Kabanata 2

1442 Words
Wala ng nagawa si Calix kundi sundin ang naisip na paraan ng pinsan n'ya kaya agad s'yang nagpaalam kanilang guro na magpapalit muna s'ya ng P.E uniform buti't pumayag naman ito. Kaya dali-dali siyang tumakbo papunta ng cr upang magpalit ng uniporme. Hindi na rin s'ya sinamahan ng pinsan n'ya dahil s'ya lang ang pinayagan ng kanilang guro na umalis muna para magpalit. Kaya wala na rin s'yang nagawa kundi lumakad mag-isa. Agad pumasok ng cr si Calix at isinampay ang kaniyang uniform at naghubad ng pang-itaas na uniporme at agad na isinuot ang damit na pang P.E ng hindi inaasahang bumukas ang pinto ng cr nalimutan n'ya pala itong i-lock dulot ng pagmamadali. Hindi ni Calix malaman kung ano ang kaniyang uunahing takpan kung mukha ba n'ya o ang paibabang bahagi ng kaniyang katawan. Agad n'yang hinila ang short na pang P.e at iniharang ito sa pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan mabuti na lamang at naka boxer short sya. " Sorry, sorry, sorry hindi ko naman alam na may tao pala hindi kase naka lock ang pinto tsaka sorry talaga." Agad itong tumalikod at isinara ang pinto ng cr. Sobra ang hiyang nararamdaman ni Calix kaya mabilis n'yang isinuot ang short at niyakap ang kaniyang hinubad na uniporme at tumakbo palabas ng cr at mabilis na tumakbo papunta ng court. "Oh ba’t hingal na hingal ka hinabol ka ba ng kabayo? Bakit pati sobrang pula ng mukha mo may nangyari ba?" Pag-uusisa ng pinsan n'yang chismosa kaya umiling na lang s'ya ayaw rin namang n'yang ikwento pa sa kaniya pinsan ang nangyari dahil kakantyawin lang s'ya nito kaya umiling na lang s'ya at nagdahilan. "Baka kase ako pagalitan ng sir kapag nahuli ako," tipid na sagot n'ya. "All of you did a great job. I hope next week na alam n'yo na lahat ng basic steps and position n'yo para naman sa presentation ng bawat grupo ay maganda ang kalabasan. Okay that's it for this week ingat kayo pag-uwi, medyo gabi na rin kaya sige dismiss ko na kayo, salamat." Pahuling sabi ng kanilang guro at lahat na ng mga mag-aaral ay inihahanda ang kanilang sarili para umuwi. "Calix," tawag ni Rhea sa kanya na nagmamadaling iligpit ang kanyang mga gamit. "Oh! Bakit bebang?" Tugon naman nito sa pinsan n'ya. "Cous! Sige na namang Bebang! Sabing sa atin mo lang ako tawagin ng ganun eh kainis to," inis na banggit nito kay Calix. "Bakit nga? Hahaha pikunin neto," Tanong muli ni calix "’Di muna ako sasabay sa'yo pag-uwi, dadaan muna ako sa bahay nina Claudine at may kukunin lang ako ingat ka pag-uwi," paalam nito sa pinsan nya. "Sus! Kung anu-ano na naman ang aatupagin n'yo, Hahanapin ka ng mga tiya lagot ka, sumabay ka na sa akin," sagot nito sa kaniyang pinsan kaya ibig sabihin hindi ito pumapayag. Wala na rin nagawa si Calix dahil kahit hindi pa s'ya pumapayag ay nakaalis na ang kaniyang pinsan. Matapos maiayos ni Calix ang kaniyang mga gamit ay inilagay na rin niya ang mga ito sa loob ng kaniyang bag. Nauubos na rin ang mga estudyante sa loob ng paaralan kaya matapos n'yang mailagay ang mga gamit sa bag n'ya ay agad na itong nagtungo sa gate ng paaralan at pumara ng masasakyang trycicle. "Kuya saglit lang po ah hindi ko po kase makita wallet ko." Tango lang ang itinugon sa kanya ni manong trycicle driver kaya binuklat na n'ya ang kaniyang bag hanggang sa kaloob looban nito ngunit hindi n'ya pa rin talaga ito matagpuan. Agad tumakbo pabalik ng covered court si Calix mabilis din naman n'ya itong narating ngunit wala naman dito ang kaniyang wallet. Nawawalan na s'ya ng pag-asa dahil hindi na n'ya alam kung saan n'ya naiwan ang kaniyang wallet halos isipin na ni Calix lahat ng pinuntahan n'ya kanina ngunit di n'ya talaga maisip kung saan n'ya naiwala ang kaniyang wallet. Biglang pumasok sa isip n'ya na dala nga rin pala n'ya ito kanina sa cr at natatandaan din n'ya na ipinatong pa n'ya ito sa lababo ngunit dala ng hiya kanina ay di na n'ya namalayang naiwan na pala n'ya ang kaniyang wallet. Pinipilit ni Calix na maging positibo lang sa kabila ng isiping baka wala na s'yang masakyan at wala ring maipang pamasahe at wala rin syang magiging kasabay pauwi. Naghahalo-halo na ang mga isipin ni Calix ang tanging gusto lamang n'ya ngayon ay ang matagpuan ang kaniyang wallet. Ngunit ng marating n'ya ang c.r ay nanlumo s'ya sa kaniyang nakita dahil maging doon ay wala rin ang kaniyang wallet. Wala pa naman s'yang extra money na ipapamasahe pauwi, hindi naman s'ya pwedeng sa bahay na nila magbayad dahil baka magalitan lang s'ya ng kaniyang inay. Maluha-luha na si Calix habang nakatingin sa loob ng cr kase hindi s'ya pwedeng magkamali dito nya talaga 'yon naiwan. Habang nanlulumo s'ya dahil di n'ya talaga masumpungan kung nasaan ang kaniyang wallet ng biglang pagharap nya ay nabigla s'ya at biglang may nagsalita. "Ito ba ang hinahanap mo? Hahabulin sana kita kanina kaso bigla namang wala ka na paglabas ko ng cr pupuntahan sana kita sa court kaso bigla naman akong pinatawag sa office ng SSC at may pinag meetingan, pasensya na, " sabay abot ng wallet na hawak nito. "Nako! Salamat mabuti at ikaw ang nakakuha ng wallet ko," ngumit muna si Calix bago n'ya inabot ang kaniyang wallet na kanina pa n'ya hinahanap. "Walang anuman," sagot nito. " Oo nga pala ba’t di ka pa nakakauwi?" Tanong ni Calix kay Jacob habang papalabas na sila ng campus "Ah may tinapos pa kase akong kailangang maipasa bukas ng umaga sa office tapos nakita kitang tumatakbo kaya sinundan kita papunta ng cr," tugon naman nito. "Ah..." Tipid na sagot ni Calix medyo awkward din kase hindi naman sila close tsaka may nakakahiyang nangyari buhat kanina. Pagkarating ni Calix at Jacob sa labasan ng school iisa na lamang ang trycicle at may nauna pang sumakay rito na kanina pa rin nag-aabang ng sasakyang trycicle. "Gusto mo sabay ka na sa akin sa pag-uwi?" Pag-aalok Jacob kay Calix dahil wala na rin naman masasakyan sa ganitong oras. Tango lang ang tanging tugon ni Calix sa alok ni Jacob wala na rin naman s'yang choice kung 'di sumabay dahil wala na rin naman s'yang makakasama pag-uwi. Namayani ang katahimikan habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad. Makalipas ang limang minuto ay binasag n'ya ang katahimikan at ang awkwardness na namamayani sa aming dalawa. " Oo nga pala ‘yung about kanina sa c r. Sorry huh, 'di ko kase talaga alam na may tao sa loob kase ‘di naman s'ya naka lock at pangako na wala naman ako nakita." Nakatingin sa malayong banggit n’ya at hiyang- hiya sa nangyari kanina at may pagtaas pa ng kamay pagkasabing pangako. "Ah ‘yun ba okay lang, kasalanan ko rin naman 'di ko kase na lock bilis bilis kase ako at baka magsimula na ang P.E namin kaya 'di ko na namalayan na 'di ko pala na i-lock ang pinto. Hayaan mo na yun, siyanga pala pasensya na rin huh 'yong about kanina sa papunta ng canteen nadumihan tuloy ‘yung uniform mo. Si Rhea kase napakaligalig hehe." Paghingi muli ni Calix ng pasensya tungkol sa nangyari kanina. "Wala 'yun okay na 'yon hehe." Nagpatuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay ni Calix. "Dito na ako salamat sa pagsabay, ingat ka." Tango lamang ang tugon ni Jacob kay Calix pagkatapos ay sumakay na ito sa nakaparadang trycicle kaya nagtaka si Calix kung bakit sumakay pa ito ng trycicle gayong pagkalampas ng dalawang kanto ay doon na ang bahay nila. Pumasok na ng bahay si Calix, tahimik ang buong kabahayan nakahilata sa lumang sofa ang kaniyang ama na amoy alak samantalang ang inay naman niya ay nasa loob na ng kwarto nito at natutulog na rin kasama ni Caly ang bunso niyang kapatid. Dumeretso sa kusina si Calix para uminom ng tubig ng buklatin naman n'ya ang natatakpan ng pinggan ay pansit at isang pirasong tinapay lamang ito at sigurado siyang galing ito ng birthdayan. Kinuha n'ya ang isang pirasong tinapay at ito ang kaniyang kinain. Mayroon namang malulutong bigas at ulam ngunit hindi nagluto ang kaniyang nanay. Kaya hindi na rin n'ya ninais pang magluto at baka magalitan lamang s'ya ng kaniyang inay kapag may natira s'yang kanin kaya nakuntento na lamang s'ya sa isang pirasong tinapay. Matapos ang sampong minutong pagpapahinga, naghinaw na muna s'ya ng katawan at pumasok na ng kaniyang kwarto at nagbasa-basa ng kaunting aralin para bukas kung sakaling may recitation ay makasagot siya, makalipas ang kalahating oras ay natulog na rin si Calix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD