Calix Pov.
Narating ni Calix ang sapa nang walang ibang iniisip kundi ang nangyari kanina sa bahay nila wala naman s'yang masamang ginawa sa kanyang ina kung bakit ganoon s'ya nito itrato. Kung bakit parang hindi s'ya anak nito kung ituring? Kung bakit ganon s'ya pakitunguhan ng sarili n'yang ina? Kahit sa kabila ng pagiging mabuti nitong anak sa kanila. Walang bisyo, deretso ng bahay pagkatapos ng klase. Hindi lubos maisip ni Calix kung bakit ganon ang kanyang ina.
Hindi na napigilan ni Calix ang kanina pa nagbabadyang mga luha. Mga luhang sumabay pa sa pagtulo ng ulan. Nakikipag-unahan sa pag-agos at mas lalo siyang nahihirapan at nasasaktan.
Patuloy lamang sa pagbuhos ang malakas na ulan at ngayon ay basang basa na ang buong katawan ni Calix. Makaraan ang ilang saglit biglang may humarang sa mga patak ng ulang bumabagsak sa kanyang ulo. Kaya mas lalong nangibabaw ang mga luhang umaagos sa mukha ni Calix.
"Calix?" Nagugulumihanang tawag ni Jacob hindi alam kung nagtataka o ano ang tono ng salita. Nang humarap naman si Calix kay Jacob ay bumungad sa kanya ang mukha ni Jacob na nagtataka at parang nagtatanong na kung bakit s'ya nagpapaulan.
"Calix anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagpapaulan? Hindi kaba papasok ng school?" Sunod sunod na tanong ni Jacob kay Calix
Ilang minutong hindi nakapagsalita si Calix basta lang ito nakatingin kay Jacob hindi rin kase maintindihan kung bakit nandirito sya at wala sa school hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ilang saglit pa ay parang bumalik ako sa realisasyon agad kong pinahid ang mga luha sa mata at ngumiti sa kaharap kahit kita sa mga mata ko sobra akong umiyak.
"Huh? Ah hehe wala naisipan kolang. Papasok ako may tiningnan lang ako nag-ulan kase nabasa yung tambayan ko rito hehe," ngumiti ng ripid si Calix at tumawa ng pilit sabay turo sa kinatatayuan nilang dalawa. Hindi na muling nagsalita o nagtanong si Jacob kung ano ang nangyari kase mukang naunawaan agad nitong hindi naman magsasabi ng problema o ng nararamdaman si Calix isa pa hindi naman sila ganoon ka close.
"Ano nga pala ginagawa mo rito?" Tanong ni Calix.
"Nakita kase kitang tumatakbo kaya sinundan kita. Teka papasok kaba ng school?" Sagot at tanong muli ni Jacob.
"Ah yun ba hehe may tiningnan nga lamang ako hehe. Tsaka papasok ako ang totoo nga eh pabalik na ako ng bahay hehe," pagtawa ni Calix upang hindi ipakita kay Jacob kung ano ang tunay nitong nararamdaman nang mga oras nayon.
"Gusto mo samahan na kita pauwi ng bahay n'yo kase naulan pa oh baka magkasakit ka kapag nagpatuloy ka pang magpaulan." Pag-aalok nito.
Tango lang itinugon ni Calix at naglakad na sila papunta ng bahay. Pagdating naman nila roon ay wala ng ibang tao. Marahil ay umalis na ang kanyang ama at nagsawa na sa kabubunganga ng kanyang ina. Wala din naman ang kanyang ina baka nasa kapit bahay nanaman ito at nakikipag-numan.
"Pasensya kana sa bahay namin huh hehe makalat pa. Gusto mo samahan na kitang mag hintay muna ng masasakyang trycicle papunta ng school. Kase baka matagalan ako dahil maliligo pa ako." Pag-aalok nito kay Jacob.
"Hindi na sabay nalang tayo," tipid na sagot ni Jacob at may kasamang ngiti.
"Wala kabang ibang gagawin sa school diba SSC ka baka may meeting kayo o may gagawin baka mahuli ka?" Tanong muli nito kay Jacob.
"Wala naman hehe tinapos ko na rin kahapon yung mga dapat ko pang ipapasa kaya okay lang na hintayin na kita," muling sagot nito kay Calix.
Matapos iyon ay naghanda na paliligo si Calix samantala, naghintay naman si Jacob sa labas hanggang sa matapos ang paliligo ni Calix at sabay na silang pumunta ng school.
"Calix bakit ang init mo may lagnat kaba? Ang init mo oh inaapoy kana ng lagnat," tanong ni Rhea sa pinsan magkasama na sila ngayon sa klase ng third subject. Ang totoo'y masama na ang pakiramdam ni Calix dahil siguro naulanan siya kaninang umaga.
" Naulanan kase ako kanina hindi ko naman alam na magkakasakit ako." Sagot nito sa kan'yang pinsan mukang nag-aalala na rin kase ito kaya sinabi na niya na hindi siya okay.
"Gusto mo ba na dalahin muna kita sa clinic? Ipagpapaalam nalang kita kay Ma'am Grace ako na bahalang magsabi." Mungkahi nito sa pisan.
"Salamat Cous huh" tumayo na si Calix at inalalayan naman ito ni Rhea hanggang sa makarating ng clinic ng school.
"D'yan ka na lamang muna Calix huh balikan nalang kita rito mamaya after class. Okay!" Bilin nito.
"Sige," tipid na sagot nito hindi rin siya masyadong makapagsalita dahil sa sobrang sama ng kaniyang pakiramdam.
Pagkatapos noon ay umalis na rin agad ito at bumalik ng classroom naiwang mag-isa si Calix sa loob ng clinic. Kinuhaan na rin siya ng temperature at pinainom ng gamot ng nurse at pinagpahinga muna.
Nakaramdam ng lamig si Calix kaya ikinumot niya ng ibinigay sa kaniyang kumot ng school nurse.
" Calix... Calix..." Pagtawag sa kanya ng hindi pamilyar na tao. Kaya tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa kaniya at naupo.
" Sino ka? " Tanong nito sa kausap ngunit hindi parin malinaw ang mukha nito.
"Sumunod ka sa akin para makilala mo ako," sagot naman nito agad tumayo si Calix at sumunod sa dito nagtataka rin siya kung bakit okay na siya eh kaiinom lamang niya ng gamot at nasa clinic lamang siya kanina.
Nakarating sila sa loob ng classroom at itinuro nito ang bag ni Calix kaya agad na kinuha ni Calix ang kaniyang bag tsaka binuksan ito at inilabas ang mga laman.
"Ako yan diba?" Tanong nito kay Calix sabay turo sa sketch pad.
Agad namang tiningnan ni Calix ang sketch na itinuturo nito at pareho nga ito kung ano ang nasa sketch ito rin ang hulma at itsura ng taong kaharap niya. Kaso lamang malabo ang mukha nito.
"Sino ka? Anong pangalan mo?" Naguguluhang tanong ko nito sa kausap.
"Ako nga pala si..." Biglang naglaho ito na parang bula kinain ng kadiliman ang kanina lamang ay kausap niya.
"Calix... Calix... Gising binabangungot ka," pagmulat nito ng kaniyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang pinsan n'ya na si Rhea na sobrang nag-aalala sa kan'ya. Pawis pawisan na rin si Calix na kanina lamang ay nangangaligkig sa lamig.
"Anong nangyari?" Tanong niya kay Rhea. Nagpalinga-linga pa siya sa kaliwa't kanan baka makita n'ya muli yung lalaking nakita n'ya sa kan'yang panaginip.
"Binabangungot ka Cous ikaw kase kung ano-ano binabasa mo 'yan tuloy kung ano-ano ang napapanaginipan mo tsaka sabi ng nurse wag ka na rin daw magpalipas ng pagkain kaya ka nagkakasakit." Sermon nanaman nito.
"Oo hehe salamat Cous huh," sabay ngiti ng pilit para ipakitang medyo okay na s'ya.
"Tara sabay na tayong umuwi pero bago yun daan muna tayo sa canteen kain muna tayo nagugutom na ako eh hahaha," dugtong pa nito.
"Ang siba mo talaga Bebang hahaha," kantyaw nito sa kan'yang pinsan. Hindi na ganun kasama ang pakiramdam niya hindi katulad kaninang halos mamamatay na siya sa sobrang sama ng pakiramdam. Nakakaya na rin niyang maglakad ng malayo med'yo nahihilo na lamang siya.
Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa canteen tulad ng sabi at gusto ni Rhea kumain muna sila.
"Calix bakit nga pala biglang nilagnat ka? Mali pala bakit biglang nagpaulan ka kanina? May nangyari na naman ba sa bahay n'yo? Hindi ka na sa akin nagsasabi ng nangyayari sayo?" Namumualang tanong ni Rhea sa kan'ya.
" Nag-away na naman kase ang nanay at tatay," sabay subo nito ng kinakain.
"Oh? Wala namang bago lagi namang nag-aaway ang tiya at tiyo bakit naman bigla kang nagpaulan? affected?" Pambubully pa nito
" Lunukin mo nga muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita para ka talagang hindi babae" pag-iiba nito ng usapan.
"Oh ay ano nga ang nangyari 'di na lamang sagutin ang tanong ko sige ka pang reklamo," subo ng subo habang nagsasalita si Rhea.
" Sinampal nanaman ako ng inay, marunong na raw kase akong sumagot sa kan'ya. Eh ang sabi ko lang naman eh ang aga-aga nag-aaway agad sila may mali ba don?" Paliwanag nito
" Dapat nga na tumakbo ka na lamang sa ulanan hehe joke 'yan talagang nanay mo lagi na lamang gan'yan kung hindi ka babatuhin sasampalin ka naman hindi ka ba n'ya anak? Wala ka namang ginawang masama sa kan'ya, hayaan mo nalang insan" natawa nalang si Calix sa sinabi ng pinsan.
"Pabago-bago ang tawag mo sa akin 'di ko na alam kung ano gagayahin ko kung Cous ba o Insan o bebang nalang?" Tanong n'ya muli sa pinsan wala kasing kaigihan.
" Nahihirapan kase akong tawagin kang Cous o Cousin 'di na man tayo mayaman kaya Insan na lamang hehehe," napatawang muli si Calix sa sinabi ng pinsan minsan talaga gusto n'yang laging kasama ang pinsan n'ya isa kase sya sa nakatatanggal ng problemang nararandaman ni Calix.
Ipinagpatuloy lamang ng dalawa ang pagkain padalawang order na si Rhea samantalang si Calix ay bago pa lamang paubos ang una nilang order. Mag didismissal na ng klase paniguradong magdaratingan na ang mga estudyante bago kase mag-uwian ay marami pa rin ang pumupunta muna ng canteen bago umuwi.
Pumasok sa pinto ng canteen ang grupo ng mga kababaihan derederetso ang mga ito sa dulong banda canteen. Sumunod naman ay may tatlong kalalakihan at nagtatawanan ang mga ito at gaya ng mga babae ay sa kabilang dulo naman ito pumunta.
Sumunod na pumasok ang mga SSC nag kukwentuhan ang mga ito sunod sunod sila at may kani-kaniyang kausap at usapan. Nahuhuli naman si Jacob sa kanilang lahat. Napatingin ito sa gawi nina Calix at napansin nito nag nakatingin ito sa kan'ya ngumiti lang ito sa kay Calix at tinugunan rin naman ito ni Calix ng ngiti. Direderetso ang mga ito hanggang sa gitnang bahagi ng canteen malapit sa counter at malapit lanang din sa kanila.
Muli itong bumaling ng tingin sa dako kina Calix at nag sign ng thumbs up ibig sabihin kung okay lang daw ba ito nag tunghay naman ng ulo si Calix sabay ngiti tugon nito sa kan'ya senyales ayus lang siya.
"Huy! Insan sinung kasenyasan mo d'yan huh? Ikaw huh! " Nagulat si Calix dahil sa pinsan niya at may kasama pa itong pagpisil sa tagiliran n'ya.
"Wala tara na nga napaka chismosa mo talaga." Tumayo na sila at isinukbit ang kanilang bag at umalis na sa canteen.
"Teka, hindi pa ubos yung sakin wait lang last na," isinubo pa nito ang natitirang lugaw sa kanyang mangkok bago tuluyang sumunod kay Calix.
Pagkagaling nila sa canteen ay deretso uwi na sila. Pagkadating ni Calix sa bahay may luto na may nakahain na rin na pagkain sa mesa. Ang kaniyang nanay naman ay nasa likuran at naglalaba samatalang si Caly naman ay nasa kalapit nito at naglalaro ang kan'yang itay naman wala pa rin. Tiyak na bukas ng umaga magigisnan na naman ni calix na nag-aaway ang mga ito.
"Kung ganoon ang mangyayari, hindi na lamang ako makikialam baka masaktan na naman ako ni inay." Bulong niya sa sarili.
Sumubo siya ng ilang subo ng kanin at pagkatapos ng ilang minuto ay uminom muli ng gamot tsaka dumeretso na ng kwarto at nagpahinga. Kailangan niyang gumaling wala rin namang ibang mag-aalaga sa kaya kundi sarili lamang din niya. Pagkapasok niya ng kwarto ay deresto na ito sa katre at nahiga na hindi na niya namalayang nakatuloy na siya.