Kabanata 22: Paulit-ulit na iniisip ni Riley ang sinabi ni Reuz sa kaniya sa park. Dahil sa sinabi nito ay may dalawang taong pumasok sa kaniyang isip. Cadrius and Trigger kung sino man ang tinutukoy ni Reuz doon sa dalawa ay hindi pa niya alam. Sa sobrang pag-iisip ay hindi niya namalayan na may isang tao na naka-abang sa kaniya sa labas ng kaniyanh bahay. Nang mag-angat siya ng ulo ay agad siyang napasinghap ng makita ang binata na nakapamulsa at nakasandal sa itim na kotse nito. Lumapit siya rito habang kunot ang nuo. Bakit nandito ang lalake? May nangyari ba? "Trigger?" aniya. Agad napatingin ang lalake sa kaniya hindi niya alam kung imahinasyon lang niya pero nakita niyang naka-igting ang panga nito tapos gumagalaw pa ang adam's apple animong galit ito sa dilim ng mukha. "A-Are

