APPLE POV: NATAPOS na akong ipakilala sa mga investors namin, lahat sila ay nagustuhan ako at inaasahan ang magandang pamamalakad ko sa Selling Department. Lahat ay nagustuhan ko rin dahil sobrang bait din nila, except kay Mr. Zimmerman na kamukha ni daddy Zam, na nakakatakot. Natatakot talaga ako sa kanya dahil mga mata niyang naniningkit at sobrang lamig na tingin, kaya hindi ako makatitig sa kanya nang mabuti. “Dad? Ganoʼn ba talaga si Mr. Zimmerman na tumingin? Nakakatakot,” sabi ko kay dad. Pababa na kami sa second floor kung nasaan ang Selling Department, ang department na i—ha—handle ko. “Huwag kang kabahan kay Zeron, anak. Ganoʼn lamang talaga siya tumitig, kaya ang daming umiiwas sa isang iyon pero heʼs nice. Base kanina sa pag—uusapan niyo kanina, nagustuhan ka niya.” Napang

