|CHAPTER FORTY| IT'S Ashton's birthday! Isang buwan na ang lumipas at sa loob ng isang buwan na 'yon ay naging masaya ang buhay namin. Kahit na nawala si Blythe at pumayapa na dahil lumala lang ang sakit nito sa loob lang ng isang buwan. Alam namin na masakit para kay Zach pero kinaya naman niya. Kinaya namin. Sa isang five star hotel magaganap ang party para kay Ashton. Nandito ako kasama ang mga bata para personal tignan ang mga designs ng paligid. Ayokong pumalpak ang birthday party na ito. "I'm so excited!" Tili ni Ashleigh habang tumutulong sa pagpapalobo ng mga balloons para sa party mamaya. Gusto niya kasi ng balloons kaya pinagbigyan namin kahit matanda na si Ashton at ang weird naman kung may pa balloons pa. Pero dahil sa kagustuhan ng anak namin, wala na kaming magagawa. Ash

