CHAPTER 1

1586 Words
Walang kurap na nakamasid s'ya sa harapan ng salamin. Napakaganda n'ya at ang sabi ng papa n'ya ay namana n'ya iyon sa lola n'ya, na isang haponesa. Marami ang humahanga sa taglay niyang kagandahan ngunit hindi n'ya kailanman iniisip ang bagay na iyon. Ang priority n'ya ay ang makapagtapos ng pag-aaral n'ya dahil kung magagawa n'ya iyon ay siya lamang ang unang makakapagtapos sa pamilya nila. Emily is a twenty years old lady at a young age, she tried everything to sustain her needs and to live alone. Matalino siya, maganda pero aloner. Alam mo 'yong tipong lahat sila nagtitipon-tipon na sa isang sulok samantalang siya heto, mas piniling magmukmok sa sulok. Isa siyang estudyante ng TP Manila. Nagre-rent sa maliit na dormitory na malapit sa university at sapat lang ang kinikita niya sa pagpa-part time sa isang coffee shop malapit lang din sa campus. Her parents was in Laguna. Mananahi ang nanay niya at driver naman ang tatay niya. Walo silang magkakapatid at siya ang bunso. Ayaw talaga siyang paluwasin ng parents niya sa Manila pero dahil sa angking talino at pangarap na meron siya, nagpursigi talaga siyang makapasok sa university na ito gamit ang scholarship na in-aplayan niya sa dating school sa Laguna. Araw nang miyerkules at washed day nila sa unibersidad kaya naman 'di na siya nag- abala pa para magplantsya ng uniporme. Sinulyapan niya ang orasan sa kanto ng tinutuluyang kuwarto at pasado alas-diyes na ng umaga. May midterm exam pa naman siya ngayon sa major course niya na Political Science at bago ang professor nila dahil pansamantalang nakamaternity leave ang professor talaga nila. Isang sulyap pa sa salamin niya at hangos na isinukbit niya na ang shoulder bag at nagmadaling umalis. Isang kanto lang naman ang layo ng eskuwelahan kaya naman lakad-takbo na lang niya ang pagpasok. Hindi pa naman niya kilala ang pansamantalang guro kaya medyo uneasy siyang ma-late. Isa pa ay Forty Five minutes lang ang oras nila sa subject na iyon kaya sayang ang bawat minuto. Nasa 4th year college pa naman siya at graduating na. "Ahh, " hingal niya nang sa wakas ay nasa bungad na siya ng room nila. tagaktak ang pawisan niyang mukha at nakayuko siya sa tuhod na tila pagod na pagod. "Hindi ka dapat tumatakbo baka matisod ka, here nilipad sa bag mo hindi mo yata naisara," isang tinig ang nagpabaling sa kaniya paharap dito kaya 'di sinasadya na nauntog ang mukha niya sa matitipunong dibdib nito. Automatic na umangat ang ulo niya rito, sa taas niyang 5 ft. flat nagmukha siyang bata sa harap nito. Isang nakasalamin na lalake na sa wari niya ay nakasimangot sa likod ng mga salamin nito ang nakatunghay sa kaniya. Sakto lang ang katawan nito, naka Americana at may suksok na ballpen sa tie nito. Maliit ang mata nito at makipot ang mga labi. May matangos at maganda rin itong nose line, fair skin ang complexion nito at sa wari niya ay nasa mga mid-thirties na ito o nearly Forties. Itinaas nito ang kilay hudyat para bigyan niya ito ng daan dahil nakaharang nga naman siya sa pintuan ng room nila. Wait! Ito pala ang sub- professor nila! Sukat doon ay dali-dali na rin siyang pumasok kasunod nito at mabilis na umupo sa unahan. Last Three Minutes at parang isang laro sa basketball game, tumunog ang bell nila hudyat na tapos na ang unang subject. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Emily dahil eksakto lang siyang natapos pagkatunog ng bell. Pinatutunog niya ang leeg niya, bagay na hindi normal sa isang tao dahil kung hindi ka sanay ay puwede kang mabalian o mapilayan. Ginagawa niya iyon kapag nate-tense siya. Bigla niyang naisipan tingnan at pagsinuhin ang bagong dating na guro. Nagulat siya dahil sa nakita niyang paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya bagay na unconscious nagagawa niya 'pag hindi siya komportable sa sulyap nito, although mukhang disrespectful ang dating, hindi niya gusto ang pagkakatitig nito sa kaniya. As if may ginawa siyang hindi nito inaasahan. "Hoy! na-late ka yata?" isang kalabit sa balikat niya ang nagpabaling sa paningin niya palayo rito. "Ah, oo eh," nag-stammer pa siya bagay na 'di naman normal sa kan'ya. "Tara na, lunch na tayo sa baba," pag-aaya niya kahit na 10:45 a.m pa lang. Usually mga 12:00 pm ang lunch niya at umiidlip muna siya sa room. Panggabi kasi ang part time job niya at kahit na scholar naman siya mula pa noong first year, sinanay niya ang sarili niya magbanat ng buto para 'di siya umasa sa perang pinapadala ng mama at papa niya. Walo silang magkakapatid at sa mga kapatid pa lang kahit na mga panganay pa sa kaniya ang mga ito, ay sa mga magulang pa rin naman nila nakaasa ang mga ito. Isa sa mga dahilan kaya labis ang pagsisikap niya para matulungan ang mga magulang. Matatanda na rin ang mga ito at gusto niyang mabigyan man lang ng magandang buhay ang mga ito bago lumubog ang araw sa mga ito. The thought of dying made her inner self shivering with pain, Sa kung anong kadahilanan ay 'di niya mawari. Franco's POV: Labis-labis ang kaba sa dibdib ni Franco nang makaharap ang estudyante niya. Sobra ang pagkakahawig nito sa namayapa niyang nobya. Isang kirot sa puso na matagal nang pilit kinalimutan ang biglang nabuhay sa alaala niya. Si liezel, girlfriend niya sa loob ng walong taon. They we're still very young then, siya twenty while liezel is twenty-two. Tutol na tutol ang mga magulang nila para sa relasyon nila sa isat-isa, sa 'di malamang kadahilanan pilit silang pinaglalayo. Until one night, Isang tawag sa telepono ang nakapagpabago sa desisyon nila. Nang una ay payag silang maghintay pa hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral nila. Sinaktan si liezel ng ama nito dahil sa labis na pagtatanggol sa kan'ya nito sa ama at sukat sa nangyaring iyon nagbalak silang tumakas isang gabi at magtanan. Sadya yatang pati panahon ay hadlang sa pag-iibigan nila, isang gabi matagumpay silang nakatakas alas- dose ng gabi. Itinakas niya ang kotse ng ama sa garahe. Nasa main road na sila pa-Maynila nang bigla ang pagdaan ng truck saktong patawid ang kotseng minamaneho niya at ito ang napuruhan at namatay. Kahit matagal na ang pangyayari, siya pa rin ang sinisisi ng mga pamilya nito maging siya sa sarili niya ay hindi niya magawang mapatawad ang sarili. Halos mabaliw siya noon, may isang taon din siyang hindi nagkikipag-usap at lumalabas ng kuwarto. He was diagnosed then suffering from Anxiety Disorder at malapit na itong maging insanity kung hindi lang siya nanaginip ng isang creepy ngunit para sa kan'ya ay isang pangako mula sa nobya. Babalik daw ito paglipas ng dalawampu'ng taon. Kaya itinuloy niya ang pag-aaral at tinapos ang kursong sabay din nilang kinuha noon. Ang Political Science at ngayon ay isa na siyang respetadong propesor. Sinong mag-aakala na ang isang dating baliw sa pag-ibig at muntikan ng mabaliw ay isa ng guro ngayon. Ito ang lihim na pinakatatago niya dahil ayaw niyang mahusgahan siya ng mga tao lalo sa propesyon niya tiyak na makakaapekto ito. It's been twenty years since then. He sighted heavily upon remembering her promise. "Babalik ako sa kahit anong paraan kahit gaano katagal.. twenty years mabuhay ka at hintayin mo ako," that was her last words. She died in his arms. She was severely hit by a truck in her chest, at siya naman ay may bali lang sa mga hita. Iyon ang dahilan kaya medyo Ika-ika siya lumakad although matagal na siyang nagpa therapy. Sa canteen habang nakaupo sila sa harap ng mahabang mesa ay kunot noong nagtanong sa kaniya si Mimi. "Ano ka ba naman bakit parang wala ka na naman sa sarili mo? May nangyari ba sa inyo?" pangungulit pa nito. kilala siya nito dahil ito ang bestfriend niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili, parang may kung anong puwersa sa kan'ya ang nagtutulak para mag-usisa sa guro nila ngunit hindi niya ito masyadong ipinahalata. "Mimi, sino ba ang bagong prof. natin?" Sumubo siya ng noodles para mag mukhang kaswal na tanong lamang iyon. Sana ay hindi ito makahalata. Ngunit inihampas nito ang dalawang mga palad sa harap niya na tila may nakakagulat na sasabihin, muntik tuloy niyang maibuga dito ang nasa bibig niya. "Ano ka ba naman ano ba 'yang ginagawa mo?" ikinumpas pa niya ang kamay na tila binubugaw ito. Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Bakit ems? Pogi noh? Kaso tander na eh, pero pogi talaga 'di ba?" natawa siya sa eksaheradong ekspresyon nito sa mukha nito. Pero hindi naman iyon ang gusto niyang malaman dito. Tumango siya pero nakanguso."Uhm..Oo siguro no'ng kabataan n'on hunk iyon. Anong pangalan niya?" "Mr.Franco daw, ayaw magpatawag sa lastname eh. Mr. Franco na lang daw. Ang cute noh?" anito pa at kumindat sa kan'ya. Wala sa sarili pero may bigla siyang naalala sa sinabi nito. Sino nga ba iyong tinatawag niyang mister noon? Hala may gano'n ba eh wala pa naman siyang nagiging boyfriend maski noon? Iiling- iling siya sa sarili, tila nakikipagtalo sa isip niya. Ang weird, bakit bigla na lamang siyang may maaalala tapos parang nangyari na sa kan'ya noon pero hindi pa naman? And with that guy, ito di ba 'yong sinasabi nilang dejavu ba iyon? Bigla ang kilabot na naramdaman niya. Tama ata talaga sila, ang parents niya weird daw talaga siya noon pa dahil mahilig daw siya magpatay-p*****n tapos sasabihin niya bigla ang comeback niya. Akala tuloy nila mag-aartista ako noon. Sukat sa naisip ay natawa siya nang mahina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD