CHAPTER 3

1849 Words
Gulong-gulo na si Franco sa mga nangyayari. He stop inside his car and make a silent scream. Inuntog niya rin ang ulo sa manibela. After all this year ay patuloy pa rin ang pagbalik ng alaala ng kahapon. Isang kahapong pilit na nagbabalik sa bawat araw at oras ng buhay niya. What could have been happened if he only obeyed his parents? Siguro ay masaya na sila ngayon. May sarili na silang pamilya. Naalala n'ya ang araw na tumawag sa kan'ya ang nobya. Nasa bahay siya noon ni Edward, ang kaibigan n'ya at nag-aayo sila ng basketball ring nila dahil may laban ang team niya nang hapon na iyon. Taong 2001 iyon noon at katulad ng ibang mga kabataan sa lugar nila, ay nakagawian na ang pagsali sa mga basketball tournament. Siya at ang kaibigan ang nag-volunteer sa pag-aayos no'n dahil sila naman palagi ang naaatasan sa lugar nila. Kapitan kasi ang tatay ni Edward at ito naman ay S.K chairman sa lugar na iyon. Ito rin ang dahilan at naging daan para makilala n'ya ang kasintahan na noon ay 15 years old lamang at siya naman ay 14 lamang. Noong una ay laro-laro lamang ang relasyon nila at tuksuhan. They were classmates when they reach their highschool years, at mula noon ay hindi na sila mapaghiwalay hanggang hinaharang na niya ang mga nagtatangkang manligaw rito. Unexpectedly, minsan sabay silang umuwi ay aksidenteng nabasa niya ang diary nito at nakasulat dito ang crush n'ya at first love. Nabasa n'ya ang pangalan at umamin ito na matagal na itong may gusto sa kan'ya, siya naman bilang mura pa ang isip at bata pa na naghahangad ng mga kakaibang bagay na bago sa kan'ya, ay sinubukan nilang maging sila. Doon nag umpisa ang malaking pagtutol ng mga parents nila sa relasyong mayroon sila. Their parents used to be friends then. Boy next door nga raw siya para sa nobya. Mga dalawang kanto lang at bahay na nito mula sa kanila. Nang makatapos sila ng highschool, they decided to go to the same college with the same course. First love nila ang isa't isa kaya naman naging mahirap sa kanila ang makibagay sa iba maliban sa isa't isa. Umabot nang walong taon ang relasyon nila ni Liezel at isang pangyayari ang nagpabago ng buhay niya. The tragic night happened when they planned to escape from their manipulative and meddlesome families. Sinasaktan na kasi ng mga ito si Liezel at bilang nobyo nito ay 'di na niya kinaya pa na sa araw-araw na lamang ay may pasa ang nobya n'ya. It was September, when they sneak into their house and planed to escape. They were on their third year college at isang taon na lang naman ay puwede na nilang kayanin ang buhay may asawa. But on that same day, just when they thought that they could live happily ever after nang bumangga ang kotseng minamaneho niya sa isang Six-Wheeler truck. Sa tabi ng driver's seat ang tama at halos mawasak talaga ang sasakyan ng Dad niya. Kinailangan pa nga nila ng tulong para maalis ito mula sa pagkakaipit sa sasakyan. Honestly hindi n'ya alam ang gagawin nang mga sandaling iyon. Namalayan na lang niya na wala na ang nobya dahil hinimatay na rin siya matapos makita ang kalunos-lunos na sinapit nito nang dahil sa kagagawan niya. Isang fracture naman sa mga hita ang inabot niya. Hanggang ngayon ay hindi niya makuhang mapatawad ang sarili sa nangyari sa nobya. If he could only turned back time. Isang pangako nito ang hindi niya magawang bitawan. Day-off ni Emily nang araw na iyon kaya naisipan niyang mag-general cleaning ng kuwartong inookupa. Halos tapos na rin siya sa paglilinis nang tumunog ang phone niya. Takang tinitigan muna ang nakarehistrong numero sa screen nito, dahil hindi naka-save sa kaniya ang tumatawag. Bandang huli napagpasiyahan na rin niyang sagutin ito dahil baka importanteng tawag iyon. Madalas kasi nitong mga nakaraang araw nakakatanggap siya ng mga prank call. "Hello, sino to?" "Hello, is this you, Emily?" isang pamilyar na tinig ang boses na nasa kabilang linya. Inisip niya agad kung sino ang nag mamay-ari niyon subalit nagsalita na ito agad. "It's me, Mr. Franco. I got you're number in your records. Where is your dorm? I think naiwan ko ang wallet ko kahapon sa table. Did you get it?" "Naroon kasi ang mga I.d's ko at -" "Yes sir, nasa akin nga po. Do you want me to go there? Saan ka po 'ba?" putol niya sa marami pang sinasabi nito. "No, need. Ako na lang ang pupunta d'yan mapapagod ka pa. Nandito lang ako malapit sa pinapasukan mong coffee shop, anong street d'yan?" his baritone voice gets louder to her ears. She just then nodd, but she remembered he can't see her, so suddenly she manage to utter a words. "Sige po, kunin ko lang ang wallet mo then lalabas na ako, alam mo po 'yong- "But please stop using po okay?" iritang boses nito sa kabilang linya. "Bahala ka Sir. Stay on the right side, sa kabilang kanto my bakery. Iyong green na mataas na bahay dito ako," Tumakbo na s'ya para maghanap ng pamalit sa suot na manipis na t-shirt. Isang black T-shirt ang ipinalit niya sa suot kanina at mas makapal iyon. Naka pajama lang siya at okay na siguro iyon. Kukunin lang naman nito ang wallet. pagkikibit balikat n'ya, nang isang busina ang dalawang magkasunod na umalingawngaw mula sa harapan ng dorm. Agad naman ang ginawa n'yang paglabas at binuksan ang makipot na gate. Nakita n'ya ito na bumaba sa kotse at naka-usual campus outfit ito. Nagtaka siya dahil ang alam niya ay 10:30 pa naman ang klase nito. Lumapit ito sa kaniya at nakita niyang binuksan nito ang backseat ng kotse at inilabas ang mga supot ng pagkain. Mukhang namili na rin ito ng mga makakain nila. Sa oras na iyon na alas-sais ng umaga ay hindi pa nga siya nag-aalmusal. Inuuna talaga n'ya ang paglilinis dahil hindi siya makakain ng marumi ang paligid. Tuluyan na itong nakalapit sa harapan niya. Itinaas nito ang mga dala-dala at isang ngiti ang pinakawalan nito sa natulala n'yang anyo. "I bought something to eat, maaga pa kasi at hindi pa rin naman ako kumakain. Can you join me?" isang tango lang ang isinagot niya rito at niluwagan ang pagkakabukas sa gate. "Okay, but be sure na huwag ka lang po magtatagal at baka sitahin ako ng kahera rito," alinlangan niyang sagot. Masungit pa naman ang kahera nila at strikto. Pinaupo n'ya ito sa sofa at kumuha na ng mga plato para isalin ang kakainin nila. Perfect timing din nito dahil nagugutom na rin talaga s'ya. Ano mang hiya ay ipinagwalang bahala na lang niya dahil hindi naman din ito magtatagal at may pasok pa sila. Puro pasta ang tinake-out nito. Carbonara, Spaghetti, Lasagña at cheesecake. Ang drinks naman ay sa coffee shop nito nabili, double dutch with caramel. "Alam ko kasi maaga pa at pagod ka kagabi sa work mo, so I bought this. Okay lang 'ba?" paliwanag nito dahil nakita nitong saglit siyang natigilan nang makita ang mga pinamili nito. "It's okay, nagtaka lang ako Mr.Franco, how did you know na paborito ko ang lahat ng mga ito? Is it coincidence na pareho lang tayo ng taste?" duda niya kung nag-research 'ba ito sa mga favorite niyang pagkain bago bumili. Well, you're to overwhelmed bakit naman nito gagawin iyon. Baling niya sa isip niya. Nagkibik balikat lang ito. "It's good pareho pala tayo ng gusto 'di na kita pipilitin kumain," kumindat ito sa kaniya at inabot ang carbonara. "Thanks," Nagsimula na silang kumain at iniinom na nito ang kape nang magsalita ito. "May kasama ka 'ba rito? I mean, masyado itong malaki para sa'yo. All girls lang 'ba ito?" maya maya ay pag-usisa nito. "Meron naman Sir, kaso mga pang-umaga ang pasok nila. Mga babae lang kami dito kaya nga Flowers Bloom dorm eh,"aniya at bahagyang natawa sa tanong nito. Natawa rin ito nang maalala ang nakapaskil sa harap ng building nila at napakamot sa ulo. "Oo nga pala, prof. mo pagod na," "Salamat nga pala Sir sa pa-breakfast n'yo, ito na pala ang wallet mo. Hahabulin ko pa sana kayo kahapon kaso mabilis na kayong nakaalis," dinampot n'ya sa ibabaw ng drawer ang wallet nito at inabot rito. Nagtaka naman siya dahil ngiwi ang mukha nito. "Aren't you happy na ako ang nakakuha nito? Ayaw mo po tanggapin?" "Does it mean na pinalalayas mo na ako?" parang batang tanong nito. Well, maaga pa kasi at gusto pa niyang matulog pa sana pero nakakahiya naman rito lalo at prof. n'ya ito. "No, no Sir ayos lang na nandito kayo, kaso ikaw po? Wala naman tayong libangan dito. You see walang T.V dito, saka baka matsismis tayo lalo at kilala ka ng mga tagadito 'di po 'ba?" may concern na pangangatwiran niya. Itinaas lang nito ang mga balikat tanda ng pagwawalang-bahala nito."Kilala naman ako ng landlady n'yo at sigurado akong hindi naman siguro ako Itsi-tsismis niyon," Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito."Kilala mo si Aling Delia?" "We used to stay here," bulong lamang ang ginawa nito ngunit 'di nakaligtas iyon sa pandinig n'ya. "We? Who's we?" buong pagtataka n'yang tanong subalit tumayo na ito at naghanda nang umalis. "I got to go. Salamat nga pala at naibalik mo sa akin 'to. Sobrang importanteng bagay sa' kin ang nakalagay dito. So much than money," bumuntong hininga ito pagka bigkas niyon. "I thought you want to stay more?" takang tanong naman n'ya. Tila nag-iba na naman ang ihip ng hangin, bigla ang pagbabago ng emosyon nito. Hindi ito sumagot sa kan'ya at magalang na yumuko. "Aalis na ako, s'ya nga pala, agahan mong pumasok may proposal ako sa iyo," 'yon lang at lumakad na ito palabas ng gate at walang lingon-likod itong sumakay sa kotse nito. "Did I said something wrong?" kausap n'ya ang sarili habang nakatingin sa sasakyan nitong hindi pa umaandar. Tatalikod na sana siya nang bumukas ang bintana ng sasakyan nito at kumaway ito. "Bye, thanks again for the wonderful morning. Pasok ka ha? I have something to propose." ulit nito at tuluyan na itong umalis. Naiwan naman siyang nagtataka at nag-iisip. Ano naman kaya ang proposal nito? Kasal lang naman ang pino-propose 'di 'ba? baliw ka na talaga Emily, tudyo ng utak niya sa sariling naisip. Lumapit na siya sa lamesa at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan nila. Naghuhugas na siya ng mga plato at pakanta-kanta pa. She can't explain but his presence earlier made her day. She can't say the exact words but everytime she see's him, there's this odd feeling that made her inner self warm and felt love? Ipinilig na lamang n'ya ang ulo sa naiisip. 'Yan ang epekto ng panonood sa c.p ng mga drama at pagbabasa sa mga pocketbooks. Lihim siyang natawa. pinipilit na lamang niyang bigyan ng katwiran ang sarili pero nitong nakaraang araw magmula nang makilala niya ito ay hindi na talaga siya napalagay pa sa 'di mawaring dahilan. Nagdesisyon na lamang s'yang matulog na lang ulit. Almost seven pa lang naman at maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD