Maagang umalis sa bahay ng tiyo niya itong si Irene. Suot niya pa ang paborito niyang puting dress na binibili niya bilang regalo sa sarili noong nakaraan niyang kaarawan. Ngayon ay mayroon siyang importanteng meeting. Kailangan niyang pumunta sa unang- una na date niya kasama ang mapapangasawa niya.
Hindi pa niya alam ang buong pagkatao ng lalaki ngunit sa ngayon, sapat na sa kan’ya na mukhang maayos naman ang mga nababasa niya tungkol dito online. Kahit na medyo nakakatakot na papakasalan niya ang isang tao na isang search mo lang online ay lilitaw na lahat ng impormasyon. Paano kung bigla nalang na maging ganoon na rin ang pangalan niya? Laking takot lang niya na maungkat ang lahat ng tungkol sa buhay niya. Pumikit nang ilang segundo si Iren upang ilista sa sarili niyang utak ang ukol dito. Kailangan niyang maalala ang lahat ng mga gusto niyang ilapit sa magiging groom. Siguro naman kaya niya na makagawa ng paraan para matulungan siya sa mga kagustuhan niya, ‘yon ang tumatakbo sa isipan niya ngayon.
“Miss Irene, welcome!” as Irene got inside the empty restaurant, she was greeted by the guard in front. Muntikan niyang mahampas ang sarili dahil sa biglaang pagbati na hindi niya inasahan.
“Kilala niyo po ako?” biglaan pa nitong tanong. Ngumiti lang ang guard at itinuro ang lamesa kung saan may isang matipunong lalaki na naghihintay sa kan’ya. “Wow,” ‘yon na lang ang tanging lumabas sa bibig niya bago pa siya naglakad papalapit kay Jae.
“Good morning po- woah!”
Mr. Jae looked up to her so calmly. But when their eyes met, Irene couldn’t stop herself from gasping. She couldn’t take her eyes off of him. Napahawak pa nga siya sa kan’yang pisngi dahil ramdam na niya kaagad na namumula ang mga ito sapagkat mainit ang mukha niya.
“Irene, right?” his eyes are expressionless. He’s as cold as ice, but his brow twitched when Irene started nodding, fast. She pulled her own chair and sat on it with force.
“Opo, sir. Irene po! Wala na pong iba- ay, mayroon naman pong ibang Irene. Pero ako po ‘yong Irene na nasa utak niyo po, opo, ako po ‘yon!”
Dahan- dahan na kumukurba ang ngiti sa mukha ng lalaki, “You’re really energetic huh? I never seen that before. I thought all you know was to pretend you’re fine.”
“Ha?” hindi na naririnig ni Irene ang mga sinasabi nito. Talagang nakatunganga nalang siya sa nakakabighaning kaguwapuhan nitong lalaki. He’s too much. He looks so enticing, “Gusto kong mangagat.”
“A- ano?”
“Ay, sorry po Sir. Medyo minsan kasi kapag nakakagigil- fudge. Ayaw ko na lang po na mag explain. Kasi baka kung ano na naman ang sabihin ko. Ganito lang po talaga ako kapag kinakabahan, ‘wag niyo na lang po akong pansinin masyado. Pasensya na po.”
It took Jaero a couple of seconds before understanding everything that she said. She almost did a rap because of how fast she was talking. Kaya lang, taliwas sa iniisip ni Irene ang nasa utak ni Jaero.
Narito siya, iniisip na baka naiirita na si Jaero sa kan’ya. Ang hindi niya alam ay nagtatawag na ito ng mga Santo para lang mapigilan niya ang sarili niya sa pagtawa. Kasi naman, hindi niya inaasahan na ganito kakulit ang babae na napili niya. Sa bawat pananalita ni Irene ay namimilog ang mga mata niya, kapag nahihiya siya, bigla niya nalang na kakagatin ang ibabang bahagi ng labi niya upang pigilan ang sirli sa pagsasalita. Kapag alam naiilang siya dahil sa ganitong katahimikan, bahagya siyang tumitingin sa ibaba hanggang sa parang nakapikit na siya at pasimpleng sisilipin ang ekspresyon ng lalaki. Kaya lang hindi naman inaalis ni Jaero ang tingin sa kan’ya kaya naman manlalaki muli ang mga mata niya.
“So, alam mo naman na kung bakit tayo nagkikita ngayon, ‘di ba?”
Irene nodded with a slight pout, “Tungkol sa kasal po,” for the first time, she said that very seriously.
Jaero pulled out a folder from the chair beside him and slid it across the table, “Dahil binigay mo sa akin ang mga files mo, I think it is fair that I show you who I am through these. Puwede mong pag aralan bago ka tuluyan na pumayag sa kasunduan ng kasal. I think you deserve to think about this more after you read my info.”
Irene gave him a faint smile, “Sir-”
“Jae, please call me Jae.”
“Sir Jae,” he laughed. “Nabasa ko na po ang mga nakasulat tungkol sa in’yo online. Mayroon pong mga nagsabi roon ng mga yaman nin’yo. Kung ano po ang mga pagmamay- ari niyong building, mga branch, nakakalula nga po eh.”
“Oh, I didn’t think about that. Of course, you saw my information online. But in that, you may see more personal info about me. Kung ano ang mga pinag- aralan ko, kung ano ang ginagawa ko sa tuwing walang pasok sa opisina-”
“Golfing at fishing? Marami po kayong fans club. Alam ko na rin po halos mga ‘yon, ‘wag niyo na pong alalahanin ‘yan, alam ko rin po na medyo strict kayo lalo na sa trabaho. Don’t worry, madali naman po akong makaintindi, hindi po ako magiging sagabal sa kahit na ano, maniwala po kayo. ”
“I didn’t know that such page exist- that’s… wow, that’s something, alright.”
“Sorry po, hindi ko po sinasadya na basahin ang mga ‘yon. Gusto ko lang po sana na mas makilala kayo.”
“Irene, seryoso ka ba talaga sa pagpayag dito sa kasal? Kasi sinasabi ko na ngayon pa lang, this is not the same thing as you might have seen on weird dramas or books, this is the real deal. Talagang gusto ko ng bride, ng mapapangasawa. I plan to be married and have a family of my own. Hindi ito contract marriage or hindi tayo maghihiwalay pagtapos ng isang taon. Hindi mangyayari na bigla nalang tayong maghihiwalay, handa ka ba sa responsibilidad na kasunod nito-”
“Opo. Sa totoo lang po, wala sa plano ko na magpakasal nang ganito kaaga. Pero dahil kayo na po mismo ang nag alok, sa tingin ko po ay tama lang na pumayag ako. Tutal ay magiging malaking tulong din po sa akin ito. Hindi naman po sa yaman lang ang habol ko, pero kailangan ko talaga ng tao na makakatulong sa akin na tumakas mula rito.”
“Mula saan?”
“Mula sa sarili kong buhay. Kaya niyo po ba ‘yon?”
“Kung magpapakasal ka sa akin, syempre ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo. Kahit na ano pa ‘yan, sabihin mo lang sa akin at gagawin ko ang makakaya ko para lang matulungan ka. If you want to continue your studies, I will support you. I will let you chose which school, even.”
“Hindi ko na po kailangan na lumipat, kailangan ko lang pong masigurado na kapag po nagpakasal ako sa inyo, hindi ko na po kailangan na bumalik sa bahay ng tito ko. Kung maging misis niyo nga po ako, nagmamakaawa po ako na huwag niyo po akong I-divorce habang hindi pa po kulubot ang balat ko. Magkaroon man po kayo ng ibang babae-”
“I wont,” he immediately answered. “I don’t have time for relationships. All I want is a woman and a family that I can introduce to my grandpa. That’s what I need.”
“Kailangan ko po na ikasal bago ako maging twenty- one.”
“What?”
“Two months, kailangan ko po na ikasal within two months. Puwede po ba ‘yon?”
“Are you serious?” he asked.
Irene nodded, “Please po, kung itutuloy natin. Kailangan ko po na ikasal kaagad.”
“Next week, how does that sound?”
Nakangiti na inabot ni Irene ang kamay niya upang makipagkamay, “Deal,” she said.
Jae shook her hand, “Well then, nice meeting you, my future wife.”