"Dude wake up! You're having your sweetest and wildest dream na naman. Naku, mahuhuli tayo niyan eh."
Nagising na lang ako sa malakas na paghampas ng pinto ng aking kwarto at sa mala-mikroponong bunganga ng kaibigan kong tila hindi na naubusan ng sasabihin.
Dahan dahan kung kinusot ang aking mga mata at nasilaw sa liwanag na nagmumula sa siwang ng bintana at muling sumulyap sa kanya.
"Para namang nag-aaral ka nga kung makapagmadali, ano? Kung hindi ko pa alam eh puro kopya lang naman ang ginawa mo kaya umabot ka ng Senior High school." nawika ko na lang sabay balikwas sa aking kinahihigaan.
Dumiretso nako sa banyo para sa aking morning rituals.
"Pero dude, this day would be the most perfect day para sa ating dalwa. Alam mo kung bakit?"
"Oh bakit?"
"Kase nga this is the first day of school and can't you imagine kung gaano kadaming mga babae ang makikita natin! Madaming katulad nating transferees for sure and I wanna witness every single part of their faces, their bodies and everything. Malay mo makilala natin ang mga ka-forever natin, diba? Kaya bilisan mo dyan, ang malas mo talaga kaya hindi na gumanda ang lovelife ko eh." ratsada niya habang nakasandal sa frame ng pinto ng banyo ko.
"Manyak! Wag mo nga akong idamay sa pagiging single mo. Nakita ko na forever ko. Sabihin mo kaya hindi na umasenso ang lovelife mo ay dahil mo rin." natatawang sabi ko.
"At bakit?"
"Ay hindi mo alam? Lapit ka dito dude. Haha." at walang alinlangang lumapit nga sya.
"Tingin ka sa salamin, oh diba?" sabay tingin sa salamin.
"Eh di ngayon alam mona? Hahaha"
"Wow! Hiyang-hiya naman ako sayo. Nakalamang ka lang sakin ng mga ilang ligo dude! Sige na, magsepilyo kana. Ambaho ng hininga mo!" banat nya sabay balik sa may pinto palabas.
"Baliw! Makaligo na nga at nang mas makalamang pa sayo kahit mga ilang tabo. Haha" pahabol ko sabay sara ng pinto.
Halos maliyo ako sa dami ng estudyanteng parang isinabog sa quadrangle ng Emerald Academy. May nagkwekwentuhan sa mga benches na nakapalibot sa quadrangle, may mga estudyanteng minsan ay napapasulyap sa amin, may mga nag-iisa lamang na nagmamasid at I can say na they are like me and Vincent na transferee din, samu't saring mga commotions mula sa mga estudyante at speaker na nagsasalita sa gitna.
Habang itong katabi ko na si Vince ay hindi na natigil at nahinto ang mga mata kalilingon sa bawat babaeng umaagaw ng kanyang atensyon. Well, hindi naman sa ipinagtatanggol ko itong sobrang tinong kaibigan kong ito pero sadyang ganito lang to. Feeling matinik sa chicks pero ever since, hindi pa ito nagkakanobya. Hindi pa kasi nya nahahanap si 'the one' daw.
"Good morning students!" bati ng isang babaeng nagmamay-ari ng napakalambing na boses na nakatayo sa gitna ng quadrangle. Ang inosente nyang mukha at nakabibighaning mga ngiti ang umagaw sa mga ng karamihan at siyang nagpatahimik sa kanina'y napakaingay na paligid. Napangiti na lang ako ng masulyapan ang kanyang maaliwalas na mukha, mga mapupungay na matang wari'y laging nangungusap, matangos at katamtamang hubog ng ilong at mga labing nagtataglay ng nakahahawang ngiti.
"Ngiting-ngiti tayo ahh. Wala na bang mas ilalawak pa yan. Iba ka talaga. Hanep! Hahaha." wari ni Vince sa gitna ng aking pagmamasid.
"Oh bakit na naman?" tanong ko sa kanya.
"Iba talaga tama mo noh?"
"Hahaha. Syempre ikaw ba nman magkanobya ng ganyan kaganda, matalino at public figure ewan ko na lang." pagbabalik ko sa kanya.
"Naku nga! Matindi talaga tama ng kaibigan kong ito. Baka iwan ka din nyan sa huli ha? Ano nga ulit pangalan nung huli mo. Sayang hindi ko nakilala eh. Kundi naku! Wala syang karapatang iwan at paiyakin ang kaibigan ko ha! " seryosong aniya.
"Gagu! Kung ano-ano na namang ipinagkukukuda mo diyan. Manahimik ka nga!"
"I am Chloe Samson, chairperson of the governing student council and in behalf of the members of the council, I am very honored to welcome each and every one of you in Emerald Academy. We are hoping na maging masaya and valuable ang pag-stay nyo sa academe and mahanap ang tamang daan para sa inyong mga pangarap. Together, let us all be united and make our goals and dreams come true. Proper classes will start tomorrow. Well for the meantime, all students can tour theirselves around the campus and take time to appreciate the beauty of the institution. Thank you! Once again, good morning!" muling aniya at nilisan ang gitnang bahagi ng quadrangle. Unti-unti nya akong nasulyapan mula sa napakarami at nagkukumpulang mga estudyante. I don't know pero I just found myself smiling when she make her way towards me and Vince.
"Hi Cal, hi Vince! So how was me way up there?" pagtatanong nya ng may ngiti nang siya ay makalapit sa amin.
"Well as expected, you're stunnning and beautiful. Dude nakita mo ba kung paanong tumahimik kaina ang mga audience sa paligid nung sya na ang nagsalita. Sa dinami dami ng nagsalita dun kanina sayo lang sila nanahimik. Hahaha. Ganda mo kasi." banat ni Vince. Habang may paturo turo pa sa mga taong animo ay nangangandidato.
"Haha. Masyado ka naman. Nagkataon lang siguro yun." nahihiyang pagbabalik ni Clo.
"Yan dyan ka magaling Vincent Montevallo, sa pambobola." sabi ko naman.
"Bakit hindi ba maganda si Chloe? I'm just stating what I saw way back there, dude. Come on!"
"Kaya pala gusto mo pa akong isama dyan sa paghahunt mo ng mga chicks." wika ko sabay baling kay Clo. "Alam mo ba Clo, kung paano akong pinagmadali nyan kanina at baka daw makita na namin yung ka forever namin dito. Haha. At talagang dinamay pa ako sa pagiging forever single niya." panlalaglag ko sa kanya.
"So ganyanan na tayo ngayon dude. Laglagan na talaga? As in!" bawi nya sakin. "Pero Chloe wag ka maniwala dyan. Alam mo kaya ko pinagmamadali yan is nandito na nga kako yung forever nya. Yan, ikaw! Haha." pambabanat nya kay Clo. "Alam mo dude dapat nga ay magpasalamat ka pa sakin kasi pinagmadali kita eh di sana hindi mo nakita at naabutan ang pagsasalita nyan ni Chloe, 'Good morning students, welcome sa Emerald Academy." panggagaya ni Vince kay Chloe habang may pataas taas pa ng kamay at talagang inipit pa ang boses para magaya ang maliit na boses ni Clo.
"Haha. You're so funny Vince. Well, tara sa school canteen dun natin ituloy ang kwentuhan." pagyaya samin ni Clo habaang sya ay nanguna na sa paglalakad.
"Oh diba, funny daw ako. Pasalamat ka may kaibigan kang tulad ko kundi baka iniwan ka nyan. Wala ka kasing sense, dude!" panloloko nya sakin habang tatawa tawang humabol kay Clo.
"Walanghiya ka Vicente! Haha. Yari ka sakin pag naabutan kita!"
"Chloe, chloe, chloe si Callum nanghaharas oh!" sabay dikit nya kay Clo nung naabutan ito. "Sige irereport kita ng physical violence baka nakakalimutan mo na nasa harap natin ang chairperson ng student council oh." pang-uuto nya sakin.
"Hahaha. Baka lang naman nakakalimutan mong girlfriend ko ang chairperson ng student council." pagbabalik ko naman sa kanaya ng tanong.
"Ayy, wala to. Kaya pala malakas ang loob neto."
"Haha. Ano ba kayong dalwa. Tara na sa canteen. Puro kayo kalokohan." wika ni Clo nang tuluyan na akong nakaabot sa kanilang dalwa.
"Haha. Pasalamat ka!" wika ko habang itinuturo ang mukha ng nakangising si Vince.
Halos mapuno ng mga nagkalat na estudyante ang kalakihang canteen ng E.A. pero hindi naman kami nahirapang makahanap ng mapwepwestuhan.
"Ako na ang oorder. Dito na lang kayong dalawa. Take your time." sabay tayo ni Vince at lumapit sa kinaroroonan ko at bumulong. "Kausapin mo naman ng maayos. Yung may sense ha. Sige ka baka maagaw ko pa yan. Tandaan mo I'm funny daw." wika nya at kumaripas na habang tatawa tawa.
"Loko talaga yung kaibigan kung iyon. Kung ano-anong pinagsasasabi."
"Bakit? Masaya naman siyang kasama ahh." wika nya na naman.
"Haha. Sabi ko nga. Pero Clo...," sabay hila ko ng silya ko papunta sa kinauupuan niya. "Wala ba akong sense kausap?" seryosong ani ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA" napalakas pa ang pagtawa nya. Napatigil lamang sya nung mapansing seryoso ako.
"Of course not! Bakit mo naman natanong?"
"HAHA. Wala naman." nasabi ko na lang habang kakamot kamot sa ulo ko. Kung ano ano pa ang pinag usapan namin hanggang sa makarating si Vince.
"Oh lover birds. Kain na. Mamaya na ulit yan." singit ni Vince saming usapan nang siya ay makarating na dala ang mga in-order na pagkain.
"Alam mo dude, ang malas mo rin sa lovelife ko." wika ko naman sa kanya.
"Well, the feeling is mutual. Mag bestfriend nga tayong dalawa." pang-uuto nya na naman. Sabay upo sa silyang bakante sa table namin.
"So what can you say about our school? Buti na lang at dito nyo naisipan na pumasok sa school namin." pagtatanong ni Clo at nagsimula na sa pagkain.
"Ayos nman sya Clo. Mahal man ang tuition pero kung titingnan mas malaki itong school nyo at yung mga facilities kaysa sa dati naming school tsaka wala din kasing ini-o-offer na Academic Track dun kaya we chose na dito na lang pumasok tsaka para mas makasama kita." wika ko sabay kindat sa kanya.
"Scholar ka naman diba? Eh di mababawasan na ang bayarin mo regarding sa mga bayarin at maintenance fee ng school."
"Yup!"
"Ano nga palang kinuha nyong strand under Academic Track?" pagbabalik nyang tanong samin.
"Science, Engineering, Technology and Mathematics. Parehas kami ni Vince." sagot ko naman sa kanya.
"Ahh. So magiging mgkakaklase pala tayo ehh. Just great. This year would be much exciting I guess." sabi nya sabay baling kay Vince. "How about you Vince, what can you say?"
"Haha. Seriously speaking Chloe, I'm not into school, I'm much more into girls here. Everyone looks so stunning and beautiful."sagot ni Vince.
"Haha loko ka talaga." pagbabalik ni Clo na grabe ang tinawanan.
"Tsaka speaking of beautiful girls. I met someone dun sa pila kanina and she looks so extraordinary dude. Parang nag slow motion lahat kanina nung nakita ko sya kanina. I think I already met my 'the one'." sabi nya naman sakin.
"Clo, do you know someone named Monica Velasco. I think ka-level din natin sya. Sayang nga lang at hindi ko na nakausap ng matagal kasi paalis na rin sya nung dumating ako. Pero atleast I've got her name."
"Wala eh, I don't know her. Baka transferee din like you and Cal." sagot ni Chlo.
Pero hindi ko na yun pinansin kasi from that very moment I have heard her name, something went wrong. And i just found myself na nakatulala kay Vince. I'm not so sure pero kinabahan ako.
Monica. Monica Velasco. It was already been three years since that day. I was praying na sana mali ang taong nakita ni Vince sa taong kakilala ko pero a very little part of me is hoping na sana ikaw yun.
Sana...