|CHAPTER THIRTY EIGHT| HINDI ako makagalaw. Hindi ako makaimik pagkatapos ng mga sinabi niya. Totoo ba ang lahat ng narinig ko? He's not married to Blythe and Zach is not his child! Ito ba ang sinasabi ni Ashton na truth? Para akong naginhawaan matapos malaman at marinig ang lahat nang 'yon. Para akong nabunutan ng mga tinik sa dibdib. Malugod kong sinuklian ang iginawad niyang halik saakin. Napakapit ako sa batok niya nang mas naging mapusok ang halik nito. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa aking bewang. Patuloy kami sa ginagawa nang ilang minuto lang ay may biglang tumikhim sa harap namin. Pareho kaming napahiwalay at kaagad na bumalatay ang inis sa mukha ni Ashton. Binalingan ko ang tumikhim at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang mga 'yon. It's Ashton's paren

