LIHIM na pinagmamasdan ni Aifa ang bawat galaw ni Adriana. Magiliw itong bumati at nakikipag-usap sa mga kakilala nito. Alam niyang nakita na nito ang binata. She saw how Adriana was surprised when she saw Luke was there. Naitago lamang nito ang gulat dahil sa mga bisitang bumati rito. Hindi napigilan ni Aifa ang mapailing dahil sa kawalan ng hiya ng dating kasintahan ni Luke. Pagkatapos ng nangyaring eskandalo ay hayagan nitong iminungkahi at ibinalandra sa lahat ang relasyon nito at ng karibal ni Luke sa negosyo na si Landon. Kung sa kaniya nangyari iyon ay baka nagpakain na lang siya sa lupa sa labis na kahihiyan. Ngunit ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang tulad ni Adriana? Biniyayaan nga ito ng magandang mukha ngunit masama naman ang ugali. Hindi napigilan ni Aifa ang pag-ikot ng

