Hindi ko alam kung saan pupunta pagdating sa taas. There are lots of rooms. Dapat pala tinanong ko kung saan dito ang kwarto ni Kiko.
So dahil wala naman akong ibang choice, isa isa kong chineck yung mga kwarto sa second floor. Most of them are empty. Habang yung iba... Well, alam niyo na.
Isang room na lang ang hindi ko nache-check so it's either andito siya o baka he's somewhere downstairs at hindi ko lang napansin.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa loob. Nanlaki ang mata ko ng masilayan ang tatlong babaeng nakahubad, as in they're fully naked, habang nakahiga sa kama at naghahalikan.
Isasara ko na sana yung pinto para bigyan sila ng privacy ng bumukas yung pinto ng cr na nasa loob. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko ng masulyapan si Kiko. He's only wearing a rob. Agad na tumayo ang tatlong babae mula sa kama at nilapitan siya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan habang hinahalikan siya nung tatlong babae. He started carassing one girl's breast saka tinulak niya sila isa-isa sa kama. The girl stood up again. She sat on the bed while he's still standing saka dahan-dahang binuksan nung babae ang suot nitong rob. Before he stripped naked, nanginginig na sinara ko na yung pinto.
Napaupo ako sa sahig, hindi makapaniwala sa na-witness. What... The... Hell?
Bago may makahuli sa akin doon, tumayo na ako't dali-daling bumaba.
I went directly to the kitchen at naghanap ng maiinom. Tanging alak lang ang meron dito. I took one saka nilaklak iyun. I can't believe what I just saw like oh my god...
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakaupo lang sa harap ng counter. I don't even know kung ilang baso na ng alak ang nainom ko. I was... shocked.
May iilang lumapit sa akin asking me my name and to join them pero hinindian ko lang sila. Para lang akong tangang pinanuod yung ibang guests na nagsasayaw sa gitna. I'm not even sure kung ba't andito pa ako.
I was just sitting there when someone spoke near my ear. "Hey, pretty."
Muntik na akong mahulog sa upuan sa gulat. Agad naman niya akong hinawakan.
"I'm glad you're here." aniya.
Ilang beses akong napakurap ng masilayan siya. Bumaba ang tingin ko sa katawan ni Kiko, hindi nakasara ang iilan sa butones ng suot niya kaya kita ang dibdib niya. May napansin pa akong parang chikinini sa may leeg niya. Agad kong iniwas ang tingin ko doon.
"Kanina ka pa?" he asked.
"N-not really." pagsisinungaling ko. Though I'm sure halos dalawang oras na akong nakaupo dito.
He looked at the cups in front of me. "Mukhang marami ka ng nainom." natatawa niyang wika.
"W-well... Uhm..." tumayo na ako mula sa kinauupuan. "I have to go. I-I actually just came here to say hi."
Kumunot ang noo nito. "What? You should stay a bit longer. Maaga pa naman."
I faked a smile. "M-may gagawin pa kas--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ng may pumasok sa kitchen. I think it's Kiko's friends na kararating lang. They all greeted him. Naasiwa naman ako sa mga tingin nila.
"Hi. My name's Andrew." pakilala ng isa.
"Hey." tipid kong bati pabalik.
Napasinghap ako ng biglang umakbay si Kiko sa akin. "Do you want to go somewhere else? Medyo dumadami na ang tao dito." aniya sa akin.
But he didn't wait for me to answer. Instead, nagpaalam siya sa mga kaibigan niya saka hinila niya ako paalis roon. He brought me at the back of his house. May iilang guests roon. Some are drinking, of course, while the others are just sitting near the swimming pool.
"I really have to go." sambit ko finally.
Ngumuso siya. "Come on, Justine... The party is just getting started. Stay tutal andito ka na rin naman."
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Why the hell is he so adorable? Geez... But I still can't erase what I saw from my head.
"We should sit." aniya't hinila ako paupo sa gilid ng pool. "I'm really glad to see you here."
"Nagpunta lang talaga ako rito to say hi... I mean, it'd be rude not to come."
Mahina siyang tumawa. "I specifically sent you that message this morning. I waited for your reply but I didn't receive any so I texted you again."
Napayuko ako. I was waiting for him to text again.
Nilagay niya ang isang kamay sa hita ko. Ilang beses akong napalunok.
"So what can you say about the party?"
Tumikhim ako. "I'm not really a party person... But I think it's fun."
Ngumiti siya. "Nice to hear that."
Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa hita ko. Napansin niya iyun kaya agad niyang tinaas ang kamay at binalik sa gilid niya.
"Do you want a drink?"
Umiling ako. "I had enough."
"Right. Ang pula na ng mukha mo sa dami ng nainom mo."
"Yeah... Ni hindi ko napansin na naparami na pala ako." natatawa kong wika. "Are they all your friend? I mean lahat ng bisita dito?"
He shrugged. "I guess. They all know me."
I raised my eyebrow. "Is that your definition of friendship?"
"Bakit? Ano ba ang friendship para sayo?"
Napaisip ako. Ano nga ba? "Someone close to you? Someone who's always there when you need them?"
"Well, they're close to me and they always come when I ask them to come."
"At your parties... But when you're done, may isa ba sa kanila ang pupunta para damayan ka?"
Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Can you be my friend then?"
"I-if you want to... Why not?"
Hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Nag-usap pa kami about random stuff. He asked me kung anong ginagawa ko sa buhay and I told him I'm a student. Sobrang nagulat siya. So he asked me kung ilang taon na ako, he was relieved when I told him I'm already 22.
Nage-enjoy na kami sa pag-uusap namin ng biglang may lumapit kay Kiko at walang sabi-sabing hinila ito't hinalikan. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Damn, how many girls does he have?
"I miss you." anang babae.
Tinulak ito palayo sa kanya. "I already told you we're done. You're not even invited, why the hell are you here?"
"I heard about it through Ken. I really can't believe you, after I gave you everything yun na yun? You know... I'm willing to give you more."
"Stop, Safara."
Mapaklang tumawa ang babae. "Why? May iba ka na ba?"
"What's that got to do with you? Akala ko ba malinaw sa ating dalawa na laro lang ang--"
"Hindi lang laro yun sa akin, Kiko. I love you! Kaya nga ginawa ko lahat ng gusto mo, diba??"
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. Mukhang sumeseryoso na ang usapan nila. I should get out of here.
"Hey, wait." hinawakan ni Kiko ang kamay ko.
Bumaling yung Safara sa akin. "Siya ba???"
"I don't need any reason to leave you." walang kagana-ganang wika ni Kiko.
Tumawa ulit ito. "So siya nga?? You're leaving me for that fat b***h?? Are you--"
"Shut the f**k up kung ayaw mong masipa paalis dito. And leave her alone dahil baka hindi na ako makapagtimpi sayo."
Wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Kiko paalis roon. Yumuko lang ako ng mapansin na nakatingin na pala sa amin yung ibang naroon malapit sa pool.
Sumigaw ng pagkalakas lakas yung babaeng ex ata ni Kiko but Kiko didn't even stop to look at her. Ang sama sama nung tingin ng babae sa akin. Dude, I don't even have any idea what's going on. I'm just a guest here. He should have said that. Ayaw kong madamay sa kahit anong gulo.
"I really have to go." sambit ko kay Kiko ng nasa loob na kami.
"If it's because of--"
"No, it's not about that. I told you, may gagawin pa ako. I'm really sorry."
Hindi na ako nagpapigil pa sa kanya. Sisibat na ako bago pa man may gawin yung ex niya. I'd like stay out of trouble.
"Ihahatid na kita."
Umiling ako. "You should stay here. Your guests need you. Thanks for inviting me anyway."
And tumalikod na ako sa kanya. Hindi naman niya ako pinigilan pa.