AIFA felt relieved when she ended the call. Tumawag kasi ang papa niya at ibinalitang nagising na si Aicer. Stable na ang kondisyon nito at kailangan lang magpalakas pa ng katawan at paghilumin ang mga sugat bago ito makakauwi sa bahay nila. “How’s your brother?” Lumipat ang paningin ni Aifa kay Luke. Naroon sila sa pool area. Nakaupo ang binata sa edge ng pool habang ang mga paa nito’y nakalublob sa tubig. Lumapit si Aifa rito. “Gising na raw si Aicer. Mga ilang araw pa at puwede na siyang umuwi para sa bahay nalang magpagaling. Kailangan lang na ma-clear ang lahat ng tests niya.” Bahagyang tumango si Luke. “Good to hear that.” Ibinaba ni Aifa ang cellphone sa sun lounger na naroon at lumapit sa kinaroroonan ni Luke. “Umahon ka na riyan, Luke. Masama para sa ‘yo ang umupo riyan

