Chapter 6: Their Chemistry Test
Matapos ang nangyari sa loob ng restroom, ang natitirang araw ng Lunes ay naging ordinaryo na lang kay Denise. Ilang minuto bago sumapit ang alas dos ay narating na ng dalaga ang classroom nila para sa panghapong klase. Nagkaroon sila ng maikling pag-uusap nina Lance at Adrian tungkol sa dahilan at bakit hindi na siya nakabalik pa sa library. Sinagot naman iyon ng dalaga ngunit may halong pagsisinungaling nga lang. Something has suggested Denise to be selective on what she’ll be saying kahit na kayang-kaya na niyang ibunyag ang buong katotohanan tungkol sa malditang kaklase.
Georgina, the best friend of Jane, has let her eavesdropped the whole conversation. Denise didn’t know why she did that. Tanong nito sa sarili ay ano ang rason ni Georgina para hayaan lang siyang nagtatago at nakikinig sa pag-uusap nila?
Nang sumapit ang 2:07 p.m. ay pumasok na ang kanilang teacher. Agad itong nag-check ng attendance. “Cassandra Adelaide,” unang banggit nito. Nang marinig iyon ay agad na napadako ang mga mata ni Denise sa kaklase niyang maligayang tumugon ng “Present” sa guro. Sa isip ni Denise ay nagsisimula na siyang maawa kay Cassandra. Sino ba naman kasi ang hindi? Literal na iniinda talaga ng babae ang lahat ng pasakit na idinudulot ni Jane-- na kaklase niya pa mismo-- para makapag-aral lamang.
Iba rin talaga kapag may malaki kang pangarap. Hindi lang sa para sarili, pati na rin sa pamilya. Lahat ay lalampasan mo talaga dahil determinado ka.
Pagkatapos ng klase ay agad nang nagpaalam si Denise sa kanila ni Lance at Adrian na uuwi na. Mag-aaral pa kasi siya para sa test nila bukas ng umaga. General Chemistry ang subject na ito at sinabihan sila ng guro noong nakaraang meeting na may test sila sa susunod na pagkikita. Having already got two zeroes for two consecutive weeks, ang pinakananais ng dalaga ay hindi na iyon masundan pa ng ikatlong zero, o any number na mas mababa sa five.
Ang grading system kasi ng paaralan nila ay hindi katulad sa ibang unibersidad na kung hindi 100 ang pinakamataas na grado ay 1 ang iginagawad para sa mga matatalino. Sa BSU kasi ay 0 to 10 ang pagbibigay ng grado para sa mga estudyante. Ang equivalent ng 10 dito ay 100 o perpek. Ang 0 nama’y kapag hindi na talaga pumapasok ang estudyante sa klase nito. Ang 5 naman na itinutukoy ni Denise ay ito na ang passing rate na equivalent sa 75, o ang gradong pasang-awa na.
Kahit na anong gusto ng dalaga na magbabad sa mga social media sites para maging updated sa mga nangyayari sa mundo ng internet ay pinigilan na niya ang sarili. Mas ipinokus niya ang atensyon sa pag-aaral para may isasagot siya sa bawat tanong na ibibigay ng teacher nila. Sa kagalakan ni Denise ay hindi nakapag-chat si Lance sa kanya. Marahil ayaw na nitong gambalain ang dalaga. At 12:30 ng madaling araw ay bagsak na si Denise sa kama. Dahil sa antok ay hindi na muna nailigpit ng dalaga ang mga notebooks niya. Kinaumagahan ay ginising na lamang siya ng alarm clock para maghanda sa panibagong araw ng klase.
Bumaba ang dalaga kwarto niya at agad na tinungo ang kusina para mag-almusal. Pagdating niya roon ay walang taong may nagpakita sa kanya, bagay na nasanay na rin siya. Ngunit may pagkain nang nakahanda sa hapag. Kaysa hintayin pa ang mga magulang at mga kuya niya para sabay silang mag-umagahan, nagdesisyon na lang si Denise na kumain kahit mag-isa.
Dumaan ang kalahating oras at ngayon ay tinuntungo na ni Denise ang sasakyan na maghahtid sa kanya sa paaralan. Binati siya ni manong Armand ng magandang umaga na agad ding binalikan ng dalaga ng parehong bati. Ang buong byahe nila ay napuno ng mga hindi partikular na pag-uusap.
Gaya ng kinaugalian ay ibinaba ni Manong Armand si Denise malapit sa main gate ng paaralan at agad nang nagpapaalam. Alam na rin naman ng driver ang schedule ng dalaga kung kailan ang labas nito bawat hapon. Kung mayroon mang magiging adjustment ay parating nasa banda iyon ni Denise. Minsan kasi ay extended ang klase nila dahil sa iniiwanan na lang sila ng teacher nila ng mga gawain. Kung kailan lang nila matatapos ang mga ito ay doon lang sila makakuwi…
Nakaalis na si Manong Armand nang biglang may tumakip sa mga mata ng dalaga. Bagaman nagulat, hindi nag-panic si Denise. Nasa mataong lugar siya kaya malamang kakilala lang niya ito. Ngunit, sino?
Dalawang malapad na kamay na kahit may katigasan ang mga palad ay magaang nakalapat lamang sa mukha ng dalaga. Malakas ang hinala niyang lalaki ito na pinagtitripan siya. Langhap niya rin ang perfume nitong tsokolate. Ngunit sa lahat ng mga lalaking kakilala niya, sino ito?
“Sino ka?” kalmadong tanong ni Denise.
“Secret,” napangiti na lang si Denise nang makilala agad ang tinig ng lalaki. Matahimik na napawika ang dalaga sa sarili. Ang mokong na ‘to, iniba pa talaga ang tinig. Akala niya effective.
“Maka-secret ka riyan. Patagalin mo pa ang pagtakip sa mga mata ko. Baka mamilipit ka riyan sa sakit kapag siniko na kita sa tiyan.” Kahit na nakikilala na ng dalaga na si Lance Vladimir ang tumatakip sa mga mata niya, nagpakunwari ang dalaga na hindi niya alam kung sino ang taong ito.
Nananatiling nakalapat ang mga kamay ng binata sa mukha ng dalaga.
“Edi try, mo.” Pagkatapos ay humalakhak si Lance na iba pa rin ang tinig. “Sikuhin mo ako.”
“Ah talaga lang ah?” nagsusupladang tugon ni Denise ngunit nananatiling nakangiti pa rin.
“Oo, talaga lang,” mapaghamong tugon ni Lance at ipinagpatuloy ang paghalakhak.
Dahil sa narinig ay hindi na nag-alangang sumiko si Denise. Ngunit ang inaasahan niyang magugulat ang binata sa ginawa niya, tila kabaligtaran ang nangyari nang ikinagulat ni Denise kung saan na lumapat ang siko niya. May masayang tinig na nagsalita si Lance, “Oh, matigas ba?”
Natigilan ang dalaga sa narinig. Naramdaman na lang nito sunod ang biglang pag-akyat ng temperatura sa ulo niya. Kung nakikita niya lang ngayon ang sarili sa salamin ay makukompirma ng dalaga na namumula na siya. Ang dahilan: ang siko niya kasi ay nasa mapandesal na tiyan ng lalaking pinakamatalino sa section nila…
“Hey, guys!” sigaw ng isang tao mula sa hindi kalayuan. Dahil sa narinig ay unti-unting naramdaman ni Denise ang pag-aliwalas ng mukha niya. Inalis na kasi ni Lance ang mga kamay niya rito. Minulat ng dalaga ang mga mata at napaharap sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig.
