“HI, CLARA,” nakangiting wika ni Calvin nang maabutan ang sekretarya na nakayuko sa desk nito at abala sa trabaho. Kagagaling lang niya sa distelleria at ngayon pa lang pumasok sa opisina. “Good afternoon, Sir. May kailangan po kayo?” matamis ang ngiting tanong nito. Calvin shook his head. “Wala naman. Wala bang naghanap sa akin mula kaninang umaga?” “Wala po, maliban kay Ma’am Vanessa.” “Hinanap ako ni Vanessa?” tanong niya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang lambong sa mga mata ni Clara tuwing pinag-uusapan si Vanessa. Naghihinala siyang baka nagseselos ito dahil palagi na silang magkasama ni Vanessa at hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon ni Clara na makapag-usap. “Opo. Mula po kahapon. Sinabi ko nga pong tawagan na lang po kayo pero hayaan na lang daw,” anito na iniwas ang mga

