Chapter Four

1427 Words
          "I'm so happy!! Glad you changed your mind!" anang si ate saka niyakap ako.           Kakadaan ko lang sa Pinch for contract signing. We talked about a lot of things tungkol sa magiging trabaho ko and like what ate said, we'll be together sa photoshoot for Pinch's anniversary. I'm excited and kinakabahan at the same time. Wala akong ideya sa bagay na toh but they'll help me learn, they said.           I will be attending a workshop this weekend bago ako sumabak sa photoshoot.           "We should tell mom and dad."           Umiling ako. "Not yet. They'll probably be against this. Alam mo namang ga-graduate na ako. They'll only tell me to focus on my studies."           "Oo nga pala... We'll keep it a secret then?"           I nodded. "Until my graduation at least."           Hinatid ako ni ate sa condo. Yeah, napagdesisyonan kong sa condo na manatili sa dalawang buwan na natitira ko sa college. The house is too big. Ang dami kong gagawin sa mga susunod na araw and I'm sure wala na akong time na maglinis. Hindi ko naman maaasahan yung si Ellah. Sa ilang taong magkasama kami sa iisang bahay, never ko siyang nakita na naglinis.           "What changed your mind though?" interrogate ni Ellah sa akin ng makabalik na ako. "Was it their offer?"           I nodded. "No company will offer me those things. I can't let that go."           She hugged me. "I'm so happy for you. Finally, may friend na akong famous! Everyone will be happy if they know about this."           Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't ever post it online. It's a secret. Ibubuko mo pa yung Pinch eh. They told me to wait for their instructions."           Ngumuso siya. "Someone made a fan group for you and I of course joined in. I really want to tell them the news first!"           "Tumigil ka nga. Fan group ka diyan. Tss."           Nag-uusap lang kaming dalawa ng mag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko kung sino iyun and I was surprised to see Kiko's name on the screen. Ilang araw na rin ang dumaan simula nung nagkita kami sa Pinch and he never texted me or anything. Syempre di ko rin siya tinext at baka ano pa ang sabihin.           "Bakit parang ang saya saya mo? Who is that?"           Nilayo ko sa kanya ang phone ko saka binasa yung text.           "Party at my house tonight. See ya." yun lang ang nakalagay sa text.           Napakurap ako. Ni hindi ko alam kung saan ang bahay niya. Should I ask him? Pero parang ang weird naman kung itetext ko siya asking where he lives.           "Who texted you? Nagsesekreto ka na sa akin? Who's that?"           "Wala. Ang dami mong tanong eh."           Ngumuso siya. "Anyway, tutulungan mo ako sa paghahakot ng gamit ko sa bahay, right? Marami pa akong naiwan dun. Bilin din ng ate mo na linisin natin yung bahay dahil iniwan nating nakakalat lang yung mga gamit last time."           Humiga ako sa couch. What should I do? Paano ko malalaman kung saan siya nakatira? Ite-text ko ba siya? Tatawagan? Ugh! Nakakahiya! What if group message lang yun? What if he just sent that randomly? O kaya wrong send lang?           Sinapak ako ni Ellah. "Are you listening? Sabi ko pupunta ba tayo sa bahay ngayon?"           I groaned. "Tumahimik ka muna! May iniisip ako."           "And what is that? Kakatapos lang ng exams natin so I'm sure it's not about that."           Hindi ako sumagot. I looked at the text message again. I waited na magtext siya ulit pero wala. Ugh! This is frustrating! Baka nga wrong send lang. Why would he invite me to a party eh hindi nga kami close. Dalawang beses ko pa nga lang siya nakikita, yung una di pa niya ako naaalala.           Disappointed akong tumayo mula sa couch. Paulit ulit akong sinigawan ni Ellah pero hindi ako nakinig.           "Mamayang hapon na!" wika ko at nagtungo na sa kwarto ko.           Wala akong kagana gana buong araw. Okey, maybe I like him. Bakit? Masama ba ang magka-crush sa taong kakakilala mo pa lang? He's nice to me, tapos he's gwapo. Any girl would fall for that. And it's disappointing that he didn't text me after that.           "Kaninang umaga lang ang saya mo tapos ngayon para kang namatayan." anang si Ellah.           Maga-alas sais na. Papunta kami ngayon sa bahay para hakutin yung ibang gamit. Kanina dapat yun but I kept saying na mamaya na hanggang sa siya na mismo ang humila sa akin palabas ng kwarto.           "Ako na magda-drive. Mabangga pa tayo sayo." inagaw niya sa akin ang susi ng kotse ko.           Papasok na sana ako ng front seat ng mag-vibrate ang phone ko. Hindi na ako umaasa na i-text niya ako but I still checked it at tingnan mo nga naman. Kung kailan sumuko na ako saka siya nag-text!           "Hey! Aren't you coming? It'd be nice to have you in this party. Anyway, if you decided to come here's my address..."           Agad akong napangiti sa nabasa. Inagaw kong muli kay Ellah yung susi na kinagulat niya at dali-daling pumasok ng driver's seat.           "Bukas na lang natin kunin yung mga naiwang gamit. I have to go somewhere! Bye!" saka pinaharurot na ang sasakyan.           She shouted at me to come back pero tumawa lang ako. Hayaan niyo na ako, ngayon lang ako ulit nagka-crush, okey? Yung huling crush ko yata highschool pa. Marami namang gwapo sa university, may iilan ding nanligaw but I was never interested with them. They're all too immature for my taste.           Pagdating ko sa labas ng address na sinabi ni Kiko, pansin kong nagsisimula na ang party sa loob kahit na maaga pa naman. There are lots of cars na naka-parking sa harapan kaya nahirapan pa akong maghanap ng parking space.           Nagdadalawang isip ako kung papasok ba o hindi. I don't really know anyone here. Kumpara kay Ellah, I was never interested with party. I didn't even attend any college parties before. This will be my first time to be honest.           Na-conscious ako sa sarili ko ng mapansin ang tinginan ng ilang nadadaanan ko. They're all drinking and stuff. Wala akong nakitang ni-isang pamilyar na mukha.           Agad kong hinanap si Kiko ng makapasok sa loob but the house is too crowded, dagdagan pa na dim yung ilaw.           "Hey."           Napangiti ako ng makita si Edmund. "Uy."           "You're that girl, right? Sa Pinch?"           I nodded. "Finally, may nakita na rin akong pamilyar na mukha."           He laughed. "Kararating mo lang? You must be looking for Kiko?" may laman ang tanong nito.           "W-well... Siya yung nag-invite sa akin dito so I just... You know... Want to say hi?"           He chuckled. "He's upstairs. Kanina pa yun. You should check him."           "Maghihintay na lang siguro ako dito."           "Nah. Puntahan mo na. Maybe he's waiting for you." he winked.           I felt butterflies in my tummy thinking that maybe he's waiting for me. I mean, I'm sure he's not. Why would he? Sa dami ng bisita niya ba't pa niya ako maiisip?           I'm not sure if I'm allowed to go upstairs pero dahil si Edmund na rin naman ang nagsabi, bahala na.           Nagpaalam ako sa kanya at umakyat sa second floor. May iilan pababa pa lang mula sa taas and they all look drunk. I tried to avoid any of them. May ilang bumati sa akin kaya bumati na rin ako pabalik. Ayaw ko namang magmukhang suplada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD