Chapter 2

2768 Words
"Callum tigilan na natin to," umiiyak na sambit ni Monica habang hawak ko ang kanyang mga kamay at nagmamakaawa. "T-This relationship will no longer work out. I'm tired and sicked of you... I-I c-can no longer hold on you anymore... T-Tsaka isa pa, nakikita kong napapagod kana rin. I just want to end up your pains and sufferings." pagtatapos nya. "Monica I am fighting. I am doing my very best to fight for this relationship, t-t-to keep it working." lumuluhang ani ko habang nakaluhod at nagmamakaawang wag n'yang tapusin ang lahat sa amin. "Kahit talikuran ako ng mga tao, kahit dayain pa ako ng mundo, I will never give up on you. A-Alam kong iiwan mo din ko. Alam kong magsasawa ka rin sakin. A-A-A-Alam kong darating din yung araw na bibitawan mo ang lahat sa atin... Pero please lang nagmamakaawa ako sayo..." panay hikbi kong pagsamo. "P-Please lang.. pwede bang wag muna ngayon. H-Hindi ko pa kaya.. Gagawin ko ang lahat..I-I-Ibibigay ko ang lahat sayo p-p-please lang wag muna ngayon.. hindi ko pa kasi kakayanin...," luhaang pagsamo ko habang nakaluhod at hawak ang dalawang kamay niya. "P-pero Cal, i-ibigay mo man ang lahat...," pagputol nya. "Pero kasi I don't need anything from you na. I-I no l-longer needed you. That's why I'm ending this. E-Eto ang makakabuti para sa atin.. P-P-Para sa lahat." pagbabalik nya habang unti-unting kinakalas ang mahigpit kong mga bisig na sya na ngayong nakapalupot sa kanyang nga binti. "Pero why Monica..!" pagbitaw ko sa kanya at tumungo habang nakahawak sa aking mga nakaluhod na hita. I can't able to show her up my face. I just can't show my pains, my tears, sufferings, and everything that's tearing me down. "Bakit all of a sudden ay sasabihin mo ang mga salitang iyan. B-B-Bakit? I can't understand and I-I don't want to understand all these bullshits coming from you." "Pero k-kasi Cal, eto ang reyalidad. I-I am giving up on you. B-Binibitawan na kita. Binibitawan ko na ang lahat sa atin." "H-Hindi mo na ba talaga kaya pang lumaban? H-Hindi mo na ba t-talaga kaya pang s-sumugal? Hanggand dito na lang ba ang kaya mong ibigay?" muling pagsama ko at tiningnan ang mga lumuluha nyang mga mata. Ang mga matang dati'y bumubuhay sa akin. Mga matang dati ay nagbibigay ng pag-asa sa akin, mga matang dati ay punong puno ng buhay at kinang. Mga matang ang sya na ngayon ay unti-unting pumapatay sa akin. Mga matang unti-unting wumawasak sa aking damdamin. Mga matang dati'y makinang ang sa ngayo'y nagdudulot ng di maipaliwang na kadiliman at kakaibang pangamba. "K-kasi of all people, i know na ikaw yung may alam kung pano tayong sumugal, kung paano tayong lumaban despite of all the odds and hindrances, kung paano natin tinalikuran ang lahat upang buuin ang ating mundo. Kung paanong..." pagsamo ko and all my pains burst in front of her. "Aahhhh!! Why!!!! W-W-Why? Of all people hindi ko inaasahan ikaw ang magsasabi nyan. Kasi we really tried everything. S-So fu*kin' everything for this damn relationship." "But C-Cal it happened. I am here saying these what you call damn and stupid things. S-Sorry. I-It just happened that one day I woke up and everything faded. I no longer love you. I no longer can fight for you. I h-hope you will understand me." sabi nya sabay upo upang magkapantay ang aming mga mukha. Hinawakan nya ang aking mga pisngi at nasilayan ko ang mga luhang bumabagtas sa kanyang mga mata. "I-I no longer love you. I hope you u-understand my reasons." sambit nya at unti-unting nilisan ang lugar na aming kinatatayuan at tinalikuran ang lahat sa amin. "Fu*king reasons of yours, Monica! Fu*k!!" pahabol kung sigaw habang unti unting nilalamon ng sakit at poot ang puso kong dati'y punong puno ng kasiyahan. Ang pusong dati'y umaapaw ang pagmamahal. And this night, it turned out broken and in full of pain. Nagising ako kinabukasan na may bakas ng luha sa aking mga pisngi. Here it goes again. My past is hunting me again and again. I thought I was over with this. I thought I was already been through this. And yet here I am, feel like everything went back. Pains are starting to rise up and build within me. And I can't accept it. May bago na akong mahal and I was done with her. I buried everything about her when she walked out and left that night. Uugh.! Fu*k this feelin'. Bago pa ako kainin ng lungkot at ng nakaraan ay bumangon na ako at dumeretso sa banyo. Ligo lang ang katapat ng lahat ng ito. And after this, I'm sure na ang lahat will be back to normal, I guess. I started to take a bath and everything runs smoothly until.. I don't love you, Cal. I can no longer hold onto you. Sorry. Ughhh! Why. Why. Why. Why does it keep on nagging me? I just made everything faster without thinking of her, every little thing about her. "Hi Ma, Good morning!" bati ko kay mama habang pababa ng hagdanan. Naabutan ko syang naghahanda ng umagahan. "Oh ang aga mo naman ata ngayon. Kahapon ay kung hindi ka pa ginising ni Vince ay parang wala kang balak bumangon ahh." pagbabalik nya sakin. Ni hindi man lang ako binati ng 'good morning' HAHA. "Normal classes na kasi starting ngayon Ma. I have to do everything. Baka kasi matanggal ako sa scholarship, sayang." pagbabalik ko sa naging tanong ni Mama. So yun nga pala, we live a simple life, walang sariling sasakyan, walang ari-arian, walang magandang bahay pero I can say na hindi naman kapangitan, it is just a simple and normal one. I am living with my Mom, Karina, and with my little sister Queen Nathalie Sarmiento. My name is Ace Callum Sarmiento. Both of our names ng kapatid ko ay may halong pangalan ng cards like Ace and Queen kase my dad used to like playing cards way back then. Well regarding about my beloved father, he died when I was in sixth grade and my sister was about four-year old that time. Mahirap sya, but we managed to survive and I was very thankful for having my mom cause she never left us. She never abandoned us, instead, she did all the works and things for us to survive, to support our living. That's why I am doing my every best to reach my goals and dreams in life. I want to return the favor and all to my mom. I always wanted a life easier and better for the both of them. I cannot disappoint them. I cannot disappoint myself. "Bakit nga pala hindi pa bumabangon si Nath Ma? Wala pa ba syang pasok?" pagtatanong ko habang sumusubo ng agahan. "Ahmm, wala pa daw eh, sabi nung adviser nya is next week pa daw ang normal na klase nila. Salamat naman at may makaktulong pa ako dito. Magiging hassle na din kasi pag nagsimula nang pumasok si Nath, kase araw araw ko syang ihahatid tapos kakaunin pa, diba? Pero kaya ko naman." bawi ni mama. "Ako na lang kaya ang maghatid sa kanya Ma sa umaga para naman hindi kana masyadong maabala." wika ko naman. "Naku ka, kaya ko pa naman Cal. Mag-aral ka na lang ng mabuti. Hindi rin naman magkasabay ang schedule nyo ni Nath. Tsaka isa pa, magkaiba kaya ang way nyo papuntang school. Mapapagod ka lang." "Pero Ma kase nahihira..." "Kaya ko anak, ano kaba? Ako pa. Kaya ko. Wag mo akong alalahanin." pagpuputol ni Mama sa aking pagsasalita habang ako'y unti unting nagliligpit ng aking pinagkainan. "Sige na, ilapag mo na yan sa lababo. Ako na ang maghuhugas niyan. Baka tanghaliin ka." panunulak sa akin ni mama. "Pero Ma..." habol ko pa. "Sige na, lakad na. Ay ano ba tong batang to at ang kulit kulit." "Pero Ma..," aambahan na sana ako ni mama ng palo ng tumawa ako. "Ma, wala pa kasi akong baon. HAHAHA." pagbibiro ko na sya namang ikinatawa nya. "Hala! Nga pala. Nalimutan ko rin. Pulos ka kase kalokohan." sabay pingot at abot sakin ni Mama ng pera. "Pasensya na dyan, nak!" "Okay lang Ma, salamat