Nakita nila ang isang tao na nakangisi habang pinupuntahan sila. Si Adrian. Ngunit habang nasa kaklase lamang ang tingin, may napansin si Denise. Isa, dalawa, tatlo… At nang pinalibot ng dalaga ang paningin sa paligid, dito niya pa lang napagtanto na marami ang nakatingin sa banda nila ni Lance. Dahil sa ngayon lang ulit nakakita, hindi alam ng dalaga kung gaano na katagal ang mga taong ito na nakamasid sa kanila ng kaklase. Ang iba ay itinututok pa ang mga camera sa dalawa na ewan lang ni Denise kung pinipikyuran ba sila o binibidyuhan. But considering na sikat si Lance sa buong unibersidad-- kahit na picture pa o video ang kinukuha nila-- what had happened will be a scene if posted online. Sa isip niya: kung si Lance ay walang pakialam kung may nakatingin sa kanila habang tinatakpan nito ang mukha niya, puwes siya ay mayroon.
“Good morning, Ad!” sabay na bati ni Denise at Lance nang tuluyan na silang malapitan ng kaklase.
“Hoy, kayong dalawa. Ang aga pa nga lang, marami na kayong pinakikilig.”
Pagkatapos na magsalita ni Adrian ay ikiniling nito ang ulo sa kaliwa at kanan. Ipinapakita ang mga grupo ng tao na hanggang ngayon ay sa kanila pa rin nakatingin.
Humalukipkip muna si Denise bago nagsalita, “Si Lance kasi, e. Ano naman ang pumasok sa isip mo at tinatakpan-takpan mo ang mga mata ko?”
Nanatiling nakangiti, tila walang pagsisisi ang binata sa ginawa. “Hayaan mo sila,” confident na tugon nito.
“Eh paano kapag naisipan ng mga iyan na mag-post sa internet?” nakaangat ang kanang kilay ng dalaga nang tumanong ito.
“Edi mag-post sila. Karapatan nila ‘yon. Freedom of expression kumbaga.”
Nanlumo na lang ang dalaga sa narinig. Ipaglalaban niya pa ba ang punto niya sa binata? Kung ganito katalino ang kaharap mo ay tiyak hindi na lang. Nagkaroon pa muna ng ilang pag-uusap ang tatlo bago napagdesisyunan na pumasok sa paaralan. Apat na minuto ang nilaan nila sa paglalakad at narating na nila ang classroom para sa General Chemistry. Ang laboratory na pinasok ng dalaga kahapon ay doon naman sila nag-e-experiment tuwing laboratory hours nila.
Pumasok sila sa silid at agad na inukopa ang kani-kanilang mga upuan. Gaya ng sa Algebra, si Denise ay nasa likod pa rin at si Lance ay nanatiling nasa harap.
Kahit na kinakabahan sapagkat nagdududa pa rin si Denise sa sarili kung makakakuha ba siya ng pasadong marka ngayong test nila, inisip na lang ng dalaga ang inilaan niyang panahon sa pag-aaral kagabi. Sa isip niya ay sana huwag iyon masayang at mapunta lang sa wala.
Lumipas ang panahon sa paghihintay ng buong klase sa pagdating ng guro at sa wakas nangyari na ito. Agad niyang ibinigay ang instruction na dapat short bond paper lang at calculator ang mayroon sa upuan nila; no erasures at dapat capital letters ang isulat. Three significant figures dapat ang answer and only start when he told everybody to. ‘Not following instruction will be treated as wrong answer’ ang panghuling habilin nito.
Mahigpit na nakahawak si Denise ballpen niya. Hinintay nito na maibigay sa kanya ang test paper. Set E siya. It means na ang katabi niya sa kaliwa at kanan, unahan at likod ay either set A to D. Napakahirap talagang kumopya sa mga ganitong tests. Kaya nga kung gusto mong makapasa ay mag-aaral ka talaga.
At nang matapos nang ibigay ng professor ang mga test paper ay muling nagsalita ito, “Okay, class, your one hour and 30 minutes starts now.”
Umupo sunod ang professor nila sa upuang bakante na malapit kay Denise
Agad na binasa ni Denise ang pang-unang tanong sa test paper. Nagulat at natuwa ang dalaga dahil sa natatandaan niya kung paano kunin ang hihingi sa pang-unang tanong. Mukhang makakabawi na siya sa mga mababang marka sa subject na ito, ah?
Agad niyang natapos na sagutan ang unang tanong at dumiretso sunod sa ikalawa. Ngunit unang basa niya rito ay agad na kumunot ang noo niya. Hindi niya kasi naiintindihan ang tanong. Ngunit nang binasa niya ulit ang question-- sa kagalakan niya-- ay alam na rin niya kung paano kunin iyon. Magalak na sinimulan ng dalaga ang pag-solve sa hinihingi ng second question. Kahit na mahirap, makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin niya ang pagsagot sa ikalawang tanong. Ngayon ay dumako naman ang dalaga sa ikatlong tanong. Napaisip siya kung paano kukunin ang ni-re-require sa third question. Dahil doon, hindi niya namalayan na napatingala siya. Sa kisame ay may nakita siyang dalawang butiki na naghahabulan. Sa pananatili ng paningin niya roon, ang gilid ng mata niya ay may nakitang tumayo sa banda kung saan nakaupo si Lance.
At hindi nga nagkakamali si Denise nang kumpirmahin kung sino ang tumayo. Tapos na si Lance. Ang layo talaga ng agwat niya sa pinakamatalinong kaklase. Kung si Lance parati ang nauunang mag-pass ng papel tuwing may test sila, siya naman ang either pinakahuli or pangalawa sa pinakahuli na magpasa.
“At nauna na naman si Lance,” sabi ng teacher nila. Sa kabilang banda si Lance naman ay kinuha ang bag niya at nagbalak nang lumabas. Rule na kasi sa kanila na kapag tapos ka na sa test ay huwag ka nang manatili sa loob ng classroom. Hawak-hawak ang cellphone, pinigilan muna ng guro si Lance na lumabas sa silid. “Sandali lang, Mister Vladimir, may itatanong lang ako sa’yo.”
Dahil sa hindi pangkaraniwang sinabi ng teacher sa pinakamatalinong kaklase, karamihan sa mga kaklase nila ay napatingin sa dako kung nasaan ang teacher nila.
“Ano po iyon, Sir?” nagtatakang tanong ng binata habang nilalapitan ang teacher.
“Sino itong babae?” tanong ng teacher nila sabay pakita ng cellphone kay Lance. Si Denise naman, kahit na muling ibinalik ang tingin sa test paper, ang pag-iisip niya ay wala sa pokus. Nahahati kasi ang atensyon niya sa pagsagot sa ikatlong tanong at sa kagustuhang malaman kung ano ang ipinapakita ng teacher nila sa binata. She has the feeling that she’s involved sa kung ano man ang ipinapakita ng guro kay Lance.
“Ah si Denise po iyan.” At hindi nga nagkamali ang dalaga sa hinala nito.
“Sinong Denise?” mula sa pagkakayuko ay agad na iniangat ng dalaga ang ulo nang marinig nito ang tanong ng General Chemistry professor nila. Kahit bahagyang nagdamdam sa narinig, ipinalagay na lang ng dalaga na baka nakikilala lang ng guro nila ang mga estudyante nito basi sa mga family names nila. Kung magkagayon ay dapat na Miss Frendon ang isinagot ni Lance sa tanong ng professor nila.
“Si Denise Frendon po, Sir. Ang--”
But their professor quickly intersected, “Is she your girlfriend?”
Natigilan ang dalaga sa narinig. Ngunit ganoon pa man ay nagawang ilipat ni Denise ang mga mata nito mula sa professor nila papunta kay Lance. Ang binata ay nakangiting nakatutok ang paningin sa dakong kinauupuan ni Denise. Nagkunwaring nag-iisip lamang, muling ibinalik ni Denise ang pansin sa test paper niya. Sa isip niya ay hindi talaga siya makapag-concentrate sa sinasagutan dahil gusto niya pang makinig.
“Hindi, Sir. Well, hindi pa, Sir.” Tugon ng binata sa guro. Kahit na nagpapakunwaring sinasagutan ang papel, parang natunaw ang dalaga sa mga pailang-ilang tingin ng mga kaklase sa kanya. Ngayon ay distracted na siyang tuluyan: kahit na tanong ay hindi na niyang magawang basahin nang tuwid.
Para sa kaalaman ng lahat, si Denise ay nananatiling nasa number 3 pa lamang. Ang test paper ay may sampung tanong.
“Hindi pa?” Kung nakatingin lang siguro ang dalaga sa professor nila ay malamang makukumpirma niyang nakaangat ang isa sa mga kilay nito. “So, may binabalak ka?”
“Actually, Sir, matagal na po.” Kahit na alam na ni Denise na may gusto sa kanya ang binata-- sa tuwing si Lance talaga ang nagpapakita ng motibo na may gusto siya sa dalaga-- parang nasisiyahang nagugulat si Denise sa mga kaparaanan nito.
“I don’t know how long it was when you said ‘matagal na po’. But since it is natural for men to have an attraction toward women, as your teacher, it is also the extent of my duty to give some personal advice to my student about love.”
Continuing writing on her paper-- though with absent mind-- Denise has been defeated by distraction. Now, all of her interest were being thrown at the two people having a conversation about this tiny thing called ‘love’.
“Okay, Sir, I will gladly listen to it,” tugon ng binata. “Hopefully it will help me in making any decision later in life.” Paminsan-minsan ay sa kanya nakatingin ang binata.
“Every teacher in this university is foreseeing you, Lance, to be the topnotcher in the upcoming board exam five years from now. But be careful in choosing a girl that will accompany you to your successes. It might be her that will make you ‘expire’ rather than ‘inspire’.”
“Yes, Sir. Actually, I’ve already thought about it. And truth be told, since the start of my journey as a first-year in this school, aside from my family, she’s also one of the people who inspires me.”
“Then that is good. Admirable. But, still, take every step with caution. Is this ‘Denise’ the girl in this video is also an excellent student of this university like you?”
“No, Sir,’ walang pag-aalinlangang sagot ng binata sa professor. Then, “Funny it is that I am attracted to those typical headed girl. That struggles in Math.”
At nang matapos na sabihin iyon ni Lance, nakumpirma ni Denise na karamihan na sa mga klase ay nakikinig na rin sa pag-uusap ng dalawa. Bilang reaksyon ang iba ay nagpalitan pa ng tingin.
“Jane, narinig mo iyon?” agad na tanong ni Georgina sa kaibigan na apo ng may-ari ng paaralan. Dahil sa nagpapanggap na nakapokus ang tingin sa papel niya, hindi alam kung ni Denise kung ano ang naging tugon ni Jane Fitzgerald sa sinabi ng best friend nito.
“Then I think, I will trespass in that preference of yours. Think of this as my act of rudeness, but I can say that this is for the better. Did you know that the probability of intelligent people getting their successes together with their un-intelligent partner is so small, so small that when you’ve checked ten thousand answer sheets you will only get one that is perfect?”
“Then, maybe it is me from the ten thousand of people, sir.”
“I can’t tell.”
Natapos na ang test nila ngunit tatlo lang sa sampung katanungan ang nasagutan ni Denise. Ang number 3 ay hindi pa iyon sigurado. Napapaisip siya sa pag-uusap nina Lance at ng professor nila. Kalaunan ay napagtanto nito na ikakasama lang ng binata kung magiging silang dalawa.
Sa araw ng Huwebes kung kailan nagyaya si Lance na mag-date sila ni Denise, doon na niya i-ba-busted ang binata. Mabuti pang maaga ay nalinaw na niyang wala siyang nararamdaman dito. Though alam niya na sa gagawing ito ay magsisinungaling siya.
Simula noong ibununyag ng binata na may gusto siya kay Denise sa ama nito, doon ay unti-unti na ring nakakaramdam ng sipa ng partikular na damdamin na nagdadalawang isip ang dalaga kung ito ba ang pangalang nito: “Love”?