Chaptee Six

1998 Words
          Hindi ko na nakita si Kiko after nung araw na yun. I had a little crush on him but it didn't last. He texted me a couple times pero hindi ako sumagot. I'd rather not.           Andito kami ngayon sa La Paraiso for the photoshoot. This is like my second time na nakapunta rito and this place just got a lot better. Nung una kong nakapunta rito, hindi ako makapaniwala na may ganitong lugar na nage-exist dito sa bansa. It is indeed like Paradise. I can stay here forever... And because I signed the contract, like they said, I will have my own villa here. I'm actually excited for that. They will bring me there siguro bukas after the photoshoot.           "Mukhang enjoy na enjoy ah?" anang si ate.           Of course kasama ko siya. She brought Kuya Allen and Zion with her too. Dalawang araw lang naman kami dito kaya I think nag-leave na muna si Kuya Allen para samahan si ate. He's always overprotective kay ate. Ayaw na ayaw niya itong umalis mag-isa. Nakakainggit nga eh. I wish I'll meet someone like him.           "Do you want to go swimming?" tanong ko kay Zion.           Agad naman itong tumango. "Okey lang po ba mommy?"           "Basta kasama mo si ate Justine."           Natuwa naman ito. Agad kong hinubad ang suot kong sundress. I already wore a swimsuit underneath it. Syempre beach ang punta namin, dapat ready.           Hinawakan ko ang kamay ni Zion saka tumakbo kami papunta sa tubig. Pinapanuod lang kami ni ate habang nakaupo siya sa buhanginan. Si Zion naman parang unang beses na maligo sa dagat. Hindi mapirmi. Halatang excited.           Naglalaro lang kami ni Zion sa dagat when someone suddenly approached us. They're a group of guys. Naglaro sila ng pasahan ng bola kaya nilayo ko si Zion pero tuwing umuusog kami palayo, lumalapit naman sila.           "Can you guys move a little bit? May bata kasi dito, baka matamaan niyo." hindi ko na napigilan ang sarili.           Agad na lumapit sa akin yung isang lalaking may hawak ng bola. "Pasensya na miss... Ako nga pala si Lance."           Inirapan ko ito saka kinarga si Zion palayo sa kanila. Rinig ko ang panunukso ng mga kaibigan niya habang paahon kami ni Zion. Nagtataka man ay hindi na nagsalita si Zion. Umupo na lang kami sa buhanginan at gumawa ng sand castle.           "Nakatingin pa rin po sila sayo." nagsusumbong na wika ni Zion.           Tiningnan ko naman yung mga lalaking tinutukoy niya. "Hayaan mo na. Wag mo na pansinin. Let's just finish this castle, okey?"           He nodded. Nagkwento siya sa akin tungkol sa mga ginawa nila sa school. He's really adorable. Napakadaldal pa.           "Justine?"           Natigil ako sa ginagawa ng marinig na may tumawag sa pangalan ko. I know my name's very common pero tuwing naririnig ko yun hindi ko maiwasang mapatingin.           "It's really you."           Gulat akong napatayo ng makita si Kiko. What the hell is he doing here?? Wait... Is he here because of Pinch? I didn't see him earlier sa photoshoot though.           Napansin kong napatingin siya sa dibdib ko kaya agad akong napayakap sa sarili. I looked around to look for ate but she's nowhere to be found. Did she just leave us here?           "I thought I was just seeing things but it's really you."           I tried to smile. "Y-yeah."           "Who are you with?" tumingin siya kay Zion na naglalaro pa rin sa buhanginan.           "I-I'm with my sister and her family. That's my nephew, Zion."           Tumangu-tango siya. "I texted and called you a couple times pero hindi ka sumasagot. May problema ba?"           Napaubo ako. "I-I changed my number. Rumami kasi yung nagte-text na di ko kilala. It was annoying."           Huminga siyang malalim. "You should have told me... Akala ko iniiwasan mo ako dahil dun sa nangyari. Look, that girl was a psycho. We broke up a long time ago but she kept following me wherever I go--"           "Bakit naman kita iiwasan dahil dun? I'm pretty sure that's none of my business. Talagang nagbago lang ako ng number. I forgot to tell you or text you. Busy na rin kasi ako nitong mga nakaraang araw. I told you, I'm a student. Madaming ginagawa saka I'm working now kaya trabaho at pag-aaral lang yung inaatupag ko."           Nagtaka ako ng bigla niyang hubarin ang suot niyang shirt saka iabot yun sa akin.           "Para saan toh?"           "Wear it. Kanina ka pa tinitingnan nung mga gagong yun."           "I-it's okey."           "Just wear it. Your swimsuit's... too thin."           Agad kong tinakpan ang sarili nung tshirt niya ng paraanan niya ng tingin ang katawan ko.           "You look great that's why everyone's drooling over you."           Iniwas ko ang tingin sa kanya at sinuot ang shirt niya. Narinig kong tinawag ako ni Zion kaya bumaling ako rito.           "Ate, naiihi ako." aniya.           I tsked. "Anyway, isasauli ko na lang toh sayo mamaya. Just tell me kung saan ko toh ihahatid. I have to take care of Zion."           "Where are you staying? Sa hotel? Ako na ang pupunta sayo."           