Chapter 2

879 Words
“He’s here, man,” bulong ni Calvin sa kaniya. Calvin is Luke’s right hand and friend. Kapag wala siya sa ospisina ay si Calvin ang tanging inaasahan niya. Luke doesn’t have a secretary dahil sapat na si Calvin sa kaniya. Bagay na ikinasiya ni Adriana. Sinundan ni Luke ng tingin ang direksyong itinuro nito at nakita niya si Landon na kausap ang isa sa mga bisita ng kaniyang Ninong Frank. May hawak itong kopita ng alak sa kaliwang kamay habang nakahawak sa balikat ng kausap nito ang isa pang kamay. “It’s inevitable, Cal. We’re moving on the same circle. Hindi maiwasang magkabungguang-siko sa mga ganitong pagtitipon.” Nagkibit-balikat si Calvin. “Anyway, where’s your fiancee? Himala yatang humiwalay siya sa ‘yo,” natawa nang mahina na wika ni Calvin. “Hayaan mo na si Adriana. Nariyan lang ‘yan sa tabi-tabi. Alam mo namang maraming may gustong kausapin siya.” “Perks of having a beauty queen for a fiancee, eh? You’re really marrying her?” “Of course. I already wanted to settle down, Cal. I want to have kids and be a father.” “Best wishes to you, man. Basta ako, ayoko muna mag-asawa. Hindi pa ako nagsasawa sa buhay binata.” Luke chuckled. “Paano ka mag-aasawa kung wala ka namang pakakasalan?” “Not my priority for now. I have my own share of women and all of them knew the set up. No strings attached.” “Kakarmahin ka sa pinaggagawa mo, Cal. You’ll see,” wika ni Luke na sinabayan ng ismid. “Come on, Luke. You’re just like as I am. Dumating lang si Adriana kaya ka nagkaganyan.” “I just realized na ayoko na ng buhay binata, Cal. Besides, Adriana is perfect for a wife.” “Speaking… here comes your kryptonite. I just saw some acquaintance. Maiwan na muna kita,” paalam ni Calvin at umalis na sa harapan niya nang makitang pabalik si Adriana sa kinaroroonan nila. Tumango si Luke at hinintay na makalapit ang kasintahan. Agad niyang hinawakan ang maliit na beywang nito. “Where have you been?” “Oh, just had a short interview with the media people. I am not really enjoying this event, honey. Lahat na lang ay gusto akong hilahin para kausapin!” Luke smiled at her. “Hindi ka pa ba sanay? Just be patient, okay? Maya-maya lang ay uuwi na tayo.” “Oh, I can’t wait—” “Hello, there!” Halos sabay silang napalingon ni Luke sa pinanggalingan ng boses. They saw Landon standing behind them at malawak ang pagkakangiti. “Oh, hi!” magiliw na wika ni Adriana na inihanda ang isang matamis na ngiti. Of course, he could see the recognition on Adriana’s eyes. “You’re stunning, Miss Vega. No wonder Luke here is very…possesive,” wika ni Landon na malisyosong bumaba ang paningin sa kamay ni Luke na nakahawak sa beywang ni Adriana. “Oh, thank you. You look good, too,” ganting puri ni Adriana. “What do you want?” matiim ang titig na tanong ni Luke. “I just want to greet you and your fiancee, Luke. I’m leaving so, you didn’t have to worry that I might take away something from you tonight.” “I’m not threatened, Landon. You just can’t take anything away from me,” may babala sa boses na wika ni Luke. “Really?” Landon gave Luke a lopsided smile before looking at Adriana. “You must be aware, Luke. Hindi lahat ng kasama mo rito ay kakampi mo.” “Just leave.” Tiim-bagang na sabi ni Luke. “I will. Enjoy the rest of the night, Miss Vega.” “I will…” mahinang wika ni Adriana at binalingan si Luke. Nakita niya itong madilim ang mukha kaya inilapat niya ang mga palad sa magkabilang pisngi nito. “Come on, hon. Don’t let that bastard ruin the night.” “I’m sorry, babe.” Bahagyang napaatras si Adriana at napahawak sa kaniyang noo. Muntik na siyang mawalan ng panimbang kung hindi lamang siya naagapang hawakan ni Luke. “Are you okay, babe?” “I just felt dizzy. Naparami yata ang nainom kong alak.” “Here.” Iginiya siya ni Luke na maupo muna. “Just wait here at magpapaalam lang akong uuwi na tayo.” “No, no!” maagap na pigil ni Adriana na hinawakan pa siya sa braso. “You can stay here, hon. Nakakahiya naman kay Tito Frank kung aalis ka agad.” “But you’re not feeling well.” “It’s okay, hon. I know this event is special for you, too. And I know you didn’t want to leave just yet. Kaya ko pa namang umuwi mag-isa. I’ll just take the car if that’s okay with you.” “Are you sure? Baka hindi mo kayang magmaneho.” Hinaplos ni Adriana ang mukha ni Luke at matamis na ngumiti. “I can manage, hon. I’ll just wait for you at home.” She gave Luke’s lips a quick kiss. “Ihahatid na lang kita sa sasakyan. I’ll ask Calvin to convoy you.” “Don’t do that, hon. Calvin’s enjoying the party. Saka mapapagod lang si Calvin sa pagda-drive dahil babalik pa siya rito para sunduin ka. I’m really okay, hm?” Luke sighed as a sign of defeat. Nang makasakay si Adriana sa kotse at makalabas sa parking lot ng hotel ay agad na ring bumalik si Luke sa party. While Adriana was driving Luke’s car ay nakita niya mula sa side mirror ang pamilyar na kotse na nakasunod sa kaniya. She made a U-turn at hindi ang daan pauwi sa bahay ni Luke ang tinatahak ng sasakyan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD