APPLE POV: NAKASAKAY na kami sa car na si kuya John ang nagda—drive papunta sa company namin sa Kyusi. Nakaupo ako sa back seat habang kasama si kuya Dustin sa likod. “Hey, donʼt be nervous. Hindi naman kumakain ng maganda ang investors natin. Act normal kapag kaharap mo na sila mamaya.” Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon. “So, tanggap mong maganda talaga ang kapatid mo?” Nakangiting tanong ko sa kanya. “Of course, youʼre pretty, Apple, dahil gwapo ako. Kung sasabihin kitang panget, meaning panget din ako? Weʼre siblings.” Napaisip ako sa sinabi niya. May point siya. “What if ayaw nila sa akin, kuya Dustin? Lalo naʼt wala akong business course na background sa pag—aaral ko. Education ang kinuha ko, may mathematics naman iyon pero hindi sapat katulad ng pinag—aralan niyo