I nodded. "J-just text me if andun ka na. Bababain kita."           "I don't have your new number."           Oo nga pala, sinabi ko sa kanya na nag-iba ako ng number. Tsk. Buti na lang dalawa yung sim ko.           "Ate! Maiihi na talaga ako!" sigaw ni Zion.           "Do you have your phone with you?"           Agad na inabot ni Kiko ang phone niya sa akin saka lumapit siya kay Zion. Nagtaka naman ako. Nakalimutan ko kung anong number ang binigay ko sa kanya nung una, bahala na.           "Samahan na kita. Sekreto lang natin toh, don't tell anyone, but you can pee in the water." aniya kay Zion.           "H-here." ibabalik ko na dapat kay Kiko yung phone but he didn't accept it, imbes ay sinamahan niya si Zion sa dagat. He talked with him though I can't hear it. Nailing na lang ako. After nun ay bumalik na sila sa harap ko.           "Are you are Justine's friend?" tanong ni Zion rito.           "Yeah. I guess." sagot ni Kiko habang diretso ang tingin sa akin.           I took Zion from him at binalik na sa kanya ang phone niya. He checked his phone saka tumingin sa akin.           "Saan na kayo ngayon?"           I shrugged. "Hahanapin muna namin yung kapatid ko. Palubog na rin yung araw. We'll probably go back to our room."           "Unang beses mo ba dito? You should look around. Maraming pwedeng pasyalan dito."           I smiled. "It's actually my second time here and you're right... Ang daming pwedeng mapuntahan sa lugar na toh. I seriously love this place."           Bumakas ang tuwa nito sa sinabi ko. "I can tour you around if you want. Kabisado ko na ang lugar na toh."           "Malamang madalas ka dito."           "Yeah. Halos dito ako naglalagi pag weekend o wala akong magawa."           "Nice." tipid kong sambit.           "Kung babalik na kayo sa hotel, ihahatid ko na kayo."           "No need. Alam ko naman ang papunta sa hotel. But thanks."           "I insist. Hindi ako matatahimik kung hindi ka mahahatid. Lahat ata ng lalaki sa resort sayo lang nakatingin."           I laughed. "Hindi kaya. Tss."           "Look around, Justine. Their eyes are on you. Mas maganda ka pa kasi sa sunset."           I looked at the sky when he said. I was filled with awe when I witnessed the most beautiful sunset I've ever seen my entire life. I didn't even notice na tuluyan ng lumubog yung araw.           Lumapit si Kiko sa akin at pinagmasdan ako. "You're a lot prettier than that. I should keep you here. You make this place so much better."           Umiling-iling ako. "Bolero. Sige na nga, hahayaan na kitang ihatid kami."           Ngumisi siya. "Totoo naman."           Nauna na akong naglakad habang hawak si Zion. Mabilis siyang sumunod sa amin. Napakislot ako ng ilagay niya ang kamay niya sa beywang ko. Lalayo na sana ako but he pulled me closer.           "Don't move. You should let them see you're with someone para hindi ka nila istorbohin."           Hindi niya ako binitawan hanggang sa dumating kami sa hotel. Tila bumalik yung malakas na pagtibok ng puso ko. Did I seriously like him again dahil doon?           "T-thank you." nahihiya kong wika.           Hinawakan niya ang kamay ko. "You should go ahead. Lumalamig na yung hangin."           Naalala ko yung shirt niyang suot ko pa rin. He literally just walked around with no top on. Kaya pala tingin ng tingin yung mga babae sa kanya kanina.           Huhubarin ko na sana ang shirt niya but he stopped me.           "I don't know if you're just innocent or liberated but you can't take off that shirt, sweetheart. You're getting too much attention. Ibalik mo na lang yan sa akin bukas."           I bite my lips.           "Don't do that too."           "H-ha?"           Tumawa siya. "I said you're too pretty."           "I think you're making fun of me."           "I'm admiring you, sweetheart."           Mahina ko siyang sinuntok sa tiyan niya. Ang tigas bes. Yung abs... Jusko, nahawakan ko yung abs niya.           "Where are you looking at? My face is here, sweetheart." tinaas niya ang tingin ko sa mukha niya.           Nakaramdam ako ng hiya. s**t. Nahuli niya akong nakatingin sa abs niya. Saka why does he keep calling me sweetheart?? Ugh!           "Justine! Andito lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap--" hindi natapos ni ate ang sasabihin ng makita si Kiko.           Malakas akong tumikhim. "T-thanks again. We'll go ahead now."           Hinila ko sina ate paalis na roon. Nakatayo pa rin si Kiko kung saan namin siya iniwan nung bumaling ako sa kanya. Kumindat siya ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Muntik na akong mabilaokan ng sariling laway.           "Who was that?" takang tanong ni ate ng nasa elevator na kami.           "A friend."           She raised her eyebrow. "A friend? Halos di na matanggal mga mata niyo sa isa't isa kanina. Is he courting you?"           Tumawa ako. "No! He's really just a friend."           Of course, hindi siya naniwala. Hinayaan ko na lang siya sa iniisip. Totoo namang kaibigan ko lang talaga si Kiko. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD