Chapter 5: The Restroom Encounters
Dahil sa parang concert ng isang sikat na banda sa rami ng tao ang main canteen ng BSU tuwing tanghali, nang matapos na sa pagkain sina Denise, Adrian, at Lance, ay agad nang nagdesisyon ang tatlo na tumayo sa kinauupuan nila upang bigyan ng puwesto ang ibang kakain pa lamang. Dala-dala ang mga pinagkainan, dumaan sila sa pila ng mga nagsisiksikang estudyante upang masapit ang isang sulok kung saan nakaimbak ang mga gamit nang dinning apparatus.
“So, saan tayo?” agad na tanong ni Adrian sa mga kaklase nang makalabas na sila sa mataong canteen.
“Ewan ko,” tugon ni Lance sabay tingin sa relo niya. “Mayroon pa tayong isa at kalahating oras para sa alas dos nating klase. Ikaw, Denise, saan ka ba naglalagi kapag vacant natin?”
Habang tinitingnan ang nagsasalitang binata ay may napansin si Denise sa mukha nito. Kaya bago sumagot ay sinenyasan niya muna si Lance na may naiwang pagkain sa kaliwang sulok ng labi nito. Agad namang na-gets ni Lance kung ano ang ipinapahiwatig ng dalaga at mabilis na inalis ang pudpod ng fried chicken na kinain niya. At nang malinis na ang mukha ng binata ay nagsalita na si Denise, “Dependi. Kung minsan ay dumidiretso na ako sa classroom natin at doon ay nanonood na lang ng movies sa cellphone. Ngunit kung minsan ay pumupunta pa ako sa library at nagbabasa.”
“Sa library?” nakaangat ang kilay ni Lance na kinumpurma ang narinig sa dalaga.
“Oi, grabe ka Lance. Mabababa lang ang mga grades ko, pero marunong akong magbasa.”
Si Adrian ay agad na napatawa sa sinabi ni Denise. Sa patuloy na pagtitig ng dalaga sa pinakamatalinong kaklase, nakita nito kung paanong unti-unting gumihit ang ngiti sa dulo ng labi ng binata. Masayang nagsalita si Lance, “Hindi naman sa ganoon. Don’t get met wrong, Den, si Adrian kasi bigla na lang tumawa at nahawa na ako. But seriously, pumupunta ka sa library? How come na hindi tayo nagkikita roon?”
“Hay naku, Lance. Tinatanong pa ba iyan? Siyempre ang paliwanag diyan ay magkakaiba ang interes natin pagdating sa mga libro. Ikaw mahilig sa mga Academics, e ako? Minsan nga fiction ay hindi ko pa napapatapos.”
Kapwa napatawa ang tatlo.
“So mukhang alam ko na ang pupuntahan natin,” sa gitna ng pagtawa niya ay nagsalita si Adrian.
Parehong napatango sa pagsang-ayon sina Denise at Lance. Kaya, mula sa canteen ay sinimulan na ng tatlo na tunguhin ang library. Dahil sa parang rising star na ng paaralan si Lance-- sapagkat isang buwan pa lamang itong estudyante ng institution ngunit parami na ng parami ang nakakikila sa kanya-- hindi maiwasan ng tatlo na mapatigil from time to time para hintaying matapos ang pakikipag-usap ni Lance sa mga kakilala nito. Ang iba sa mga ito ay batid nilang may matataas na koneksyon sa paaralan.
At 12:50, sa wakas narating na rin ng tatlo ang library, pagkapasok nila sa loob ay agad silang binati ng malamig na atmospera na nangagaling sa mga aircon na nakalagay sa iba’t ibang dako. Gaya ng inaasahan ng tatlo ay papalabas na ang karamihan sa mga estudyante dahil sa may mga klase na ang mga ito pagkasapit ng ala-una.
But just as Denise is about to run her ID in the swiping machine for her to validate she’s inside the library, ang kanina niya pa iniindang body discomfort ay tila hindi na ito mapipigilan ngayon.
“O, bakit?” agad na tanong ni Lance nang makitang nagdadalawang isip pa si Denise kung I-swa-swipe ang ID nito o hindi.
“Naiihi ako,” diretsong wika ng dalaga. “Actually, kanina pa ito. Maghanap na lang muna kayo ng magandang uupuan natin. Magba-banyo muna ako.”
Nang tumango ang binata ay agad nang lumabas si Denise sa library at tinungo ang pinakamalapit na toilet na alam niya. Makalipas ang ilang sandali ay narating na niya ang isang ladies’ restroom at walang pag-aalilangang pinasok iyon. Walang kamalay-malay ang dalaga na may matutunghayan siyang pangyayari doon.
Kahit naiihi na talaga ay pinili ng dalaga na gamitin ang pinakadulo na cubicle kaysa ang pinakamalapit sa entrada ng restroom. Nakapasok na siya sa piniling cubicle nang may narinig si Denise na parang kalabog. Dahil sa baka hindi lang natantiya ng pumasok na mahinang puwersa lang ang kailangan para masara ang pinto, kaya pinanatag ng dalaga ang loob na wala lang iyong napakinggan niya. Hindi big deal kumbaga. Nanatiling nasa loob ng cubicle, ngunit nang may nagsalitang isang napakapamilyar na tinig ay nagtaka na si Denise.
It is becoming louder and at the same time noisier.
“Kung sino man ang nadiriyan, lumabas na kayo rito sa banyo,” sabi ni Jane na isa-isang kinakatok ang pintuan ng mga cubicle hanggang sa masapit na nito ang pinakahuli. Sa kabilang banda, si Denise naman ay nanatili lang tahimik. For some reason ay bigla na lang nawala ang urge niyang umihi. Sa isip niya ay napapatanong siya: ano ang pinagsasabi ng kaklase niya? Bakit niya pinapalabas ang mga tao sa banyo?
“Mukhang wala namang tao, Bestie.” At nandirito rin ang parating kasama ni Jane na kaklase rin nilang si Georgina. Patuloy na nakikinig, napapakunot na lang ng noo si Denise dahil hindi talaga niya gets ang mga sinasalita nito.
“Hay, huwag kang pakampanti, Bestie. Mahirap na kung may makaakto sa gagawin ko sa hampas lupang ito.”
Nang may nagsalita pang isang babae, doon na nakumpirma ni Denise na may kasama pang iba sina Jane at Georgina. “Miss Fitzgerald, maawa na po kayo sa akin. Wala po akong kasalanan.”
Bukod sa dalawang kaklase, parang nakikilala rin ni Denise kung sino itong nagmamakaawa kay Jane.
“At ngayon nagdadahilan ka pa, a?” Mula sa loob ng pinakadulong cubicle ay nakarinig si Denise ng parang may sinampal si Jane. Pagkatapos, “Georgina, buksan mo ang lahat ng mga pinto sa cubicle.”
“Masusunod, Bestie,” agad na tugon ng kaibigan nito at ngayo’y sinimulan nang buksan isa-isa ang walong magkahilirang cubicle. Kahit na walang kaba kung makikita man siya ni Georgina na nakikinig sa mangyayari, ang ideyang ano kaya ang gagawin ng dalawang kaklase kapag nakita siya ng mga ito ay ang mas nagpapainteres sa kanya.
Nang mabuksan na ni Georgina ang ikapitong cubicle ay inihanda na ni Denise ang sarili. Sa kabilang banda ay patuloy niya pa ring naririnig ang isa pang kaklase na nagmamkaawa kay Jane sa isang hindi tukoy na dahilan. “Parang awa n’yo na po, Miss Fitzgerald.”
“Shut up, Cassandra!”
At nang unti-unting binuksan ni Georgina ang pinakahuling cubicle at nagtama ang tingin nilang dalawa ni Denise, laking gulat ng dalaga ng agad ding isinara ni Georgina ang pinto ng cubicle na parang hindi lang nito nakita si Denise na nakaupo roon at nakikinig. Nagtaka sa nangyari, ngunit ang mas ikinaguguluhan ng isip ni Denise ay kung bakit ganito ang narinig niya: “Bestie, walang ibang tao rito maliban na lang sa atin na magkaklase.”