po. Una na po ako," wika ko habang kumakaway paalis. Halos pangabot lang ako sa convocation activity ng school. Traffic kase kaya ang hirap mag commute. Iba pa rin siguro kung may sariling sasakyan. Hayy.. How i wish. Sobrang dami ng tao. Puno na halos ang napakalaking gymnasium ng E.A. Hinanap ko sina Vince at si Chlo sa grupo ng mga estudyante na nag-ipon sa loob ng gymnasium. "Dude! Dito!" hiyaw sakin ni Vince na nasa pinakataas ng mga bleachers ng gym na syang ikinagulat at ikinatingin ng karamihan. Halos itungo nya ang lahat lahat sa kanya at dahan dahang ibinaba ang kaninang mga kamay na kumakaway sakin. Napatawa na lang ako sa kahihiyang idinulot nya sa sarili nya. Hahaha. "Bakit ba tanghali ka naman.? Ang malas mo talaga sakin. Wag ka ngang dumikit!" pantataboy nya ng makarating ako sa kinauupuan nya. "Well dude, like what you've always said 'the feeling is mutual' hahaha." wika ko naman. "Tsaka wag daw akong dumikit ay may naka-reserve kana ngang upuan para sakin. Dude umamin ka nga sakin, bakla kaba? Ako yata ang gusto mo eeh kaya hindi ka nagkakanobya, ano? Umamin kana, tanggap naman kita kahit ano ka pa. Hahaha" pang-aasar ko sa kanya. "Baboy ka, loko! Hala, maghanap ka ng upuan mo. Ewan ko lang kung may mahanapan ka pang bakante dyan." sambit naman nya sabay lapag ng kanyang bag sa bakanteng pwesto na uupuan ko na sana. "Eto naman di na mabiro. Uy paupo! Haha." bawi ko sa kanya. "Letse, humanap ka ng upuan mo."sambit nyang muli habang pinakadidiin ang kanyang bag sa upuan. "Dude alam mo namang kaya ako tinatanghali ay dahil nagko-commute pa ako. Buti sana kung katulad mo akong mayaman. May sariling sasakyan kaya hindi na mag-aalala sa pag pasok." "Kaya nga sabi ko kakaunin na lang kita sa inyo, ayaw mo naman. Paawa ka pa eh." wika nya sabay alis ng bag sa upuan. "Naku wag na, baka mapagkamalan pa tayong magjowa, eh di lalo ka nang nahalata. Hahaha" pang aasar ko sa kanya at mabilis na umupo na nang aktong ibabalik na naman nya ang kanyang bag sa bleacher. "Haha biro lang, okay nako dito sa paglalaan mo ng mauupuan sakin tuwing may convo. Dagdag hassle pako sa'yo" sambit ko naman habang hinahanap si Chlo sa grupo ng mga estudyante. "Ano pa't naging magkaibigan tayo kung ganun, diba?" pagdadrama pa nya na hindi ko na pinansin at alam kong sa huli ay ipagpipilitan nyang kakaunin na ako sa bahay. "Asan nga pala si Chlo, diko napapansin." pag-iiba ko na lang sa usapan. Tutal yun din naman talaga ang sadya kong itanong. "Ahh nasa backstage sila, may performance daw ang student council as pa welcome sa mga students specifically sa mga returnees and transferee. " " AHHH," nawika ko na lang at nakininig at nanood na sa morning activity ng school. Pagkatapos ng convocation ay sabay sabay na kaming bumalik upang pumuta sa room. Naglalakad kami sa mahabang pathwalk patungo saming building. "Kamusta pala yung sayaw ko kanina Cal, ayos lang ba? Feeling ko talaga ang sagwa. Hiyang-hiya ako kanina sa taas eh. Kung hindi lang talaga ako chairperson, I wouldn't dare to go up there and dance. Ughhh!" pagtatanong ni Chlo sakin habang naglalakad. "Hindi naman ayos naman. Galing mo nga dun eh. Tsaka maganda ka naman babe, kaya bat ka mahihiya? Cheer up, my dear." sabi ko naman. "Oo nga Chlo, ikaw nga ata yung pinaka magaling dun sa mga nagsayaw kanina. Tsaka yung vice chairperson nyo na lalaki, di naman sya kagwapuhan tsaka tigasin ang katawan. Naku walang wala yun samin ni Cal pag kami na ang sumayaw." pagsingit naman ni Vince habang bumilis pa ng paglalakad at patalikod na humahakbang habang kinakausap kami ni Chlo. "Ano nga ulit pangalan nun.?" "Hahaha. Rhyss. Rhyss Antenor" natatawang sagot naman ni Chlo. "Aba at marunong kana dude tumingin ng gwapo at hindi ngayon ahh, talagang tinanong pa ang pangalan." natatawa ring ani ko. "Dude, wag masyadong pahalata ha!?" sabay bulong ko pa na sya namang ikinatawa ni Chlo. "Baliw. Hahaha." sabi nya na tumalikod na ulit sa amin. Napuno lang ng tawanan at kwentuhan ang aming paglalakad hanggang makarating sa room. Humanap kami ng mauupuan at doon itinuloy ang pagku-kwentuhan. Maya-maya pa ay dumating na ang aming teacher sa first subject. "Okay class, please settle down na. We will start na rin in a minute." at isa isa na kaming nagsiayos ng upo at nakinig. "So good morning and welcome sa Emerald Academy. I am Mrs. Elloisa Vasquez, I will be your Math instructor and at the same time , your adviser this whole school year." sambit ni Mrs. Vasquez. "So ayun, I don't want to ruin this circle of friends you all have but i have to rearrange your seating arrangements. I have here my plan and I have decided na gawing alphabetical ang arrangement ng upuan nyo. Well, I just want everyone of you to be with your other classmates and start some topics or conversation but not sa oras ng klase, and hoping na friendship as well, as we go on with this journey. I don't want you to stick with your friends and I want each and everyone of you to accept it. But then, again, I don't accept any reason. And you can't do anything since I am your adviser. So, without further due let's begin." wika ni Mam. " Anilao, Arellano, Bajita...,Montevallo" at umupo na nga si Vincent sa assigned seat nya habang kami ay nandito parin sa likod at nag-aantay ng aming turn. "Wag sana kayong magkatabi. Haha" wika nya nang tuluyan ng makaupo. Natatawa na lang akong pagmasdan sya dahil pinaggitnaan sya ng dalwang lalaki naming kaklase kaya paniguradong nagiinit na ang pwet nung umalis. Wala kasing katabing chicks. Hahaha "...,Rivera, Rodriguez, Samson, Sarmiento, and lastly Wagan." pagtatapos ni Mam. "And that's it. Hope you enjoy your seating arrangement. For the meantime lang naman yan kaya wag kayong mag-alala. For now, I want all of you to get a sheet of paper and write all information about you, your expectations for me and in the subject as well. Yeah, you may start." I always hate this introductory part every start of the classes, so childish for me. Hahaha. Well, that's only my opinion. But still, I am thankful na magkatabi pa rin kami ni Chlo. Si Vince lang talaga ang minamalas at napahiwalay. So ayun, I was busy getting my things to start doing the activity when someone knock into the door of the room. I couldn't manage to look since I was busy finding for my things when suddenly Vince called me. "Dude, dude! Siya yun. The girl I was talking to na na-meet ko at school canteen, remember?" wika ni Vince na syang nagpakabog ng dibdib ko. I don't know pero suddenly I've got this feeling, this feeling I've been ignoring for almost three years. "Sya yun!" pag-uulit ni Vince na nagbalik sa akin sa katinuan. Unti-unti kong sinulyapan ang babaeng nakatayo sa may pinto. And that very moment I saw her face, nanumbalik ang lahat. Ang sakit, ang galit, poot, pagkamuhi, at pangamba. I just found myself na nakatungo at unti-unting naiipon ang mga tubig sa aking mga mata na balak ata akong traydurin sa mga oras na ito. "Good morning Mam, sorry po I'm late." wika nya. Muling nanoot saking kalamnan ang lambing at lamig ng kanyang tinig. "It's okay, hindi pa rin naman kami nakakapagsimula, by the way, you are?" pagbabalik tanong ni Mrs. Vasquez. "Monica Mam. Monica Velasco po." sagot nya. No, no, no, no, no, this can't be happening. This cannot be. "Great, you can sit between Mr. Sarmiento and Ms. Wagan, the ones sitting at the back, the last two persons, kindly ask one of them what to do, okay.? Ms. Wagan you can move your seat so that Ms. Velasco can have her way to her seat. Thank you." ani ni Mam. Yeah Mam, just great. So fu*cking damn great!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD