Chapter 3

2694 Words
MALAKI ang ngiti ni Luke nang pumasok sa istasyon na pinagtatrabahuan ng kaniyang kasintahang si Adriana. Sa kaliwang kamay niya’y isang malaking bouquet ng iba’t ibang mamahaling bulaklak. A combination of Star Gazers and Carnations. Habang sa kabilang kamay niya’y hawak ang kaniyang cellphone and dialing Miki’s number—Adriana’s manager. May scheduled guesting si Adriana ngayong gabi sa isang news channel at ang kasintahan muna ang papalit sa Star Patroler ng nasabing news channel. That’s why Luke decided to pick her up para hindi na ito magpahatid sa manager nito. Nang makita niya ang manager ni Adriana, agad niyang tinawag ito. Lakad-takbong lumapit sa kaniya ang babae. “Hey, Luke. Sorry, nasa studio pa si Adriana. Hindi pa tapos ang segment niya,” the petite woman said. “It’s okay, Miki. I’ll just wait for her.” Hindi naman siya estranghero sa istasyong iyon dahil madalas niyang sunduin doon si Adriana sa tuwing may guesting or interviews ito roon. “Doon ka muna sa dressing room ni Adriana maghintay,” wika ni Miki at iginiya siya papasok sa loob ng istasyon. May nakakasalubong sila na mga showbiz personality at lahat ng mga ito’y binabati si Luke. Luke just smiled and nodded at them. Halos lahat sa show business ay alam ang tungkol sa kanila ni Adriana. He must admit, may ilang sikat na female artists ang sinubukan nang akitin siya o magpapansin sa kaniya. But none of those celebrities became victorious. Sa sarili niya’y buo na ang pagmamahal niya kay Adriana. The kind of love that is loyal and faithful. Marami mang temptasyon sa paligid ay hindi siya nagpadala. Wala siyang balak dahil sapat na si Adriana para sa kaniya. Mula nang makilala niya ang nobya ay nagbago na ang pananaw niya sa buhay. Sa edad niyang treinta’y dos ay nais na niyang mag-asawa at magka-pamilya. And he is sure that Adriana is perfect to be his wife. Nang makarating sila sa isang pintuang may nakadikit na pangalan ni Adriana at ng isa pang babaeng artista ay binuksan iyon ni Miki. Naabutan nila sa loob si Louella Buenavista, isa ring beauty queen turned actress. Ito ang ka-share ni Adriana sa dressing room. “Dito ka muna, Luke. Babalikan ko lang si Adriana sa studio,” wika ni Miki na agad nagpaalam at muling isinara ang pintuan. “Hi!” matamis ang ngiting bati ni Louella kay Luke. Agad itong tumayo at nakipag-beso sa kaniya. They met several times already at isa lamang si Louella sa mga babaeng nais siyang siluin at agawin mula kay Adriana. Ngunit ni minsan ay hindi niya binanggit kay Adriana ang tungkol doon. He doesn’t want to give her reasons to be jealous. Isa pa’y close si Adriana at Louella. Ayaw niyang lagyan ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa. “Hello, Louella. I’m sorry for invading your privacy,” hinging paumanhin ni Luke. “Ano ka ba, no worries. You can stay here as much as you like,” wika ng dalaga na bumalik na sa harap ng salamin at inayos ang sarili. “Thanks,” mahinang wika ni Luke at tinungo ang side kung saan ang pwesto ni Adriana. Inilapag niya ang dalang boquet sa ibabaw ng vanity at humila ng upuan. “So, how are you, Luke?” kapagkuwa’y tanong ni Louella na sa pagkakataong iyon ay sinusuklay ang itim at alon-alon na buhok. “I’m doing great,” maikling wika ni Luke habang tinititigan ang repleksyon ng babae sa salamin. Maganda si Louella, iyong tipong kay perpekto ng mukha. Magaganda ang medyo singkit na mga mata na binagayan ng makapal na kilay. Matangos ang ilong at manipis na labi. Maputi at makinis ang balat. She’s sexy. Mga pisikal na katangian na siguradong magugustuhan ng kahit sinong lalaki. But Luke was an exception. Tanging kay Adriana lamang niya nadama ang matinding atraksyon at pagnanasa. “I can see that,” wika ni Louella na tumayo at sumandal sa silyang kanina lamang ay inuupuan. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “How about you?” balik tanong ni Luke. Kung siya lang ay ayaw na sana niya itong kausapin. Ngunit hindi niya gustong maramdaman ang tensyon sa pagitan nila ni Louella. Silang dalawa lamang ang nasa loob ng dressing room at magiging awkward ang atmospera kapag hindi sila nag-imikang dalawa. As much as possible ay nais niyang maging komportable silang dalawa. “I’m fine. I’m still waiting for the time that you would ask me out,” nakangiting wika nito. “I’m sorry. Alam mong mahal ko si Adriana. Besides, you’re friends,” wika ni Luke at umaasang maiintindihan ni Louella ang mensaheng nais niyang iparating dito. “Why are you so stiff, Luke?” Luke cleared his throat. “What do you mean?” Louella chuckled at humakbang palapit sa kaniya. Her sweet fragrant assaulted his nostrils. Itinukod nito ang kamay sa sandalan ng kinauupuan niya at bahagyang inilapit ang mukha sa mukha ni Luke. Her eyes were glued on Luke’s lips. “I think I will never find someone like you, Luke,” paanas na wika ni Louella na sinasadyang paglapitin ang kanilang mga labi. Her breath fanning his face. “You’re sexy and beautiful—” “I know,” putol ni Louella sa nais pang sabihin ni Luke. She suddenly sat astride on his lap sa pag-aakalang ang sinabi ni Luke ay senyales na may pagnanasa rin ito sa kaniya. Mabilis na sinakop ng labi ni Louella ang labi ni Luke ngunit sandali lang iyon. Hinawakan ni Luke ang dalaga sa magkabilang balikat at inilayo ang mukha mula rito. Confusion and disappointment was written on her face. “Come on, Luke. A little fun with me won’t hurt. Hindi pa naman kayo kasal ni Adriana. I promise, I won’t tell,” halos pabulong na wika ni Louella. Sinubukan ng dalaga na halikan uli si Luke ngunit iniwas nito ang mukha. Pigil ang iritasyon na nagsalita si Luke. “Dumistansiya ka sa akin, Louella. Ayokong malaman ni Adriana na ginagawa mo ito,” Luke warned her but Louella doesn’t seem to care. “She doesn’t have to know. I’m offering myself to you, Luke. No strings attached. Game ako kahit kailan. Ikaw lang itong masyadong nagpapa-hard to get.” “I’m not playing hard to get, Louella,” Luke defended. “At wala akong balak na pagtaksilan si Adriana,” dagdag nito na bahagyang itinulak ang dalaga palayo sa kaniya ngunit lalo lamang nito idiniin ang sarili sa kaniya. He could feel her full breast on his chest. “You’re too close, Louella. Lumayo ka ngayon din sa akin bago pa ako gumamit ng pwersa. I’m trying to be nice and gentle here, lady.” Luke saw Louella rolled her eyes. “You’re no fun, Luke.” “My patience is thinning, Louella. Ilang beses mo na itong ginawa. At sasabihin ko uli sa iyong hindi maaari ang gusto mong mangyari dahil seryoso ako sa relasyon namin ni Adriana. You’re beautiful, hindi ka mahihirapang makakita ng ibang lalaking gugustuhin ka.” Pinagdiinan pa ni Luke ang salitang ‘ibang’ upang tumimo sa isip ng dalaga na wala siyang balak patulan ang alok nito. Tumatahip ang dibdib sa galit na tinitigan siya ni Louella. If only her eyes were daggers, nasisiguro niyang kanina pa siya dead on the spot. “You’re not a saint, Luke. Bakit mo pagtityagaan si Adriana when you can have all the woman you want?” “Simply because I love her. You wouldn’t want someone you love bed another woman, do you?” wika ni Luke. Nakita niyang lalong gumuhit ang pagkainis sa mukha ng babae. “Kaya umalis ka na sa kandungan ko kung ayaw mong itulak kita. Hindi mo gugustuhin iyon.” “Whatever. Hindi lang naman ikaw ang gwapong lalaki dito sa ibabaw ng lupa,” sabi ni Louella na umalis na mula sa pagkakandong sa kaniya. Iniwanan pa siya nito ng nakakatakot na irap bago lumabas sa dressing room. Luke sighed heavily. Napapailing na kumuha ng tissue sa box na naroon at pinahiran ang lipstick ni Louella na maaaring nagkalat sa kaniyang labi. Hindi niya nanaising makita iyon ni Adriana. Hindi niya nais itong takutin at hindi naman totoong itutulak niya ito kung sakali. Wala pa siyang sinaktan ni isang babae sa tanang buhay niya at hindi niya iyon gagawin sa kahit na kaninong babae. Ilang sandali pa’y bumukas ang pintuan at nakita niya ang nobya na agad yumakap at humalik sa labi niya nang abutan siya roon. Mabuti na lamang at hindi nito naabutan ang eksena nila ni Louella. Kung sakali’y katakot-takot na paliwanag ang gagawin niya kay Adriana. “Hon, hindi mo sinabi sa akin na susunduin mo ako ngayon.” “Well, pauwi na nga ako nang maisipan kong tawagan si Miki. I was trying to call you pero hindi ka sumasagot. At tama ang hinala kong nandito ka pa nga.” “I’m sorry, hon. Kaninang tanghali lang kasi ako tinawagan ni Jed na hindi makararating ngayon si Dana,” tukoy nito sa orihinal na Star Patroler ng istasyon. “It’s fine, babe. Here,” wika ni Luke na inabot ang boquet ng bulaklak sa nobya. Malawak ang ngiting tinanggap naman iyon ni Adriana at dinala malapit sa ilong. “Oh, thank you, hon. They’re lovely. Hindi ka na sana nag-abala pa. Dapat ay dumiretso ka na lang ng uwi para hindi ka na napagod pa,” aniya na niyakap ang pumpon ng bulaklak. “Hindi kaabalahan sa akin ang mga bagay na may kinalaman sa ‘yo, babe. You know you are my strength. Kahit lowbat na ako galing sa opisina ay nafu-full charged ako kapag nakikita kita.” He really appreciate Adriana’s concern for him. Kaya kahit minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang maghanap pa ng ibang babae. Adriana loves him. She cares for him and that’s more than enough. “Eh, bolero ka talaga,” pigil ang malawak na ngiting umirap si Adriana sa kaniya. “I’m only telling the truth, babe. Feeling ko nga ako na si Superman nang yakapin mo na ako at halikan. Lumakas ako bigla.” Binigyan ni Luke ng isang kindat si Adriana nang tiningala siya nito. Napapangiting hinampas ni Adriana sa balikat si Luke. “Ang korni, ha!” wika nito na halatang pinipigil ang kilig. “Nasaan na pala si Miki?” tanong ni Luke nang mapansing hindi kasama ni Adriana ang manager. “Nauna nang umuwi. Tumawag kasi ang panganay niya at dinala raw sa ospital ang bunso nila. Mataas raw ang lagnat.” “Oh,” usal ni Luke. “I hope her child will be fine.” “Sana nga,” maikling sagot ni Adriana na inayos na ang mga gamit. “Have you had your dinner already, hon?” “Hindi pa nga, eh. Can I eat you now?” Luke said grinning. Alam naman ni Adriana na nagbibiro lang siya. “Loko ka. Baka pagbigyan kita ora mismo, right here, right now, ah!” Malutong na humalakhak si Luke at inakbayan ang kaniyang nobya. “Where do you wanna eat?” tanong niya nang makalabas sila ng dressing room. Naabutan pa nila si Louella sa hallway na kausap ang isang staff ng news program. Sinulyapan lang sila nito at ibinalik din ang pansin sa kausap. Hawak kamay na nagpatuloy sila ni Adriana palabas ng istasyon. “I don’t like eating outside, hon.” “Same here. Then, let’s go home, babe.” “Tara. Pagdating sa mansyon ay ipagluluto kita ng paborito mong sinigang na baboy.” “Sure? Hindi ka pa pagod? Pwede naman tayong mag-take out na lang ng pagkain.” “Of course not. Fully energized na rin ako like you dahil nandito ka,” Adriana said wearing her lopsided smile. “Oh, how sweet of you, babe. I can’t wait to get home.” “Me too. I can’t wait to give you your favorite dessert,” makahulugang wika ni Adriana na sinabayan ng nakakaakit na ngiti. “Oh, I love that,” nakangiting wika ni Luke. Nang marating ang kinapaparadahan ng kotse ay agad na pinagbuksan si Adriana bago pumasok sa driver’s seat. Ilang sandali pa’y tinatahak na nila ang daan patungo sa mansion. NAKANGITING hinintay ni Landon ang paglapit sa kaniya ng babae. Naroon siya sa opisina niya. Tinanggal ng babae ang scarf na nakatakip sa ulo at leeg nito at maging ang suot na dark sunglasses. “Hi!” bati niya nang makaupo ito sa harapan niya. “What took you so long?” “Hindi madali ang pinapagawa mo sa akin, babe. I’m compromising my work and risking my life because of it.” The woman dropped a small white envelope on the top of his table. “But you did it,” nakangiting wika ni Landon na kinuha ang puting sobre at tiningnan ang laman niyon. Kumislap ang mga mata niya nang makita ang halagang napapaloob sa sobre. “This is what I love about you, darling. Madali mong naibibigay ang lahat ng gusto ko.” Inabot ng babae ang kaniyang kamay at matamis siyang nginitian. “I love you so much that I will do everything for you, babe.” “Ganoon din ako,” ani Landon na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng babae. “So, how’s Echeveria Distilling Company going?” “Well, I think, Lucas hasn’t detected the large sum of money that’s been missing from the company. Alam mo namang malaki ang tiwala niyon kay Carlos.” “I didn’t know that Lucas could be so dumb,” natatawang wika ni Landon. “We’re just so lucky that Luke is not the kind of boss na mabusisi. Malaki ang tiwala niya kay Calvin.” Humalakhak si Landon. “Poor Lucas. Ni wala siyang ka-ide-ideyang may mga anay sa kompanya niya. Talaga ngang walang perpektong tao sa mundo.” “And, I know you’ll be happy if I tell you another good news.” Napagkit sa labi ng babae ang ngiti. “Come on, darling. I’m dying of suspense already.” “Well, Luke’s was making a new formula. And…” She paused. May kinuha na nakatuping bond paper at iniabot kay Landon, “this is it. He’s planning to launch it on his wedding day. Kaya dapat na maunahan mo siya.” “Really?” wika ni Landon at pinasadahan ng tingin ang nakasulat na proseso ng paggawa ng bagong wine ng Echeveria Distilling Company. “Yup. I saw that on his table,” proud pa na wika ng babae. “Thank you, darling. You’re the best,” napapangising wika ni Landon at dumukwang para abutin ang labi ng babae para sa isang halik. The kiss lingered for a few moment at pareho silang humihingal nang putulin nila ang halik. “I love you,” wika ng babae na tumayo at tinungo ang kinauupuan ni Landon. She sat on his lap and continued their kiss. “I love you more, darling. Just do what I tell you and I’ll make you very happy,” wika ni Landon na tinugon ng mas maalab na halik ang babaeng nagsisimula nang mag-init ang katawan. She’s madly in love with him. Love him to destruction. Alam iyon ni Landon kung kaya ginagamit niya ang kahinaang iyon ng babae para mapasunod ito sa lahat ng gustuhin niya. Landon knew that she will do everything for him. Everything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD