“WHO’S she, love?” nakangiting tanong ni Aifa na kinindatan si Luke bago harapin si Adriana. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Luke at humaplos doon. Nakita niya kung paano dumako roon ang paningin ni Adriana. Disimuladong umangat ang kamay ni Aifa at hinawakan ang suot na kwintas. Napako roon ang tingin ni Adriana at hiindi maikakaila ang panaghili sa mukha nito. “H-How did you get that? It’s not yet out in the market!” Mahinhing tumawa si Aifa. “Oh, Luke pulled some strings to get this. Isn’t he sweet?” nang-iinggit na wika ni Aifa. Adriana laughed sarcastically. “Alam mo ang mga mamahaling alahas katulad niyan ay may pinagbabagayan. Look at you, you look awkward,” nakangiwing wika ni Adriana. “At kanino naman sa tingin mo nababagay ito? Sa ‘yo?” tanong niya at ina

