Chapter 29: The Miracle Pagkalabas sa kanilang bahay ay agad na binati ng may kalamigang simoy ng hangin ang mag-inang Vladimir. Araw ngayon ng Sabado at dahil wala silang scheduled ROTC drill ngayon-- sapagkat pahinga raw nila ito pagkatapos ng foundation week celebration-- si Lance ay sasamahin ang ina at kambal na pumunta sa doctor nito para magpakonsulta. Wala namang nararamdamang kakaiba si Sance para pumunta ito sa doctor. Truth be told, wala nga siyang may nararamdang hindi pangkaraniwang magsasabi sa kanilang umaataki na naman ang bronchopneumonia niya. Ipapakonsulta nila si Sance sa doctor sa kadahilanang gusto nilang malinawan kung papaganda na ba ang kalagayan nito, o pwede pa ring maminsala ang karamdaman ni Sance at any time. Nang makalabas na sila sa perimetro ng

