CHAPTER 2

1713 Words
Past 3:30 p.m na at tapos na ang klase niya. Nakabihis na siya ng uniporme niya sa coffee shop na pinapasukan. Ilang oras lang naman ang duty niya kaya mga 8:00 p.m ay out niya na. Ganoon palagi ang pang araw-araw niyang ginagawa, school-trabaho. Wala siyang time mag-malling katulad sa ginagawa ng mga classmates niya dahil ang kinikita niya sa coffee shop ay pang meal allowance niya lang. Puro na nga siya noodles at delata. Nagutom siya nang maalala niya ang luto ng mama niya. "Nakakamiss sa'min," naisip niya ang luto ng mama niya. Paborito talaga niya ang gulay na hinalo-halo tapos may isda. Naglaway siya sa naisip na lasa niyon. Siguro 'pag sembreak nila uuwi siya saglit sa kanila hindi kasi siya nakauwi last year dahil ibinayad niya sa dormitory ang naipon niyang pera. Halos ilang hakbang na lamang at nasa coffee shop na siya nang isang motor ang biglang humarurot sa gilid ng nilalakaran niya. Nasa gilid pa naman siya ng malaking bato na nakatakip sa imburnal kaya natumba siya sa pagkagulat, ngunit may mga bisig na bigla naman at kagya't na umalalay sa kaniya. Iniangat niya ang paningin at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapagsino ito. Si Mr.Franco! Paano ito biglang nasa likuran niya? Siguro ay wala siya sa sarili kaiisip ng kung ano-ano kaya 'di niya napansin ito. "S-Salamat mister," kandautal na nasabi na lamang sa pagkagulat sa biglang pagsulpot nito. Sa sinabi naman niya tila ito naman ang biglang nagulat at hindi nito agad nabitawan ang mga kamay niya. Tumitig ito sa kaniya, puno ng damdamin at matagal iyon. Ganoon din ang ginawa niya at ilang saglit sila sa ganoong ayos. Siya na ang unang bumawi ng tingin at tumayo na siya. "Salamat po Mister Franco, kung hindi ka naging maagap ay nahulog na siguro ako sa kanal," and she gave him her sweetess smile. Iyong ngiti na ginagamit niya sa mga magulang para makuha niya ang gusto niya. But that was her mistake dahil tila lang ito naakit, nagayuma o nahalina sa kaniya. Awtomatiko ang pag-angat ng palad nito at idinampi iyon sa gilid ng labi niya. Nakamasid lamang siya ngunit kitang-kita niya ang kalungkutan sa mga mata nito, kaya hindi niya ito nagawang pigilan. Nakatayo na sila at ipinag-pag niya ang pantalon niya. Hindi niya maunawaan ang mga ikinikilos nito. Sa isang banda naman kakaiba at pamilyar sa kan'ya ang pagkakalapit nilang iyon. Tila nangyari na ito dati. As if she was back into her home which was his arms.. "It's okay..nasaktan ka ba?" Ginalugad nito ang mga siko at braso niya. "Hindi naman po. Salamat sir," Gusto niya na sanang takasan ito dahil nakakapaso na ang mga titig nitong tumatagos sa kaloob-looban niya at para siyang hinihigop sa mga mata nitong puno ng lamlam at kalungkutan. 'Pag ganoon pa ito sa kaniya baka sumama pa siya rito kahit na saan. Sa naisip ay nais niyang batukan ang sarili, kaharap lamang niya ito kaya nakapag pigil siya. "Mauna na po ako, salamat ulit Mr.Franco," aniya at yumuko siya rito. Naiwan naman itong nakatingin at hindi niya mawari ang nasa isip nito. Weird feeling. Si Franco ay tigagal hanggang sa nakaalis na ito sa harapan niya. The way she called him mister, iyon ang endearment sa kan'ya ni Liezel and the way she gave him her sweetess smile. That was more like Liezel too. Mabigat ang mga paang naglakad siya patungo sa kung saan ito nagtungo. Hindi naman siguro siya nababaliw ulit 'di ba. Maraming magkakamukha sa mundo. That was only coincidence. Lutang ang isip na pumasok siya sa coffee shop. Maybe magkape na lamang siya, baka magising pa siya sa katotohanan. Nagpupunas na si Emily ng table dahil wala pa naman masyadong costumer nang hapon na iyon. Sumagi sa isip niya ang prof. niya. If ever ba na manligaw ito sa kan'ya ay may pag-asa ba? Siguro kung hindi niya ito professor puwede naman. Mas gusto niya ang mature man kaysa mga kaedad niya na walang alam kung hindi maglaro ng damdamin ng mga babae. Nasa kalagitnaan pa siya ng pag-d-daydream nang tumunog ang buzzer ng shop sa labas, tanda na may costumer. Isinuot niya ang black apron at inayos ang polo shirt bago lumabas. "Yes sir what can I d-" naputol niya ang anumang sasabihin pa dahil nasa harapan niya ngayon ang kanina lang ay laman ng isipan niya. Kung totoo ang soulmate ay gusto niyang isiping ito na iyon. Gusto niyang matawa sa naiisip. Tila nahawa na rin siya sa kalokohan ng kaibigan. Sa saglit na pagtatalo ng conscious mind at unconscious mind niya, 'di niya napigilan ang mapangiti. "It's you again, what coffee sir? " nakatayo na siya sa harapan nito at ito naman ay masusing nakatingin lamang sa kan'ya. "Nagpa-part time job ka pala rito? Ang sipag mo namang bata," hindi nito sinagot ang tanong niya. Sukat sa sinabi nitong iyon ay napataas ang kilay niya. "Excuse me, Mr. Franco, twenty-two na po ako. Pandak lang kasi ako," diretsyo niyang pagsasalita. Five feet lang ang taas niya at sa tantiya niya rito, siguro mga Six footer ito. "Sa iyo galing 'yan ha? Double Espresso for me," pinatong nito ang bayad sa tray. "Please wait for a few minutes sir," mabilis siyang lumakad palayo rito. Inabot niya na sa cashier ang bayad nito nang mapansin niya ang note na kasama ng perang papel nito. "You have the sweetess smile that brighten up my day," iyon ang nakasulat. Nanlaki ang mga mata niya kanino naman kaya ito galing? Wala namang ibang taong naroon kung hindi ito. Aba't ang loko. Ano 'to pinopormahan 'ba ako nito. Oo guwapo ito pero wala naman siyang balak pumatol sa doble ang edad sa kaniya. Hinanap niya si Let, ang kasama niya sa duty at ipinasa rito ang order nito. Takang napakunot ang noo nito. "Ayaw mo i-serve 'to sa kan'ya? Bakit kilala mo 'ba?" anito pa bago umalis pero hindi naman hinintay ang sagot niya. Napangiti si Franco sa naisip na isinulat niya kanina. Himbis na order slip niya iyon, naisulat niya tuloy ay compliments tungkol dito. Ipinilig niya ang ulo sa nagawang bagay na iyon. He shouldn't act this way. He is a professor and she was his student. Oh well, wala naman sigurong masama mag-express ng paghanga. For once in his lifetime ay tila naging bata ang pakiramdam niya at isang makapangyarihang damdamin ang bumabalot sa kan'ya sa mga oras na iyon. Gusto niya pa itong makilala. Its now or never. lalong pumukaw sa interes niya ay ang pagkakapareho nito sa pisikal at sa mga mannerisms ng late fiancee niya. Makalipas ang Five minutes ay lumabas na ang order niya. Labis ang pagkadismaya niya nang makitang iba ang nag-serve ng in-order niya. Ipinagkibit niya ito ng balikat at inabot ang order upang inumin. Palinga-linga siya kanina pa ngunit wala ang hinahanap ng mga mata. Saan naman kaya ito pumunta? Halos isang oras na niyang sinisimsim ang coffee niya ngunit kahit anino nito ay hindi lumabas. "Marami pala silang crew dito, well maybe hinihintay niya ang pag-alis ko." Isang crew ang lumapit sa kan'ya nang mapansin nito na tila may hinihintay siya. "Ah Sir, do you need something? We have our choco and strawberry Donut's perfect match sa nauna niyong in-order kanina, " alok nito sa kan'ya. Tipid na ngiti ang itinugon niya rito. "Okay na ako rito, do you mind if itanong ko saan na 'yong kaninang crew n'yo? Si Emily? Can you call her?" Saglit na kumunot ang noo nito ngunit saglit lamang na reaksyon nito iyon. Tipid itong ngumiti kasabay nang pagtango nito. He can't leave here na hindi niya nalalaman ang sagot sa mga katanungan niya. Maya maya naman ay lumabas na ito. Nakita niya ang pagbabantulot nito na lumakad palapit sa kanya. Pinaupo niya ito ngunit umiling ito. "Sorry Sir, bawal sa amin makipag kuwentuhan,'pag on-duty eh. Ano po 'bang kailangan n'yo sa akin?" Habang nagsasalita ito ay napansin niya ang nunal nito sa baba. Maliit lang iyon ngunit kaparehong kapareho ng nunal ni Liezel. What is happening? Narito sa harapan niya ang kawangis na kawangis ng dating nobya at sa ugali at nunal ay magkapareho rin ang mga ito. She is the same age as Liezel nang mawala ito sa kaniya. Kailangan niya na 'ba kontakin ang psychiatrist niya? Hindi kaya nababaliw na siya. Alam niyang up to now hindi pa rin niya ito makalimutan. Twenty years is long enough years para makalimutan niya ito pero hindi niya napigilan ang sariling kuryusidad dito. "A-Are you somehow related to Liezel De paz? Tell me, magkamag-anak 'ba kayo?" He is desperate. Iyon lang naman ang nais niyang malaman dito para hindi na siya nag- iisip nang kung ano ano. Saglit itong nag-isip ngunit umiling lamang ito. "Bakit Mr Franco? Sino po 'ba siya? Hindi ko talaga siya kilala. Suarez ang Family name ko at Gonzalez ang middle name ko, you must be mistaken mister," akma na sanang tatalikod ito muli, nang magsalita siya mula sa saglit na pananahimik nito. "She's my late fiancee. Matagal na siyang wala," Sa narinig ay napatigil ang paglakad ni Emily. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Ito pala ang dahilan kaya kumikilos ito nang kakaiba. Hindi niya napigilan ang sariling tapunan ito ng tingin, at kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luha nito. The pain that's been there for a very long time. May kung anong puwersang nagsasabing yakapin niya ito, subalit nanatili lamang siyang nakatingin dito. Ngumiti ito nang mapait at nagsalita. "You can go now, I'm sorry at naabala kita," Pagkasabi niyon ay tumayo na ito na tila wala sa sarili at walang lingon-likod na lumabas ng shop. Naiwang nag-iisip si Emily. Papasok na sana siya nang madako ang paningin sa naiwan nitong lamesa kanina. Naiwan nito ang wallet nito. Dinampot niya ito at susundan na sana n'ya ito sa labas ngunit nakaalis na ito. Itinago na lamang niya sa locker niya iyon at bukas na lamang siguro niya iyon ibabalik. "Bukas pagpasok ay maaga ko itong ibabalik sa kaniya," saad niya habang inilalagay ang wallet nito sa locker niya. Nakuha ng huli nitong sinabi ang diwa niya. kaya pala ito ganoon na lamang kung tumingin sa kan'ya ay iniisip pala nito na kamag-anak niya ang pumanaw na nobya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD