Chapter 34

1303 Words

PAGOD na naglalakad si Aifa pauwi sa bahay nila. Nang nasa malapit na siya ay nakita niya ang pagkukumpulan ng mga kapait-bahay nila sa harapan ng bahay nila. Nagmadali siyang lumapit at nakita niya ang ilang kalalakihan na malalaki ang katawan na hinahakot ang ilang kagamitan nila. Sila rin iyong mga lalaking pumunta noong isang linggo sa bahay nila at naniningil ng utang ng mama niya. Mabilis na lumapit si Aifa na natabig pa ang isang babaeng nang-uusyuso. “Ano ho ang nangyayari?” tanong niya. Nakita niyang umiiyak ang mga kapatid niya samantalang ang mama niya ay tahimik sa isang tabi. Ang papa naman niya ay nakikiusap sa mga lalaki. Ang ilang mga kagamitan nila ay nasa labas na ng bahay. Hindi napigilan ni Aifa ang makaramdam ng hiya dahil marami sa mga kapit-bahay nila ang nakamasid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD