CHAPTER 4

450 Words
Nakasalampak na nakaupo si Franco habang nakatitig sa pangalan na nakasulat sa lapida. Liezel de Paz, born on January 5,1979 date of death aug.5, 2001. Nilamukos niya ang damo sa gilid hangang sa nabunot ito. Hindi alintana ang dumi sa mga kamay, hinagis n'ya ito sa di-kalayuan. Isa-isang pumatak ang mga luha niya at dumaloy iyon sa bulaklak na nakapatong sa puntod ng dating nobya. Dinampot niya ito at wala sa sariling inamoy. Ito ang paborito ni Liezel, Tulips. Katulad nito ay simple lang ang Nobya. Masayahin at palaging inuuna ang iba.Hanggang ngayon ay tinatanong pa'rin niya ang sarili kung ano ang nagawang kasalan para magdusa siya ng ganito kahabang panahon. Dalawampu'ng taon at walang nagbago sa sakit na nararamdaman niya sa dibdib.Siguro dahil sa wala siyang minahal na kahit sino bukod dito at isinara na niya ang puso na magmahal pa ng iba bukod dito. "Lie, sabihin mo sa akin hindi totoo ito..Nakikita kita kay Emily, estudyante ko.Alam mo ba kamukhang kamukha mo siya?Ang mga kilos pati na ang ugali ikaw na ikaw.Sabihin mo sa akin nababaliw lang ako,please ..dahil ayoko ng ganito," Tila wala sa sarili na kinakausap niya ito kahit na alam naman niyang hindi ito sasagot sa kan'ya. "Natatakot na ako sa sarili ko. Dahil alam kong lahat ng minamahal ko napapahamak lang dahil sa' kin.I'm sorry., hindi ko kayang tumupad sa pangako ko sa' yong ikaw lang ang mahalin ko," gumaralgal ang boses niya at sinikap na lumuwag ang dibdib niya. May klase pa siya at ayaw niya na mahalata ng mga makakakita sa kan'ya na umiyak siya.Dumaan na siya rito sa sementeryo pagkaalis niya sa bahay ni Emily kanina. Kahit na nanghihina ay tumayo siya at ipinagpag ang suot na pantalon. Bahagya iyon nakusot at nabahiran ng dumi ngunit hindi n'ya lintana iyon. Pang-apat na dalaw pa lamang n'ya ito sa puntod ng Nobya sa loob ng dalawampu'ng taon. Dahil hindi niya kaya at hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala nito. Ikinulong n'ya ang sarili sa nakaraang aminado s'ya ngunit ngayon na handa na s'ya na mag-umpisa ng bagong buhay matapos mag-aral sa States at kumuha ng masteral's degree doon, saka naman ulit biglang tila nagulo ang mundo n'ya. He knows that out of 7.4 billion people on the planet , only a 1 in 135 chance na magkaroon ng talagang magkahawig o doppelganger na tinatawag nila. But still he can't find the answers why does his mind tells him it wasn't just coincidence but a reincarnation happens quite for some people, who has some unfinished business here on earth. Which our science up to now can't explain why sudden cases were reported accordingly to some people who claimed they were just reincarnated.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD