Kabanata 21: "I don't know anymore Slyv. Naguguluhan na talaga ako. Madami silang sinasabe na hindi ko magets. Ang lakas maka-bobo sa totoo lang parang lagi akong out of place sa paligid e." nagpakawala na naman siya ng malalim na buntong hininga pagkatapos sabihin iyon sa kaibigan sa kabilang linya. "I'm sorry Riley wala man lang ako maitulong sa'yo. Gusto kitang puntahan kaso nasa Davao pa ako si Daddy kase e." paghihimutok ng kaibigan kaya tipid siyang napangiti. "Ayos lang iyon gusto ko lang talaga ng kausap ngayon e." aniya tapos narinig niyang may tumawag sa pangalan ng kaibigan sa kabilang linya. "Sige na Slyv, Ingat ka riyan." "Sige. Ikaw din. I'll call you later." anito at pinatay na ang tawag. Napatingin nalang siya sa kaniyang paa habang sinisipa sipa ang maliliit na bato.

