng ganyan dito? Alam mo namang eskwelahan to! Hindi mall! Bat hindi ka naka-uniform?" bunganga ng guard.   Tumingin ako sa kanya habang nakaturo sa sarili ko at pinasadahan ang suot kong damit.   Denim jacket and Jeans with matching blue nike shoes. Simple pero cool.   First day of my senior class ngayon kaya nagtaka naman ako kung bakit ganito ang iniasta ng guard.    Sa previous school ko kasi ay okay lang mag-civillian kasi unang araw pa lang naman pero iba pala dito.   "Uhm, Sir," tiningnan ko ang platename ng uniporme niya. Sir Camelo Roxas. "Camz! I wasn't oriented about this. I'm new here ---"   "Anak ng---A-Anong Camz! Hindi ka ba marunong magbasa? Sir Camelo Roxas! C-A-M-E-L-O! Camelo hindi Camz!" inis na sigaw niya sakin na nanlaki pa ang butas sa ilong na parang toro.   Maitim siya na pandak at may sunglasses sa kanyang uniporme. Mukhang mainitin ang ulo kaya masarap asarin.    "Eh ano bang paki mo kung tatawagin kita nang gano'n, gusto ko eh, Sir Camz?" pang-aasar ko na may diin pa talaga. Sasagot na sana siya ngunit nagulat na lang kami sa lakas ng busina ng sasakyan.   Nilingon ko ito at nakita ang isang pamilyar na babae na bumaba sa kanyang sasakyan at naglakad papunta samin.    "Hey Sir Camelo. Is there any problem here? Hindi niyo po kasi ako pinagbuksan ng gate."    "Sinisita ko lang ang estudyanteng to ma'am kasi hindi siya naka-uniporme." Tsk, estudyante lang din naman siya, ah? Tinawag niya pang ma'am.    "Hey, why are you calling her, Ma'am? Is she kind of muse here? She's also like me! A student!" inis kong asik sa manong na ito. Ano bang karapatan niya? Guard lang naman siya dito.    "Aba! Pinagtaasan mo ba ako ng boses? Ikaw na bata ka! Bastos!"   "Bastos na kung bastos! Tatay ba kita, manong? Anong paki mo sa attitude ko? Fine, ako na ma-aattitude, okay? Kaya papasukin mo na ako," inis na sigaw ko sa guard at aastang maglakad na papasok pero narinig kong sumigaw ang babae.    "Hey! Turn around!" sigaw niya sa'kin. Isa pa to, eh. Anong kailangan niya sa'kin?    Para wala nang gulo ay sinunod ko ang utos niya. Nagulat pa siya nang makita ako at hindi makapaniwalang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.    "Omayghad! Aiken?" hindi makapaniwalang sabi at napahawak sa kanyang baba.     "Kilala niyo po siya ma'am?" tanong ng guard sa kanya pero walang sumagot. Nagkatinginan lang kami ni Kylie na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sakin.    I shot her a cold glare. "Hi?" yun lang ang nasabi ko.    "Anong ginagawa mo dito?" She said and even gestured her hands at the air. She looks like she have seen a ghost in front of her.    "Uhm, to get educated?" I answered with sarcasm.   Nakita ko siyang natigilan at inayos ang frame ng kanyang salamin. "I mean, anong ginagawa mo dito school ko? Di ba sa STEC ka nag-aaral?" nagtatakang tanong nya. Ako naman ang natigilan pagkarinig ko sa salitang 'STEC'.   "Dito na ako mag-aaral."    "Talaga? Ba't hindi mo sinabi sakin? Edi sana sabay tayong pumasok----"   I cut her off, "Hindi naman tayo ganon ka close para sabihan kita diba?"    Nagpalitan lang kami ng pilit na ngiti at tsaka siya bumaling kay Sir Camz na hindi ko namalayang nandyan pa pala at nakikinig samin.    Anong tingin-tingin mo dyan?   "Uhm, Sir Camelo, she's my relative and as you heard earlier, she's a transferee student. So you won't mind right kung ganyan na muna ang suot niya? It would be embarrassing if you're not going to let her in," nakangiti niyang saad at pinapasok na nga ako ng guard. Si Kylie naman ay bumalik sa kanyang sasakyan para i-park.    Kylie's my first degree cousin sa side ng mama ko. I know she's wondering why I'm here. I can say that we're good in terms of friend but not that close. Hindi ko naman masasabing enemies kami kasi wala akong makitang dahilan para awayin siya. She's too decent and innocent.    "I'm very happy about your decision! Why did you decided to go here instead of your former school?" tanong ni Kylie habang naglalakad. I don't know where are we going. It's a good thing  na nagkita kami ngayon kasi hindi ko alam kung saan ako pupunta sa laki ng paaralan na to.    "I want a new environment and a new challenger."    "You mean, you're no longer challenge in STEC that's why you chose MNHS which is their rivalry school?"    "Sort of," malumanay na sagot ko. Nabigla naman ako sa pagtawa niya. "Teka nga, ikaw ba 'to? Yun lang ang sasabihin mo sa'kin?"    Huminto naman ako sa paglalakad at tiningnan siya na may pagtataka sa mukha. "Ano ba ang dapat kong sabihin?" walang emosyon na sagot ko at nagitla naman siya sa pagiging seryoso ko.    She let out a hysterical laugh because of my reaction. "Uhm, nothing. I'm sorry, I'm just not used to it. You were not like this before. You're kind of serious now," napahiyang sagot niya at bahagyang nakatungo.   Hindi ko siya sinagot at iniwas lang ang tingin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may nagsalita sa speaker ng school.   "Mic test, ehem mic test. Okay students, everyone, calling the attention. Please go to your respective areas as we'll begin our flag ceremony. For those transferee students, please come here in front. Thank you!"   Napalingon kaming dalawa sa biglang nagsalita sa harapan. Hindi ko namalayang nasa gym na pala kami kung saan gaganapin ang flag ceremony. Masasabi kong dito gaganapin ang ceremony dahil sa mga students na nandito na rin at mayroon ding mga boy scouts sa gitna na nagdadala ng flag.    "So I guess magkikita na lang tayo sa susunod? It's nice to be your schoolmate, Aiken. Una na ako ah? Do'n ka na sa stage at pupunta naman ako sa line ko. See you!" Tinanguan ko lang si Kylie at agad pumunta sa stage.    Naiinis ako dahil bakit kailangan pang pumunta sa stage kung saan makakaharap ko ang lahat ng mga tao? Hindi ba pwedeng sa gilid na lang? Tsaka, ano naman kayang gagawin namin don?   Without a choice, sumunod na lang ako at nahihiyang pumunta sa harapan. Halos sampu lang kaming transferee student at binigyan isa-isa ng mga upuan.    Nagsimula na ang flag ceremony ngunit agad akong kinabahan dahil pagkatapos no'n ay siyang pagtawag ng mga new students.    "Newbies? Please come forward," nakangiting sabi ng emcee at sumunod naman kami. Bakas ang excitement ng karamihan na para bang may aasahan silang may magandang mangyayari. Heck, what kind of flag ceremony is this?   "As a way to welcome all of them in Marigondon National High School, they will be introducing themselves. Are you all excited?" Gusto ko sanang tumutol pero hindi ko kaya. Heck, what kind of school is this?   Sumigaw naman ang lahat ng estudyante. May kaniya-kaniyang bulungan pa at yung iba ay parang kinikilig naman habang nakatingin sa mga baguhan na kagaya ko. Tinignan ko ang mga kasama ko at lahat sila ay nakatayo na at nagsimulang maglakad sa unahan kung saan sinabi ng emcee kanina. Kaya naman sumabay na rin ako sa kanila.    "Well, this is a bit different compared to the previous introduction of newbies," dagdag ng emcee.   Nakatingin sya samin at bagkus rin ang excitement niya. And believe me, nanindig lahat ng balahibo ko pagkasabi nya ng different. Holy cow, I don't like attracting so much attention. Not this one, please.    "Something 'different', they will be introducing themselves in a creative way. It's up to them. Kakanta ba sila or sasayaw. Magtutula or so whatever. I guess it's okay with you newbies right?" nakangiti nyang saad at sumang-ayon ang lahat. Wala na akong magawa kundi sumunod. Ako yung bago dito kaya kailangan kong sumang-ayon sa mga ritwal nila.    Ang daming arte ng eskwelahang to! Nakakainis!    - Kylie's POV' -   Nakakunot ang noo ko habang naglalakad papunta sa section A line. Madali lang iyun makita dahil nasa unahan ang mga kaklase at adviser ko.   Hindi ko maiwasang magtaka sa iniasta ng cousin ko kanina. Even though we're not that close, I can say that her attitude is far too different. Habang nakatingin na ako sa kanya ngayon ay nakikita kong ang tahimik na niya. Well, baka kinakabahan lang siguro? Pero imposible 'yun, she can blend and mingle to the crowd like before.    I just shake my thought away and focus on the performances. Nagsimulang magpakilala ang mga kasama niya. May sumayaw, kumanta, tumula, hanggang sa si Aiken na ang nasa harapan.   Siya ang pinakahuling magpapakilala kaya nakaramdam ako ng excitement kung anong gagawin niya! Nakita ko siyang kinausap ang DJ sa may gilid.   Siguro para tingnan kung may minus one ba sa kakantahin niya? O baka sasayaw siya?   Nagsimula ang tono ng isang kilalang kanta. Wait, kailan pa siya natutong kumanta? She hates singing so much. She preferred to dance Korean songs.   I think this song is from the band Pentatonix entitled Hallelujah.    Natawa ako ng bahagya. "Okay ka lang?" tanong ng kaklase ko sa gilid. I shushed him up and say it's nothing. Pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang tumawa ng sobrang lakas dahil sa kanyang piniling kanta. Kailan pa siya naging relihiyoso? She curse too much before, sobrang barkadista din at mahilig sa parties.    "I'd heard there was a secret chord. That David played and it pleased the Lord. But you don't really care for music, do you?"   Everyone gasps and there's a deafening silence when she motioned the microphone and begun singing.    Natigilan ang lahat sa kanya-kaniyang ginagawa dahil sa boses ni Aiken. Maski ako ay nagtaasan ang mga balahibo mula paa hanggang sa anit ko! Kulang ang salitang 'lamig' para ihambing at ma-describe ang kanyang boses.   Yung 'lamig' na akala ko astig pakinggan para lang sa mga lalake na kumakanta. But her voice was too unique and cold, and calm. Mas astig para sa kanya pakinggan dahil mababa ang kanyang boses ngunit masasabi mong babae ang kumakanta.    "Well baby, I've been here before. I've seen this room and I've walked this floor. I used to live alone before I knew ya."   Nakatingin lang ang lahat kay Aiken habang pinagmamasdan syang nakapikit at dinama ang kanta. Wala akong masabi sa boses nya! Ang galing-galing at ang gandang pakinggan na halos ang lahat ay nakikinig. Yung iba ay kumukuha pa ng video. Ang iba naman ay nakita kong umiiyak. Nadala siguro sa kanta. Anong nakakaiyak sa kanta?    'That's my cousin!' Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng iyun pero ayokong sirain ang moment ni Aiken.    Pagkatapos niyang kumanta ay nagpakilala kaagad siya sa kanyang sarili. I know it's just an introduction but she just said her voice and age. I mean, nothing more and less. How could she do that? Given by her astounding performamce, I would've give my **, f******k, snapchat, twitter, tumblr accounts.    Urgh, sayang naman no'n, Aiken! Kung ako sa'yo, kukunin ko na ang oportunidad  para maging sikat sa social media.   Nag-bow siya at bumalik sa pwesto.  Mabilis na natapos ang program at kanya-kanyang buhay na naman. Pumunta ako sa dati kong room at section.    Hindi ko na nakita pa si Aiken pagkatapos ng kanyang performance kasi hinarangan agad siya nang maraming students.    Isang malaking sana all! Sana ganyan din ako, no? Ang dami na agad niyang fans, habang ako naman, hindi pa umabot sa 1000 followers ang ** account ko.    Nagsidatingan na ang lahat ng mga kaklase at teachers ko sa room kaya wala na akong magawa kundi ang makinig na lang. It's not a problem, more on rules and regulations lang ang idinidiscuss ng mga guro.   + + +    "Hi mom!" bati ko kay mommy na nakasandal sa sofa habang nakaharap sa kanyang laptop. Hindi niya siguro ako narinig dahil tutok siya sa kanyang ginagawa kaya pumunta ako sa harapan niya at nakapamewang. Dala ko pa rin ang bag ko galing sa school.    "Mom!" saway ko sa kanya. Medyo mapatili pa sya.   "What? Oh, it's you my baby. How's first day of school?"    "Mom! Hindi na ako baby! Dalaga na ang anak nyo tapos tatawagin nyo pa rin akong baby?!" nakanguso kong sabi. Natawa naman sya at bumalik sa kanyang ginagawa.    "Ano ba yang ginagawa nyo?" tanong ko at tumabi sa kanya habang nagtatanggal ng medyas. Pero agad akong natigilan sa nakita ko sa screen ng laptop nya. Nanood siya ng video ni Aiken na kumakanta sa gym namin.   "I didn't know that she transferred?" nakangiting tanong ni Mom sakin. Hindi ko sya sinagot at sa halip ay kinuha ang laptop sa kanya para tingnan kung tama ba ang nakikita ko.   "Holy s**t. 100k likes already?" hindi makapaniwalang sabi ko habang tinitignan ang video. Aiken was singing in the video and gone viral all throughout in social media!    "Kylie, your mouth," suway ni mommy sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "'Omayghad," tanging naiusal ko na lang.    I almost jump when my mother shakes me. "Kylie!"   "What?!"   "Why are you acting weird? Tinanong kita kung bakit nasa paaralan nyo si Aiken?  What's the matter on the video? Bakit parang natulala ka dyan?" tanong niya.   Sumagot ako sa kanya. "I'm sorry... it's just that, I can't believe her video goes viral, Mom. It's so unbeliavable! Look, 1 million views in just 24 hours? That's record-breaking!"   "So? Makakain ba ang views na 'yan ni Aiken?" taas kilay niyang tanong. Doon ako natigilan, maybe my mom thinks I'm really obssessed with the numbers in the social media. I accept that because that's freaking true.    "Okay, I'll answer your query. Aiken transferred in our school. I asked her why and she answered me that she's no longer challenge in STEC and wants a new environment." Hindi pa rin siya kumbinsido sa sagot ko sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo dala ang laptop, "So, if you'll excuse me, pupunta muna ako sa kwarto ko to make clear things up at tingnan ang video ni Aiken..."   Aangal pa sana si mommy pero hindi ko na sya pinatapos pa. Tumakbo ako sa itaas at pumunta sa aking kwarto at agad kinuha at binuksan ang aking laptop para maglog-in sa sss. Nakita ko kaagad ang video ni Aiken at napatakip sa baba habang binabasa ang mga comments.    Rachel Jane Woolbright: Omsyghashhh! Angelic voice   Gleiza Marie Alfanta: Idooolll Aikennn! Lakas ng powers mo!   Xiyina Butel: Daebakkk!   Ulric Tapia Dadia: Oh my fudge!!! You're so pretty besh   John Tidoso: Hey uploader of the video. Anong sss name nya? Please please please notice my comment! Tnx.   Loading comments   Napatili ako dahil sa nararamdaman, "Omayghad! Omayghad! Ikaw na talaga, Aiken!  Sana all, talaga no? Ikaw na talaga!" sigaw ko sa room habang sinasabunutan ang buhok ko.    Kinuha ko muli ang laptop pagkatapos ng nakakahiyang ginawang pagtili at pagkausap sa sarili.    I search Aiken's name on sss pero nagulat ako ng wala akong nakita. It's either wala siyang sss or iba ang name ng kanyang account, o baka naman chingchong ang name or whatever.   May pumasok na brilliant idea sa utak ko. But the question is, kakayanin ba ng konsensya ko?   'Di bale, sasabihan ko na lang sya… sa tamang oras.'   Naisipan kong gumawa ng sss account ni Aiken. I make an sss account at nag-comment dun sa video na ako 'kuno' si Earhart Aiken Collins, ang kumanta sa video.    'Hindi naman siguro magagalit yun. Baka pasalamatan pa nga ako dahil tinulungan ko siya sa kanyang mga fans.    I uploaded a photo of her and make it her profile pic. Ito yung kuha ko sa kanya galing sa family outing namin noon. I also post a status which is a dare game at nakakatuwa kasi ang daming nag-comment!   Urgh, this is so childish of me! Maybe, I will regret this one in the future.   This is the dare: Red, Violet, Blue, Pink, at marami pa. May mga corresponding dare yun. Ang kailangan lang ay mag-comment ka ng isa sa mga colors at pagkatapos ay gagawin mo ang nakalagay na dare. Malalaman lang ang dare pag nakipagchat na ang nag-post.     "Hays, iba talaga pag sikat. Sana all ganito rin ako. I'm sorry, Aiken. Sasabihin ko naman sa'yo na ginamit ko ang pangalan mo e. Just please, hayaan mo muna akong i-feel ang ganitong klaseng saya!" usal ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa screen at tinatanaw ang notifications na parang binabaha sa dami.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.7K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook