|CHAPTER THIRTY NINE| HINDI maalis sa isipan ko ang tungkol sa pagkaka-ospital ni Blythe dahil sa sakit nitong lung cancer. Hindi ko rin in-expect na mangyayari sa kaniya 'to. The-almost-perfect Blythe is now suffering? Oo galit ako sa kaniya na to the point na gusto kong magdusa siya. Pero hindi ko aakalain na ito ang kabayaran ng lahat nang kasamaan niyang ginawa. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may yumakap sa'kin mula sa likuran. Nagtutupi kasi ako ng mga damit namin. Nakatira kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Ashton. Ayaw pa sana ni Ashton dahil may condo naman siya para matirhan naming apat. Pero hindi nagpapigil ang mga magulang niya at talagang pinilit kaming magstay dito ng two weeks. Gabi na at tulog na sina Zach at Ashleigh sa sarili nitong mga kwarto. Kaagad nak