“Mabuti,” tanging sabi ni Jane at marahan itong napatawa. “Naka-lock na ba ang pinto?” tanong ni Jane na itinutukoy ang pintuan papasok sa ladies’ restroom.
“Oo, Bestie,” tipid na tugon ni Georgina.
“Then let’s begin.” Pagkatapos na marinig iyon ni Denise ay biglang naging tahimik ang buong restroom. Nagtataka kung ano ang ipinapahiwatig ni Jane nang sabihin niya ang ‘let’s begin’, nang biglang narinig ni Denise na umiiyak ang kaklase nitong si Cassandra-- na parang namimilipit sa sakit-- doon niya pa lang napagtagpo-tagpo ang iilan sa mga detalye. Kasama na roon kung bakit nangyayari itong p*******t ng dalawang kaklase kay Sandra.
“Alam mo namang magkaaway na kami ni Denise habang nag-pa-flag ceremony pa lang tayo,’di ba? Mang-aagaw kasi siya. Ngunit ano ang ginawa mo? Bakit mo pa rin siya kinakausap nang nasa room na tayo?”
Parang natigilan sa Denise nang marinig ang pangalan niyang ibinulalas ni Jane. Tila wala talaga itong kamalay-malay na nasa malapit lang siya at nakikinig.
“Pasensya na talaga, Miss. Hindi ko alam na magkagalit na kayo.”
At napapikit na lang si Denise nang marinig muli ang isang tunog ng malutong na sampal.
“Walang patawad-patawad dito, Cassandra. Alam mo ba na ang pangunahing dahilan kung bakit ka nag-aaral sa paaralan ng pamilya ko ay para bantayan ako? Kaya, kung may kaaway ako ay dapat ikaw ang unang makaaalam niyon.”
Nanlaki ang mga mata ni Denise nang marinig ang sinabi ng kaklase niya. Sa isip niya ay napapatanong na siya kung tama ba ang narinig niya: Totoo bang pamilya ni Jane ang may ari nitong paaralan? At ano itong narinig niyang nag-aaral lang si Cassandra sa BSU para bantayan si Jane?
“Parang awa n’yo na po, Miss. Huwag n’yong i-forfeit ang scholarship ko. Bigay iyon sa akin ng lola mo. Makakaasa kayong hindi ko na kakausapin ang mang-aagaw na iyon.”
“Talaga?” tanging tugon ni Jane na kung hindi lang siguro nagtatago si Denise sa pinakahuling cubicle ay makukumpirma niyang nakahalukipkip na kasalukuyan ang kaklase niyang maldita.
“Opo. Opo, miss. Makakaasa kayo,” puno ng pagsusumangong tugon ni Cassandra.
“Okay. Kapalit ng hindi pag-uusap sa gagang Denise na iyon at pananatiling tikom ang bibig mo na pamilya ko talaga ang may-ari nitong BSU, ay sige, sa ngayon ay hindi ko muna hihilingin kay lola na paalisin ka sa paaralang ito.” Isang katahimikan muna ang dumaan bago may narinig muli si Denise. Si Jane pa rin itong nagsalita. “And by the way, Cassandra. Alam mo ba ang nangyari sa Algebra professor natin kanina?”
“Ano?” matamlay na tanong nito.
“Ayon at nag-iimpake na sa mga kalat niya paalis sa paaralang ito.”
Muling natigilan si Denise sa narinig kay Jane. Matahimik na napatanong ang dalaga sa sarili. Sinesante na ang Algebra teacher nila?
“And that is the cost of shaming my bestfriend in front of our whole class,” sinabi ni Gerogina ang pinakadahilan kung bakit iyon nangyari.
“So, kung ako sa iyo, Cassandra, piliin mo nang mabuti ang mga kinakaibigan mo. It might be hanggang next day ka na lang sa paaralan na ito.”
“Opo. Opo, Miss. Ngayon ay mas mapili na ako.”
“Ata girl.” Jane hummed before proceeding, “Cassandra, can you give me the names of the people you should not befriend?”
“Yes, oo naman, Miss. The first one is Phenelope Salvador. This girl always thinks she’s the most gorgeous in the whole first year. Miss Fitzgerald and I hate her because we cannot kick her out of the school because of family ties.”
“That girl! Hopefully, before she graduates that ties will be broken. For from there, I will let her taste the exact opposite of gorgeousness. And that is, ugliness!”
Pagkatapos niyon ay tumawa si Jane.
Pagpapatuloy ni Cassandra, “The second is James Bourbon. He is the head editor of the school publication. Miss Fitzgerald and I hate her because he knows the little secret of miss Fitzgerald. He knows that Jane and the owner of the university are grandmothers. And as much as Miss Fitzgerald wanted to kick him out, he has that ace up on his sleeve making him protected by it.”
“Ang lalaking iyon, kakainis! Gustuhin ko mang magpakunwaring isang ordinaryong mag-aaral lang sa paaralan ito--upang alamin kung sino ang mga nagiging masama sa akin at i-ki-kick out ang mga ito paalis sa BSU-- ay hindi ko magawa. Ang mga tingin niya ay kakikitaan mo ng galit kapag nakatingin sa akin. Kanya-kanyang trip kaya ito? Bakit siya magaglit sa akin?”
“Hindi ko po alam,” may mahinang tinig na tugon ni Cassandra.
“Hindi kita tinatanong. Okay, sino pa?”
“Recently today ay may dumagdag sa listahan.”
“Ah, that girl. Sige, simulan mo na.”
Nananatiling nasa loob ng cubicle si Denise. Alam niya na siya ang tinutukoy ni Jane. Tatlong beses niya lang naman kasi ginalit ang kakalase kanina. Una ay nangyari nang matapos ang flag ceremony nila kung saan ay nakita sila ni Jane na magkasama ni Lance. Pangalawa ay naganap nang nasa loob na sila ng classroom kung saan ay inihatid pa siya ng binata hanggang sa makarating at makaupo sa fifth row. At ang pangatlo at ang matindi ay ang ipinakain talaga ni Denise kay Jane ang mga sinabi nitong masasakit na linyada by answering correctly on the blackboard.
“Ang ikatlo ay si Denise Frendon. Siya ang pinakabobo sa ating magkaklase.”
Agad na nasaktan si Denise nang marinig ang sinabi ni Cassandra. Totoo at napakapersonal kasi iyon sa kanya.
“Oh, ‘bobo’: nice choice of words” nagalak sa napakinggan na wika ni Jane. “Mas lalong naging kaaya-ayang pakinggan ng salita kung siya ang tinutukoy nito. Ang bobong si Denise.”
Kahit na nagdaramdam na sa naririnig sa kaklase, mas pumam-ibabaw sa pag-iisip ni Denise ang nakakatakot na tawa ni Jane. Kung siya ang problema ay ang pagkabobo lang, mas higit na malala ang problema ng kaklase niya. Napakaitim pala ng totoong personalidad nito.
“Akala namin ay happy go lucky lang ang kaklase naming si Denise. So jubilant even though her grades were at their lowest. But that changed kanina nang mapagtanto ni Miss Fitzgerald na nagkakagusto na sa kanya si Lance Vladimir. Matagal nang may pagtingin si Miss Jane kay Lance. Bukod kasi sa matalino ito ay napakagwapo rin nito.”
“Yeah right. That squared-jaw boy has been my crush ever since nakita ko siya. Oh my, from there, I’m also dreaming to be his wife. Missis Jane Fitzgerald Vladimir. And our child, we’ll name his or her ‘Jance’. And the three of us will live happily ever after!”
Napahalakhak sunod si Jane.
“Bestie, tatlong minuto na lang at mag-aala una y midya na,” nagsalita si Georgina dahilan para matigil sa pagtawa si Jane. Nananatiling nasa loob ng cubicle si Denise. Tila natigilan ito nang marinig ang kasalukuyang oras. 1:27 p.m. na. Para kumpirmahin kung tama ang narinig ay napatingin ang dalaga sa wristwatch niya. Gaya ng sinabi ni Georgina ay parehong reading ang nakuha niya sa relo.
“Shut up, Bestie! So what kung ma-le-late ako? Subukan lang akong pagalitan ng teacher natin at agad na matutulad siya sa nangyari kay Sir Algebra.” Bahagyang tumahimik ang lahat na ipinagtaka naman ni Denise. Then, “Kaya, Cassandra, kung ako sa iyo ay sundin mo lang ang mga inihahabilin ko at magiging okay tayo. Talaga. Iwasan mo lang ang mga binanggit mong pangalan kanina, at hindi ka magkakaproblema sa pag-aaral mo. Hinding-hindi ka mag-go-goodbye Engineer Adelaide.”
“Promise po talaga, Miss Fitzgerald. Makakaasa kang hindi ko talaga kakausapin ang mga binanggit kong pangalan.”
“Though, alam kong mahihirapan ka sapagkat ang isa sa mga iyon ay kaklase pa natin. Nonetheless, I hope you can do it until graduation.”
“Yes. Yes, Miss Jane. I can do it.”
“Wait, Bestie,” si Gerogina. “Hanggang graduation? Wala kang balak na i-kick out siya?”
“Georgina, ano akala mo sa akin? Bobo kagaya ni Denise? Although I can kick her out at any time I want, hindi ko gagawin iyon.”
“Bakit?” may naguguluhang tono na tugon ni Georgina.
“Dahil kung gagawin ko iyon ay malalaman at malalaman ni Papa Lance na ako ang gumawa niyon. Tiyak magkikimkim siya ng sama ng loob sa akin. And as the future Missis Vladimir, hindi ko papayagang mangyari iyon. Remember, I am dreaming of a happily ever after family para hayaang mangyari lang ang ganoon.”
“Oh, I haven’t think of it. You have a point, Bestie. So smart.”
Georgina then clapped her hands.
“Ako pa,” Jane said then laughed. “ And I think we are done here. Ngayon, ayusin mo na ang sarili mo, Cassandra. Sabay na tayong papasok sa room natin.”
Nanatiling nasa loob ng pinakahuling cubicle si Denise. Napabuga na lamang siya ng isang napakalalim na hininga nang marinig na tumunog ang pintuan papasok sa restroom. Nakalabas na ang tatlo.
Kahit na pwedeng nang lumabas sa pinaglagiang cubicle, naglaan pa si Denise ng ilang minuto sa loob at napaisip sa mga nangyari. Matahimik niyang kinausap ang sarili: “So Jane is the granddaughter of the owner of this university. Kung mangyari mang mahihirapan akong bawiin ang mga mabababang marka, mukhang mahihirapan din akong mapasaakin si Lance.”
Nang sumapit ang 1:35 p.m. ay nagdesisyon na ang dalaga na lumabas sa restroom upang tunguhin ang library. Tiyak na nagtataka na sina Adrian at Lance at bakit natagalan siya sa pagbalik. Nangangalahati na siya sa nilalakad nang napansinng nag-ba-vibrate ang cellphone niya. May tumatawag. Patuloy na naglalakad papuntang library, dinukot ni Denise ang cellphone para alamin kung sino itong tumatawag. Agad na nag-flash sa screen ang pangalan ng tumatawag. Si Adrian.
Patuloy na naglalakad ay sinagot niya ito, “Hello, Ad?”
“Nise, nasaan ka na?”
“Ito pabalik na sa library.”
“Huwag na.” Agad na umangat ang kilay ni Denise sa narinig. Tanong ng dalaga, “Ano?”
“Naglalakad na kami pabalik sa room natin para sa alas dos na klase. Doon ka na lang dumiretso.”
“Ah ganoon ba… sige,” malumanay na pagsang-ayon ni Denise. Agad nang natapos ang pag-call ng kaibigan.
Nilandas niya ang hallway at saktong nakasabayan ng dalaga sina Jane, Georgina, at Cassandra kung saan ang panghuli ay tila hindi lang nakikita si Denise na nasa gilid nito.
“Hey, Denise,” bati kaagad ni Jane nang mapansin ang presensya ng dalaga.
“Hey, too, Jane,” agad na tugon ni Denise at patuloy lang sa paglalakad. Sa isip niya ay may dinagdag siya sa sinabi, “Spoiled Brat Fitzgerald.”