HALOS alas dies na ng gabi nang makauwi sina Luke at Aifa. Naabutan nilang naghihintay sa living room sina Doña Celestina at Vanessa na agad nagliwanag ang mukha nang makita silang dalawa ni Luke na papasok. “Oh, my God! You’re stunning, Ai. How’s your night?” malapad ang ngiting wika ni Vanessa. Tipid na ngumiti si Aifa pagkatapos na batiin ang dalawa. “Mabuti naman po, Ma’am Vanessa.” “Oh, let’s just drop formalities, Aifa. You can call me Vanessa.” Sinulyapan ni Aifa ai Luke at ang ina ng mga ito. They smiled smiled at her as if giving her the permission to call the youngest Echeveria by her first name. “Okay, Vanessa.” Hinila siya ni Vanessa palayo sa dalawa. “Nagkita ba kayo ni Adriana roon? I’m sure she’s there with her lover.” Aifa nodded. “How’s kuya? Did he talk to

