Nagising si Calix sa ingay ng sigawan ng nanay at tatay n'ya sumabay pa ang iyak ni Caly at tahol ng mga aso sa labas ng bahay pati ang malakas na buhos ng ulan. Huwebes ng umaga ngunit parang kahapon lang din ang nangyayari nagising s'ya sa pagtatalo ng kaniyang nanay at tatay pati na ang palahaw ng kaniyang nakababatang kapatid. Nanatili muna si Calix nang limang minutong nakahiga lang sa kaniyang katre, nakatitig sa kawalan mamaya pa rin namang alas dyes ang una n'yang klase, ala sais pa lang ng umaga kaya hindi n'ya muna pinapansin ang oras.
Pagkaraan ng ilang minutong pagkakatilig bumangon na s'ya at dumeretso sa labas ng kwarto bumungad sa kaniya ang kaniyang inay na masama ang tingin at tsaka ang kaniyang itay na wala namang pakialam sa kaniya at maging sa kapatid n'yang iyak nang iyak.
"Inay,itay tama na ho iyan nakakahiya sa mga kapit-bahay." Wika ni Calix sa kaniyang nanay at tatay na umagang-umaga ay nag-aaway agad, walang umagang hindi mo mabubungarang hindi nag-aaway ang dalawang ‘yan.
"’Yang ama mo ang pagsabihan mo, lagi na lamang ganyan," sagot ng inay ni Calix sa kanya, tiningnan naman ni Calix ang kanyang itay, wala pa ring pakialam parang walang naririnig sa mga sinasabi ng kaniyang inay o sadyang nabingi na ito sa araw-araw na pagbubunga-nga ng kaniyang inay.
"Inay pareho lang naman po kayo ng itay, halos araw-araw na po kayo nag-aaway.” Dumeretso ng kusina si Calix at nagsalin ng tubig sa baso ngunit paglingon nya muli sa kaniyang nanay at tatay ay nakatikim agad s'ya ng malanit lanit na sampal mula sa kaniyang inay, samantalang ang kanilang itay naman ay walang pakialam sa kung ano man ang gawin ng kanilang inay kung saktan man s'ya o sampalin o paluin.
"'Yan ba? 'Yan ba ang natututunan mo sa pag-aaral mo ang sumagot sa magulang mo? Lumalaki kang walang galang wala kang kwenta kayo ng ama mo wala kayong kwenta," sumbat na naman ng kaniyang inay. Napahawak na lamang si Calix sa pisnge n'yang namumula dahil sa sampal ng kaniyang inay, hindi pa ni Calix maramdaman ang sakit nito dahil nangingimi pa rin ito hanggang ngayon.
"Simula ng ipinanganak kita wala ng mabuting nangyari sa akin napaka malas mo. Sana hindi na lang kita ipinanganak." Dagdag pa ng kanyang inay.
" Ano po bang ginawa ko sa inyo inay? Wala naman po di ba ang sa akin lang naman po ang aga aga nag-aaway na naman kayo ng tatay." Mahinahon kong sagot kay Inay.
"Aba't sumasagot ka pa talaga huh." Nang akmang sasampalin na naman si Calix ng kaniyang inay ay pinigilan na ito ng kaniyang itay 'di rin yata natiis na sinasaktan si Calix sa harapan n'ya.
"Tama na 'yan," wika ng kaniyang itay iyon lamang ang nasabi nito, umalis ng bahay si Calix kahit na sobrang lakas ng ulan. Tumakbo ito sa may sapa malapit sa kanilang bahay kung saan lagi s'yang pumupunta kapag nag-aaway ang kaniyang inay at itay ang kaibahan lang ngayon ay sobrang lakas ng ulan.
Jacob Pov.
"Dito na ako salamat sa pag sabay, ingat ka." Wika ni Calix ngumiti lamang si Jacob kay Calix pagkatapos ay sumakay na ito ng trycicle kahit malapit na ang bahay nila rito. Baka kase makita s'ya ng mama n'ya na naglalakad ay magalitan pa s'ya.
Pagkarating ng bahay nila ay agad itong pumasok, bumungad naman sa kaniya ang kaniyang mama na nakangiti at sinalubong nito si Jacob ng yakap. Nag-iisang anak si Jacob hindi na sya nasundan dahil namatay na ang kaniyang tatay noong limang taon pa lamang s'ya dahil sa sakit sa puso.
"Anak bakit pawis na pawis ka naka trycicle ka naman ah?" Tanong ng kaniyang mama, hindi kase napunasan ni Jacob ang mga pawis sa mukha n'ya kaya nag dahilan na lamang ito.
"Ang init po kase sa trycicle kaya po pinagpawisan ako hehe," sagot nito sa ina.
"Nako! baka nagpagod ka na naman ng nagpagod huh alam mo namang bawal sa'yo ang masyadong mapagod kase may hika ka tapos malimit pang sumikip ang dibdib mo kaya ‘wag kang magpapagod. Asan ang gamot mo iniinom mo ba ng tama sa oras? " Tanong muli nito.
Nagmana si Jacob sa kanyang papa, mayroon din siyang asthma tulad nito kaya hindi pwedeng magpagod si Jacob gaya ng ibang mga bata kaya pagkakagaling n'ya ng eskwelahan deretso na agad s'ya sa kanilang bahay.
"Nasa bag po mama, tsaka malaki na ako at kaya ko na po sarili ko kaya don't worry. Iniinom ko rin naman po ito sa tamang oras, 'wag mo na po akong alalahanin," sagot ni Jacob sa kanyang Ina.
"Dapat lang na inumin mo ‘yan sa tamang oras anak kase mag-aalala ako sa baby ko kapag may nangyaring masama sa'yo hehe." Paglalambing nito sa anak.
"Mama, hindi na po ako bata lagi n'yo pa akong bine- baby baka may makarinig sa ‘yong ibang tao hehe." Pagrereklamo nito sa ina.
"Basta baby pa rin kita, sige magpalit ka na ng damit mo at ipaghahanda na kita ng pagkain mo okay." Matapos makapagpalit ng damit na pantulog ay kumain muna silang mag-ina at pagkatapos noon ay pumasok na si Jacob sa kaniyang kwarto at nag-isip-isip muna habang nakahilata sa kaniyang kama.
"Bakit kaya bigla akong nakatulog kanina sa loob ng office hindi naman ako dating ganon?" Tanong n'ya sa sarili at natulog na rin.
Kringggggg........ Kringggggg.......
Nagising si Jacob ng tumunog ang kaniyang alarm clock. Paglabas naman niya ng kaniyang kwarto ay nakahanda na ang pagkain at ang kaniyang uniform para sa school.
"Mama, bakit ikaw pa naghanda ng uniform ko? masyado mo naman po akong ginagawang bata," reklamo ni Jacob sa kaniyang mama s'ya na naman kase naghanda ng uniform n'ya na susuotin pagpasok ng school, nung minsan s'ya rin ang naghanda ng school uniform ni Jacob, masyado siyang ginagawang bata.
"Oo na bukas hindi na, ikaw na nga pinaghahanda ng uniform mo yung ibang anak nga d'yan walang inang naghahanda ng pagkain at uniform nila sa pagpasok, buti nga ikaw mayroon." Tugon naman ng kaniyang mama. Tama nga naman s'ya pero iniisip ni Jacob na hindi na normal ‘yun dahil malaki na s'ya at kaya na nito ang kaniyang sarili.
"Mama, hindi naman po 'yon ang kaso hehehe. Thank you po sa paghahanda ng aking masusuot papasok pero kaya ko na naman po iyang gawin huh," sagot nito sa ina.
"Mama, maliligo na po muna ako then after po ako kakain okay." Agad na nagtungo sa cr si Jacob, naligo at naghanda na para sa pagpasok sa school.
Pagkatapos n'yang maihanda ang kaniyang sarili at matapos kumain ay agad na s'yanglumabas ng bahay para maghintay ng trycicle na dadaan upang masakyan papunta ng school, wala pang ilang minutong tumatakbo ang trycicle ay nakita n'ya si Calix na tumatakbo hindi papunta ng school kundi papunta ng sapa. Bakit kaya s'ya tumatakbo sa ulanan? Tanong ni Jacob sa sarili n'ya.
"Si Calix ba talaga yun?" Muli n'yang tanong sa kanyang sarili.
"Kuya para po heto po ang bayad ko salamat." Ibinigay ni Jacob ang bayad n'ya sa trycicle driver at binuksan ang payong na dala upang hindi mabasa ng malakas na buhos ng ulan.
Agad n'yang sinundan si Calix kung saan ito patungo matapos n'yang makita ito kanina na tumatakbo sa ulanan.