Chapter 28: And The Most Popular Booth Is… Natapos na ang pangyayari kung saan naging buena manong confessor si Adrian sa kanilang booth. Sa pagkagulat ng magkakabarkada, doon na rin nagsimulang dumugin ng mga tao ang Confession of Feelings. Ang mga taong ito ay gusto ring magkumpisal ng nararamdaman sa natitipuan. Agad na na-overwhelmed ang apat sa napakaraming bilang ng tao. Kaya naman, nag-usap ang mga ito sa loob ng booth. Ang kanilang topiko ay kung paano kontrolin ang mas lumalaki pang madla. “Hindi ko expected na ganito karami agad ang gustong pumasok.Tingnan n’yo lagpas na sila sa bente. Paano na ‘to?” tanong ni Adrian sa mga kasama. “Hindi naman dapat natin paalisin ang iba dahil one at a time lang ang kayang ma-accommodate ng booth,” ani ni Wilde. “Paano kaya

